Chapter Eleven.2

5.6K 97 0
                                    

Marahas ang naging pagsara ng pinto sa taxi nang makababa si Katelyn. Napangiwi si Darvin nang makita ang galit kay Katelyn nang pumasok. Kaagad siyang bumaba ng kotse niya upang sundan ang dalaga hanggang makapasok ng bahay ng mga Quiñones.

"Kate, kausapin mo naman ako." Sabi niya habang nakasunod kay Katelyn. Hindi naman siya pinansin nito. Nagpabuntong-hininga siya.

"Hi, kumusta ang play? Boring 'no?" bungad na bati ni Anika sa kanila. Hindi ito sinagot ng dalaga. Tumingin si Anika sa kanya.

"Hindi naman." Simple niyang sagot. Noon lumapit ang Mommy ni Katelyn. Kahit ito ay excited.

"Kumusta ang date?"

"Sa susunod huwag mo akong gagamitin sa mga kalokohan mo. Kung gusto mong makakuha ng lalaki humanap ka sa sarili mong paraan." Si Katelyn sa basag na tinig.

"Huh?" takang reaksyon ni Anika.

Kahit ang kanyang ina ay ganoon din. "Hindi ko maintindihan. Linya ba 'yan sa play na pinanood n'yo?"

"Anika set this stupid date. Ganyan na ba talaga kalala ang kapatid kong 'yan?" Patuloy ni Katelyn.

"Kate..."

"Pinagpustahan nila ako, Mom. Ginawa nila 'yon para makapag-date na si Anika. I hate them both!" umiiyak na sigaw ng dalaga saka humahangos na lumayo. Walang nagawa sina Anika at ang mommy nito. Kahit siya ay naiwang hindi alam kung paano pakikitunguhan ang nangyari. Tiningnan niya ang kanyang ina. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Nalaman niya na may kasunduan kami ni Anika na aalukin ko siya ng date para..." Sabi niya sa mababang tinig. "Pero Tita, hindi naman sa gano'n 'yon. Anika..."

"Oh my God." Buong pag-aalalang reaksyon ng kanyang ina. Nangilid ang luha nito. Si Anika naman ay nawala sa kakulitan. Halatang nagulat din ito sa nangyari. "Bakit ganito ang nangyari, Nikka? Mag-usap tayo."

"I guess I have to go." Paalam niya hindi dahil gusto niyang takasan ang problema. Sa tingin lang niya mas kailangang mag-usap ng mag-iina. Saka na niya kakausapin si Mrs. Quiñones.

"I'll talk to you some other time." Sagot ng kanyang ina.

"I'm sorry, Tita. I never thought this would happen. My intentions for Kate is-"

"Salamat. Makakaalis ka na. Kakausapin ko muna ang mga anak ko. Thank you for your time." Simpleng sagot nito.

Nakaunawa siyang tumango at mabigat ang loob na lumabas ng bahay.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon