Chapter Three

8.6K 146 0
                                    

Tulad ng nakagawian ay tahimik na naupo sina Katelyn at Anika sa harap ng hapag-kainan nang umagang iyon. Nagbabasa ng daily broadsheet ang mommy nila.

"Mom." Pasimple niyang tawag sa ina.

"Oh, this is new. Mukhang ikaw may kailangan sa'kin instead of Nikka's date frustration." May gulat na pahayag ng kanyang ina. Itinupi nito ang babasahin at hinarap sila.

"May sasabihin sana ako." Panimula niya. Si Anika ay tahimik lang na nakamasid sa kanya habang tahimik na kumakain.

"Oh, darling. Just tell you have a boyfriend already." Tila nagmamakaawang sabi pa ng kanyang ina sa kanya.

"Mommy." Saway naman niya. "Magpapaalam lang sana ako na gusto ko nang kumuha ng sariling unit. I want to practice my independence."

Napag-isapan niya na marahil tama para sa kanya na humiwalay na sa kanyang ina. Tutal naman ay nasa edad na siya at professional na. At isa pa, gusto niyang mataksan ang pakikialam nito sa lovelife niya.

"Oo nga, Mom." Sa unang pagkakataon ay pangsang-ayon ni Anika. "Baka, Mom, pwede akong sumama kay Ate."

"Shut up, sweetheart. Dito ka sa bahay." Malumanay at nakangiti ngunit malamang saway ng kanyang ina sa kapatid niya.

"Bakit bigla-bigla naman yata? Problema ba?" tanong ng kanyang ina sa kanya.

"Wala naman. I just thought." Tangi niyang nasabi.

"Pag-iisipan ko." Sagot ng kanyang ina at akmang magsasalita si Anika nang pumigil ang kanyang ina. "It is still a no for you, my darling princess. Now eat."

Hindi na niya sasalungatin ang sinabi nito dahil hindi rin naman siya mananalo. At isa pa, kung gagalitin niya ito at baka hindi siya mapagbigyan nito.

Napatingin siya sa nakasimangot na kapatid. Nakatingin din ito sa kanya. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahabag dito. Alam niyang walang masamang hiling si Anika. Her only wanted her freedom. Ngunit mahigpit naman ang ina nila.

"Mom, wala ka bang plano para kay Nikka?" panimula niyang tanong. Gulat na tumingin si Anika sa kanya. She winked.

"The best life, I think." sagot ng kanyang ina.

Huminga muna siya nang malalim bago sumandal sa upuan habang hawak ng tinidor. Nilaru-laro niya ang syrup ng pancake niya.

"Eighteen na siya so I think hindi na dapat mahigpit ang mga rules sa kanya. Maybe you can..." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil uri ng tingin ng kanyang ina sa kanya.

"Hindi naman siya nakakulong dito sa bahay. She can go wherever she wants. Pwede niyang gawin ang gusto niya. So, anong problema?"

"Yeah, alam ko 'yon. I mean sa ibang bagay like...dating." Sagot niya saka tiningnan ang magiging reaksyon nito.

"Oh, that thing. Bakit? Naisip mo na ba ngayong makipagdate?"

"Si Nikka ang pinag-uusapan natin hindi ako. Gusto niyang subukan na makilala ang male section so I guess hindi siguro masama kung pagbigyan mo siya."

Mapakla ang naging tawa nito. "Ikaw, wala ka bang balak kilalanin ang 'male section'?"

She rolled her eyes. "No, I don't, ever."

"Gano'n naman pala. Nikka can't date...ever." Nangingiting sagot ng kanyang ina. Sabay silang nagbuntong-hininga ni Anika.

"Okay." Biglang sabi ng kanyang ina at nabubuhayan ng pag-asang nilingon ito. "Let's have a deal."

Napangiwi siya. Mukhang mapapasubo siya.

"What now?" hindi pa man ay naiinis na niyang tanong.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon