Chapter Six.3

6.2K 126 1
                                    

"Kate?" narinig niya ang pagtawag ng Mommy niya ngunit hindi siya kumilos. Nanatiling nasa scale ang mga mata at nagtatrabaho. Naramdaman niya ang pagalapit nito.

"Mom, I need my privacy." Hindi naman naninita niyang sabi dito. Ayaw lang niya talagang may abala kapag naghahabol siya ng re-work. Alam iyon ng kanyang ina.

"Halika muna. Mag-usap muna tayo." Sabi nito. Wala siyang nagawa kundi sumunod.

She heard her mother sighed. Ganoon din ang ginawa niya. Umupo ito paharap sa kanya sa kahoy na set.

"Two weeks na lang lilipat ka na." bungad na tanong nito.

"Yeah." She just said.

"Mabuti nagbati kayo ng kapatid mo bago ka man lang umalis. Ayokong nagkakagulo kayo, Katelyn. Dadalawa lang kayo. You should always help each other. Pagpasensyahan mo na rin ang kapatid mo. Gano'n lang talaga 'yon. Pero alam naman natin pareho na mabait naman si Anika."

She sighed and nodded. "Nag-sorry na 'ko, Mom."

"Alright. Naisip ko lang na panahon na para sabihin ko sa'yo ang nangyari sa'min ng Daddy mo." Sabi nito. Nagtataka siyang lumingon. "Nag-usap kami kanina lang."

"Ano? Nag-uusap na kayo all this time?" Napatayo niyang tugon dito.

"We have communication for a year now. At ano naman kung nag-uusap kami? Bakit nagagalit ka? We to talk para sa inyong dalawa." Sagot nito.

She snorted. "At wala kang sinasabi sa'kin, sa amin ng kapatid ko?"

"Kate, anak. Sasabihin ko naman. I'm just finding the proper timing. Nasabi ko na kay Anika-"

"Alam ni Anika?" Agap niya. Tumayo ito at inabot ang balikat niya upang muli siyang paupuin.

"Hindi na kami masaya ng daddy mo nang magkasama. When Anika turned seven, marami nang dumating na problema. Hindi mo lubos na maiintindihan dahil bata ka pa noon. Kate..." saad nito. Tumigil muna ito na tila nag-iisip at may pag-aalinlangan.
"Arranged marriage ang nangyari sa amin ng daddy mo. Mahal ko siya pero...he's in love with someone else. Hindi naging madali para sa amin lalung-lalo na para sa kanya ang relasyon namin. Walang nagawa ang daddy mo nang ipagkasundo kami ng mga lolo mo dahil natakot siya noon na hindi makahawak ng posisyon sa family business nila at hindi siya pamanahan. He loved his job in their company. Iyon ang buhay niya. Kaya pumayag siyang magpakasal sa'kin." Mahabang paliwanag nito. Noon din ito lumuha.

Parang sinuntok ang puso niya Katelyn. Noon lang niya muling nakita ang pagluha nito. Hinawakan niya ang pisngi nito.

"We had an okay relationship. Dahil pareho naming alam ang aming sitwasyon kaya alam namin kung paano at saan lulugar. Ginawa ko ang lahat upang mahalin ako ng daddy mo at ganoon din siya. Pero talagang kayo na lang ni Anika ang dahilan kung bakit pa kami nagsasama. Until he gave up. Bumalik ang talagang babaing mahal niya at doon nagsimula ang problema. Na-realize ko, anak, hindi kailanman naging akin ang daddy mo."

"Mom..." punung-puno ng dalamhati niyang anas. Wala siyang alam. Nabuo at namahay ang galit sa puso niya dahil ang akala niya ay ang daddy niya ang lahat ng may kasalanan.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi kaagad. Ayokong masira ang magandang pagtingin ninyo sa'kin ni Anika. Pati na sa daddy n'yo. Hindi s'ya nagkulang sa inyo bilang ama. Ayoko ring pati kayo ay lumayo sa'kin. I'm-"

"Mom, hindi mangyayari 'yon. Hinding hindi." Saad niya sabay yakap dito. "I love you, Mom."

"Forgive your father, Kate. Iyon ang hiniling niya sa akin kanina nang mag-usap kami. Miss ka na niya." Sabi nito ngunit hindi na siya nagsalita.

"Mom, honestly, hindi naman ako talaga galit kay Dad. Hindi ko lang kasi alam kung anong totoo kaya hindi ko maiwasan na mag-isip na s'ya ang may kasalanan. He left you. Nakita ko ang pag-iyak n'yo. Alam ko na nasaktan kayo. S'yempre, masasaktan ako para sa inyo. He left without saying a word. Iniwan rin naman n'ya kami. Normal lang naman siguro na magtampo rin ako sa kanya. Kasi mahal ko s'ya tapos umalis lang s'ya." Mahaba niyang tugon.

Ngumiti ang kanyang ina. "I'm sorry kung hindi naging malinaw sa'yo ang lahat. But thank you, anak. Thank you for understanding. Siguro isa sa mga araw na 'to. Magkakausap din kayo."

Then she answered her with a smile.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon