Chapter Five

7.7K 145 3
                                    

Kaagad na tumayo si Katelyn nang makita niya si Mrs. Stefan na bago niyang kliyente. Nakasuot ang ginang ng isang eleganteng three piece formal suit na kulay asul habang nasa kamay ang handbag nito. Mabilis na umikot sa utak niya ang design na gusto nito para sa ipapatayo resort na magiging project niya.

"Hi, good morning. I'm sorry for being late." Nakangiting hinging paumanhin ni Mrs. Stefan sa kanya habang inilahad ang kamay. Nakangiti niya iyong tinanggap.

"That's fine. Hindi pa naman po ako nagtatagal." Sagot niya saka itinuro ang bakanteng upuan. Sabay silang naupo.

"Traffic." Nagbubuga ng hangin na sabi ni Mrs. Stefan.

Ngumiti siya at kinawayan ang isang waiter na iniabot naman ang menu nang makalapit. Kinuha niya ang isa.

"Oh, I only need a drink. Hindi ako maaaring magtagal. Sasabihin ko lang sa'yo ang mga details na gusto kong makita sa resort and I'll you leave to you the rest." Sabi ng ginang at hindi na tinanggap ang menu.

"Such a busy person." sagot niya. Umorder na lang siya ng dalawang inumin. Hindi na rin siya maaaring magtagal dahil si Mrs. Stefan lang naman ang dahilan niya kung bakit siya naroroon. Ibinalik na lang niya ang menu sa waiter at umalis na ito.

"Any idea?" kaagad na tanong ng ginang nang maiwan sila.

"I'm thinking a tropical resort." Mabilis niyang sagot.

Lumapad ang ngiti nito sa kanya. "Are you reading minds?"

"Hindi naman po." Sagot niya. Noon naman dumating ang order nila. Uminom muna siya bago muling nagsalita. "Naisip ko lang na masyado na kayong toxic sa city that's is why you wanted a place to be your sanctuary."

"That's good. Alam na alam mo kung ano ang gusto ng kliyente mo. Hindi nga nagkamali ang mommy mo sa rekomenda sa'yo sa akin. You are good as her." Natutuwang pahayag ni Mrs. Stefan habang inilalatag niya ang ilang catalog upang makapili ito ng ilang fixtures at funitures para sa resort. Pati na ang mga tropical color na mixtures na maaari nitong gustuhan.

Napangiti si Katelyn sa sinabi ni Mrs. Stefan. Saka napaisip.

Halos lahat ng nagiging kliyente niya ay galing sa Mommy niya. Ang kanyang ina ang nagsasabi sa mga kakilala ng contact details niya upang sa kanya mapunta ang ilan sa mga kliyente. Kaya malaking bahagi ng tagumpay niya sa design industry ang kanyang ina. At pinakhuli na nga ay si Mrs. Stefan.

"Actually, matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng isang resort. College pa lang kami ng Mommy mo ay alam na niya ang gusto ko. Kaya sabi ko sa kanya, once she got her degee, I want her to design my dream resort. She made a promised. Pero dahil masyado siyang busy, ikaw na lang ang gagawa para sa kanya. But I'm grateful for that." Mahabang sabi ng ginang.

"Gagawin ko ang makakaya ko para sa resort. To fulfill my mother's promise." She said.

"Thank you."

She smiled. "Pasalamatan n'yo na lang ako kapag natapos na ang project."

"You're pretty when you smile. Sa tingin ko hindi ka aware na maganda ka. Your mother maybe forgetting to remind you that." Sabi nito habang nag-isang lagok ng four season.

Noon siya napatawa. "Tita, stop your compliments. Gagawin ko naman nang maayos ang trabaho ko."

"You're such a humble child. Nagsasabi ako ng totoo. At isa pa, huwag kang mag-alala tungkol sa resort. Mabilis naman itong matatapos. My nephew is a good architect. Hindi magiging matagal ang paggawa doon. I bet you that. He also promised to me na ang resort ang unang project niya pag-uwi niya dito sa Pilipinas. Parating na siya in a few minutes. Baka naipit lang 'yon sa traffic. I'm sorry kung hindi ko nabanggit sa'yo. Nakalimutan ko siguro."

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon