Chapter Eight.1

6.3K 117 0
                                    

Nagising si Katelyn dahil sa malakas na pagyugyog sa kanya. Hindi pa man lubos na nagigising ay alam na niya kung sino ang pangahas na gumagawa noon.

"Ano ba?" yamot niyang sabi sa paos na tinig habang nakadapa pa rin sa kama. Kaunti pa lang ang oras ng tulog niya dahil napuyat siya sa pag-revise ng design niya dahil hindi ito in-approve ng financial analyst ang project para kay Mrs. Stefan. Masyado daw magastos ang choices niya para sa detalye ng design. Hindi practical at economical na siyang naman daw bilin ni Mrs. Stefan.

Hindi daw kinakailangan na magastos ang bawat kagamitan na gagamitin sa resort. Ang mas mahalaga daw dito ay ang kalidad at kung ano ang mas makakahakot ng bisita. Kaya naiinis niyang nilamay iyon kagabi.

"Gumising ka na sabi ni Mom at may pupuntahan daw tayo." Saad ni Anika. Naramdaman niya ang paglayo nito. Hindi pa rin siya tumayo.

"Ate." Tawag pa rin nito.

"Saan ba tayo pupunta? Puyat ako." Paghihimutok niya. Tumayo siya mula sa kama kahit papikit-pikit pa.

"Grill party." Narinig niyang sagot ni Anika. Lukot ang mukha niyang hinarap ito.

"Grill party? What the...? Bakit kailangan pa akong kasama 'don?" puno ng inis niyang himutok.

Nakibit-balikat lang si Anika. "Huwag akong pagalitan mo."

"Sorry naman." Sarkastiko niyang sagot. "Saan ba ang party?"

"Kina Darv." Sagot na tila kinikilig pa.

"Wow ha, Darv? Close na kayo? Remember little girl, mas matanda siya sa'yo ng ilang taon. At least tawagin mo siyang kuya." Sagot niya. Hindi naman siya sineryoso nito.

"Ayoko nga." Pagkasabi noon ay iniwan na siya nito. Pikon siyang tumuloy sa banyo at panay ang bulong habang pilit na nagbibihis.

Nang matapos maisuot ang isang Capri pants at dilaw na tee ay patamad na bumaba si Anika. Isang pares ng flip flop ang isinuot niya sa paa. She even did not bother to dry her hair. Mabuti na lang at pagaling na ang sugat sa kanyang gulugod. Hindi na rin iyon nananakit. She never bothered to tell them the story. Ayaw niyang malaman ng mga ito na magkasama sila ni Darvin nang mangyari ang pagkahulog niya. Sigurado siyang guguluhin siya lalo na ni Anika tungkol sa kanila ng binata.

Naroon na si Anika sa sala na nakaupong naghihintay habang nakasalpak sa tainga ang earphone ng Ipod nito.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong niya nang tanggalin niya ang earphone sa tainga ng kapatid.

"Ouch naman! Barbaric ka talaga. Sandali lang, pwede? May kausap pa si Mom sa phone." Asar na sagot ng kapatid niya at muling ibinalik ang earphone. Kumanta pa ito nang malakas. Isang paraan upang itaboy siya.

Noon niya narinig ang doorbell. Nakita niyang papalapit si Aya na kanilang kasambahay ngunit pinigil niya ito. Mas malapit naman siya sa pinto kaya siya na lang ang magbubukas.

Nang buksan niya ang pinto ay ganoon na lang ang pagpangit ng mood niya dahil sa nakitang bisita.

"Anong ginagawa mo dito?" kaagad niyang tanong sa nakangiting si Darvin kasabay ng biglang pagrigudon ng kanyang puso. Sa isang iglap ay tila nagkagulo ang mga ugat sa kanyang utak at nawala ang dapat isipin noon. It is only because she saw Darvin manly standing with his jaded jeans and a blue shirt.

"Sinusundo kayo." Sagot ni Darvin.

"Service?" may halong pang-aasar niyang sagot. Para namang walang epekto iyon sa binata. Tinalikuran niya ito at hinayaan itong makapasok.

"Feel at home." Mabigat ang loob niyang saad.

"Salamat." Sagot nito. Tiningnan niya ito at nakita niya ang ngiti nito. Umikot ang kanyang mga mata sa inis. Inis dahil hindi niya mapigilang maapektuhan sa mga ngiting iyon.

Lumakad siya patungo sa sala at sumunod ito sa kanya. Nakita ni Anika si Darvin at parang patay na nabuhay ito.

"Hi, Kuya Darvin." Umaapaw ang excitement na bati ng kapatid niya.

"Hello, Nikka." Sagot ng binata. Napaangat ang kilay niya.

"Nikka?" may gulat niyang sabad.

Sila lang ng Mommy niya ang tumatawag nang ganoon sa kapatid dahil Kai ito sa mga pinsan at mga kaibigan nito. Ang daddy pa nila ang unang tumawag nang ganoon sa kapatid niya.

May tila suntok siyang naramdaman sa puso niya nang maalala iyon. Bigla niyang na-miss ang daddy niya. Nanibago rin siya sa kanyang sarili. Hindi naman siya nagtanim ng galit sa kanyang ama. Nagkataon lang na kahihiwalay pa lamang ng mga magulang niya nang nangyari ang pagnanakit sa kanya ni Jed. Ngunit ang totoo ay mahal naman niya ang kanyang ama.

"Ayaw mong tinatawag kang Nikka?" Ani Darvin na kay Anika nakatingin.

"Hindi naman. Huwag mong pansinin si Ate. Praning lang 'yan kasi narito ka. But she'll be okay." Sagot ni Anika na tumawa pa. Inismiran niya ito.

"Gano'n ba?" Si Darvin. Tumingin ito sa kanya. "Palagi ko ngang napapansin 'yan sa kanya."

Napabuga si Katelyn ng hangin. Kasunod ang panay na iling. Mukhang nakahanap ng kakampi si Anika sa pang-aasar sa kanya.

"Pero maganda ang Ate ko 'no?" bigla namang sabi ni Anika.

Napalingon siya dito. Feeling surprised and puzzled. Hinintay tuloy niya kung anong susunod na sasabihin nito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may lumabas na pagpupuri para sa kanya mula sa bibig nito.

"Boring lang. Come, I'll give a tour in our house." Dugtong ni Anika sabay hila kay Darvin. Walang nagawa ang binata kundi magpahila dito. Naiwan siyang hindi alam kung matatawa o maiinis sa kapatid. Nagpapasalamat siya at sanay na siya sa ugali nito kaya maaari niyang palampasin ang pagiging pasaway nito.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon