Piece 1

23 1 0
                                    




Isang buwan na. Isang buwan na mula nang umuwi si Sapphire at ang anak niya dito sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay problemado pa rin siya kung paano masosulusyonan ang problema sa kompanya

"Helen..." tawag niya sa sekretarya mula sa intercom

"Yes Ma'am?"

"Bring me a cup of coffee please." utos niya at inihilamos ang mga palad sa kanyang mukha. Sumasakit na ang ulo niya sa dami ng paperworks at kailangan niya pang maghanap ng magiging investor o kaya ay makikipag-merge na lang. Alin man sa dalawang iyon ay dapat na mangyari. Napansandal na lamang siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Isang marahang katok ang kanyang narinig kasabay ng pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Helen na dala ang kape kapagkuwan ay inilapag sa gilid ng mesa niya.

"Here's your coffee Ma'am.' tumikhim ito. "Siya nga pala Ma'am, may natanggap po akong tawag ngayon lang na may gusto pong mag-invest. Galing pong Blue Phoenix."

Napaangat siya agad ng tingin dito. "Set me an appointment imediately. Probably a lunch meeting." agaran niyang utos. Tahimik siyang nagpasalamat sa Diyos dahil sa wakas mukhang dinidinig na ang kanyang dasal.

Hindi niya namalayang tapos na ang office hours. It's nearly four in the afternoon. Kailangan na niyang sunduin si Zaffiro sa eskwelahan at sabay na rin silang uuwi. nagpaalam na siya sa kanyang sekretarya at lumabas na ng kompanya.

She maneuver the car and drove off. It takes fifteen minutes bago siya makarating sa school. Sakto lamang ang dating niya dahil natanaw na niya ang anak papalabas ng classroom nito. Agad niya itong sinalubong at binigyan ng mahigpit na yakap.

"How's school Zaff?" she asked smiling.

Zaffiro smiled genuinely. "School is awesome Mom!" masaya nitong saad. Hindi katulad noong unang linggo nito rito na medyo ilang pa siya. Mukhang nakakaadjust na rin ang anak niya sa paligid. Ibang iba kasi ito sa atmosphere sa Italy.

"Are you hungry? Do you want to go to the mall?"anyaya niya. Matagal na rin kasi silang hindi nakakapagbobonding dahil sa sobrang busy niya. napilitan na rin siyang maghire ng yaya para may makasama ito sa bahay sa tuwing mago-over time niya pero siya pa rin ang maghahatid at susundo rito.

Sandali itong nag-isip kalauna'y ngumiti. "Can we have a date instead Mom?"

Napakurap-kurap siya bago pinisil ang pisngi ng anak. "Of course, we can!" she said chuckling.

"Yehey! Let's go Mom. I want to go to Jollibee." he excitedly said. Naging paborito agad nito ang pulang bubuyog na 'yon nang una niya itong dalhin doon.

She carried him in her arms and kiss him on his forehead. "Okay, let's go." then she walk towards her car.

Zaffiro kissed her cheeks. "I love you Mom." he said. Her son is really sweet and cuddly and she loves it so much. Isa to sa mga namana ng anak niya sa kanya pero pagdating sa facial features, lahat ay namana nito sa kanyang ama.

Actually they're lucky because in the whole month of staying here, her fears never happened. Bagama't kailangan pa ring mag-ingat dahil baka isang araw, mangyari na lang bigla ang mga ayaw niya. Paano kung magkita silang mag-ama? Baka magbago ang ihip ng hangin at bigla na lang nitong kunin sa kanya si Zaffiro. Na gusto na nitong magpaka-ama. but as far as she knows, he doesn't give a damn noong sinabi niya ritong buntis siya.

That jerk!

Oo nga't nagkamali siya dahil isinuko niya ang sarili dito. Nadala siya ng emosyon at pagmamahal niya para sa lalaki pero hindi niya maiwasang magalit at maghinanakit dahil sa ginawa nito. Yes, it's her entire fault. Ang tanga-tanga niya dahil naniwala siyang mahal siya nito pero ano bang magagawa niya? Nangyari na e. Nagmahal siya pero doon pa sa maling tao.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon