Piece 2

19 1 0
                                    


Nang makasakay ng kotse si Sapphire, parang nakahinga siya ng maluwag. Pakiramdam niya habang kausap niya si Kyle, parang sumisikip ang dibdib niya at ang lakas ng kabog nito. Parang lumiliit ang mundo nila at inaagawan siya ng espasyo. Nagpasalamat siya dahil hindi siya nag-black out o nag-break down sa harapan nito. Kinalma niya ang sarili at huminga ng malalim. Mahigpit ang hawak niya sa manibela.

Nakakainis!

Bakit ngayon pa sila nagkita ng ama ng anak niya?

Ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang nangyari. Ngayon lang din niya napansin ang laki ng ipinagbago nito. Mas naging mature ang itsura nito ngayon. He's more masculine and full of authority but there's still a hint of playfulness in his face like before. Gwapo pa rin ito. Aside from that, she believes that there's no change in his atitude base sa naging pag-uusap nila kanina.

Sana lang ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Hindi na dapat siya mag-isip ng kung anu-ano tungkol dito kung may bago na ba itong girlfriend o may asawa't anak na ba ito. She doesn't care anymore. At kung tatanungin niya ang sarili kung meron pa siyang nararamdaman para dito, sa tingin niya ay wala na. Pulos galit na lang ang nararamdaman niya. How dare he broke her heart like a sapphire stone crushed into pieces. Marahil masayado lang siyang nabigla na makita ito ulit sa 'di niya inaasahang pagkakataon.

Nang tuluyan na siyang kumalma, pinaandar niya ang kanyang sasakyan upang bumalik sa kompanya. Lalo na siyang naging despirada na matapos ang problema so she and Zaffiro can go back to Italy.

Sinalubong siya agad ni Helen pagbalik niya. "Ms. President, Mr. Guevarra is in your office. He wants to talk to you ASAP."

Tumango na lang siya at naglakad na papasok sa kanyang opisina. Tamang-tama lang ang pagdating ng vice president dahil may gusto rin siyang sabihin.

"What can I do for you Mr. Guevarrrra?" tanong niya at umupo sa couch kaharap ito.

"Mr. Mallari called me and he said you rejected his investment. Why is that?" bungad ng medyo maedad na lalaki. Ang bilis naman ng pakpak ng balita. Tsk.

She scoffed. "Yeah, wala siyang maidudulot na maganda sa kompanya ko. I know how asshole is Mr. Mallari, simple as that."

"But this is a big opportunity for us to fix this problem. It's for the company's sake."

"I know. Besides, I can have any other investor I want except him." sagot niya naman.

Biglang kumatok ang sekretarya niya. "Excuse me Ma'am. There's a company wants to invest. Should I schedule  a meeting?" tanong nito.

She smirked and look at him. "See?" tumayo siya at naglakad sa kanyang swivel chair. "Kapag naayos ang problema dito, babalik na ako sa Italy and you Mr. Guevarra will handle everything here." she announced. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki ngunit nakabawi rin kalaunan.

He smiled. "It's my honor to serve this company Ms. President."

"Good and one more thing.. Go talk to the new investor, ikaw na ang humarap dahil busy ako. I'm sure it's not Mr. Mallari this time." she sat in her chair. "You're dismissed."

Mr. Guevarra slightly bowed and stride his way out.

=-=-=-=

Kyle was stunned. He never thought that he will see her again after six years. Ni hindi sumagi sa isip niya na mangyayari ito. Ang huling pagkikita nila ay ang tagpong umiiyak ito habang sinasabi sa kanyang buntis ito, na mahal na mahal siya ng dalaga.

But he turn her down. Pinaasa niya ito ng lubusan. Wala na siyang naging balita pa rito simula noon.

Lahat ng sinabi niya rito noon na hindi niya ito mahal at katawan lamang ni Sapphire ang pakay niya ay totoo. He only wants her body, not her heart. Hindi niya naisip  kung mabubuntis man ito o hindi, wala na siyang pakialam. Hindi na niya kasalanan kung bumigay ito sa kanya.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon