Piece 21

22 1 0
                                    

At dahil birthday daw ni Jungkook, lalabas na daw si Zaffiro 'the handsome' Alcantara Mallari.

=-=-=-=-=

Napamura na lang sa isip si Kyle sa kanyang ginagawa. Hindji dapat ganito ang gagawin niyang pagpopropose sa dalaga. It should be romantic, full of flowers and such but here they are, in the van—on their way to Monteverde mansion.

Nanginginig ang mga tuhod niya habang mahigpit ang hawak sa singsing. Hindi na siya magtataka kung 'hindi' ang isasagot ni Sapphire sa kanya. Gusto na lang niyang sapakin ang sarili sa kahihiyan. Pero mahal na mahal niya ito kaya naman hindi na siya umatras pa. Siya na yata ang may pinakapangit na proposal sa mundo. Ngunit kung 'oo' naman ang sagot nito ay siya na ang pinakamasayang lalaki sa kalawakan.

Pigil hininga siyang naghintay ng isasagot nito. She's just staring at him and into the ring. Napalunok siya ng mariin habang ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Sì, ti sposerò."

Nanigas siya sa kanyang kinauupuan sa itinugon nito. Alam niya ang ibig sabihin no'n. Iba pa rin pala kung maririnig niya ito sa mismong bibig ng dalaga. Tila siya mawawalan ng ulirat sa pagbilis pa lalo ng kabog ng kanyang dibdib.

He leaned his forehead to her shoulder. Tila gusto niyang maiyak. He can't contain the happiness he is feeling right now.

She said 'Yes'

"O-Onyx?"

Nag-angat siya ng tingin. He look at her intently and lovingly. "Thank you so much, sweetcake." then he hugged her tight.

Wala man lang nakakapansin sa kanila. Wala na rin siyang pakialam pa dahil mas importante sa kanya ang nangyayari sa kanila ng dalaga.

"T-Thank you... you made me the happiest man. Grazie, sweetcake."

Kumalas si Sapphire sa pagkakayakap niya. Matamis itong nakangiti sa kanya habang ang mga mata nito'y puno ng kasiyahan na para bang sila lang ang tao sa mundo.

"Ehem!"

Naagaw ang kanilang atensyon nang tumikhim ang ama ni Sapphire. Mariin itong tumitingin sa kanya na para bang may nagawa siyang mali. "I've been calling you two so many times already. Ano bang nangyayari sa inyo?"

Napalunok siya. Sa kaalamang baka nakita sila nito kanina ay tila siya pinanlamigan ng buong katawan. Ano na lang ang sasabihin nito sa kanya? Ngayon ay parang tinamaan na siya ng hiya hindi tulad kanina. 'Stupid jerk!' kastigo niya sa sarili.

"Ah.. eh..." panimula niya pero wala na siyang nasabi pang kasunod.

"You proposed already at masasabi kong 'yon na ang pinakapangit sa lahat." sabi ni Leandro.

Kung gano'n napansin nga nito ang nangyayari kanina. Shit!

"Le—"

"But... siguraduhin mo lang na hindi ganito kapangit ang magiging kasal niyo. I want the best for my daughter. Do you think that I didn't notice? Kahit uugud-ugod na 'ko., I still have eyes like an eagle."

"Dad, h'wag niyo na po siyang takutin. Nakita niyo naman po kung paano nanginig ang tuhod niya kanina e." sabad ng kasintahan na halata naming nagpipigil ng tawa.

Napalunok siya ngunit napangiti kalaunan. "Of course Tito. I'll make sure that our wedding will be special."

"Good then... Congratulations." turan nito.

"Congratulations." segunda naman ng asawa ng ginoo.

Bago pa siya nakapagpasalamat, nagsalita na si Emeralda.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon