Piece 20

15 2 0
                                    


Unti-unting nagigising ang diwa ni Sapphire dahil parang hindi siya makakilos ng maayos. Pupungas-pungas siyang dumilat at tiningnan ang malaking bagay na nakadagan sa kanya. She saw Kyle, sleeping like a baby. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang leeg at ang braso't binti nito ay nakapulupot sa katawan niya. Agad siyang pinamulahanan nang makaramdam ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan. Bumaling naman siya sa kabilang bahagi ng kama at nakitang tulog na tulog pa rin ang aghel nila.

Malalim siyang huminga at dahan dahang inalis ang braso ng binata sa kanya. Isinunod niya ang mabigat nitong binti at sa kabutihang palad ay nagtagumpay siya. Dahan-dahan ulit siyang bumangon at bumaba ng kama. Malapit na sana siya sa dulo nang biglang may mga bisig na humila sa kanya pahiga.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Kyle na ngayon ay sinlawak ng dagat ang ngiti.

Nakapaibabaw siya rito at yakap-yakap nito ang kanyang bewang na akala mo mawawala siya.

"Where are you going sweetcake?" tila nang-aakit na tanong nito.

She bit her lower lip. Bakit naman kasi kailangang paos ang boses nito sa umaga, tuloy ay naaakit siyang halikan ito.

'Pull yourself together, Sapphire.'

"S-Sa baba." nauutal niyang sagot.

He pouted. "Mamaya na lang. Dito ka muna please. Yakapin mo muna ako."

She composed herself and pulled her body up. "Hindi pwede. Magluluto pa ako ng almusal. Mabuti pang bumangon ka na rin para makauwi ka na sa bahay mo."

Hindi siya nito pinansin bagkus ay parang nag-eenjoy pa itong titigan siya. Nangunot ang kanyang noo kapagkuwa'y nanlaki ulit ang kanyang mga mata.

Kaya naman pala ang lawak ng ngiti ng ungas na 'to ay dahil nakaupo na siya sa ibabaw nito. Nakatukod ang mga kamay niya sa matigas nitong tiyan at nakaupo siya sa mismong hindi dapat upuan.

"Bastos!" sabi niya at agarang tumakbo patungong banyo.

Narinig pa niya ang paghagikgik nito bago niya naisara ang pinto.

Humarap siya sa salamin at hindi na siya nagulat nang makita ang tila kulay mansanas niyang mukha. Napahawak siya sa kanyang magkabilang pisngi at mariing pumikit.

Nakakahiya!

Ilang sandali pa niyang pinakalma ang nagwawalang puso bago niya magawa ang mga ritwal niya sa loob ng banyo.

Paglabas niya, gising na ang munting bulilit na ngayo'y tuwang tuwa na nakaupo sa tiyan ng binata.

Nang makita siya nito, umalis ito sa pagkakaupo at pumunta sa kanya. Sinalubong niya ito ng yakap at pugpog ng halik sa mukha.

"Good morning Mom."

"Good morning to you too, big boy." then she ruffled his hair. "Fix yourself and we're going to have breakfast."

Zaffiro politely obliged. Binalingan niya ang lalaking nakaupo na pala sa dulo ng kama at pinagmamasdan siya.

"Goodmorning, sweetcake." he greeted, smiling.

Ngayon lang niya narealize na silang dalawa na lamang ang naiwan ng binata. Tinaasan niya ito ng kilay para maitago ang kahihiyan. He just smirked at her at biglang tumayo.

Her heart hammered inside her body sa paglapit pa lang ng lalaki. Tila naman siya tuod na nakatingin sa papalapit na binata. Kyle's grin got even wider when he reached for her waist and scoop her near him.

"A-Ano bang ginagawa mo?" kinakabahan niyang tanong.

Sa halip na sumagot, isiniksik lang nito ang mukha sa kanyang leeg at inamoy-amoy ito. Biglang nagtaasan ang balahibo niya at ramdam niya ang pagkapula ng kanyang mukha.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon