Piece 15

15 4 1
                                    


What's with you earlier?" bungad na tanong ng kanyang ama nang makapasok siya ng opisina nito.

Kunot ang noo niyang naupo sa visitor's couch. "What do you mean Dad?' balik tanong niya.

"You'd been staring at Ms. Alcantara the whole lunch time, son." pahayag nito. Ito na nga bang sinasabi niya. Umiral na naman ang pagiging observer ng kanyang ama. Napabuntong hininga siya at sumandal sa backrest. Matapos kasi ang lunch nila, sinabihan siya nitong sumunod sa mansyon nila dahil gusto siya nitong kausapin. At heto na nga't inuusisa na siya nito.

He should tell the truth. Ano pa ba ang itatago niya? Kagaya nga ng sinabi niya ay gusto niyang ayusin muli ang lahat.

"I can't explain what I felt earlier Dad. Nang makita ko ang mag-ina ko kanina, parang gustong magwala ng sistema ko at yakapin sila ng mahigpit para hindi na sila mawala pa sa 'kin. Nasa harapan ko na sila. Pakiramdam ko, nabuo ako. Parang nawala ang lahat ng alalahanin ko nang makita ko sila. Gagawin ko lahat, Dad. This rime, ibabalik ko ang mag-ina ko."

Bumakas ang gulat sa mukha ng ginoo. "What? The 'Sapphire' you're talking about is Leandro's daughter?"

Tango lamang ang kanyang isinagot.

"Sa tingin ko hindi lang si Ms. Alcantara at ang apo ko ang dapat mong suyuin. Leandro will be furious kapag nalaman niyang ikaw ang ama ng anak niyo. Ikwinento sa akin noon ni Leandro ang lahat nang una naming pagkikita. I didn't know that it's you who impregnate his daughter." sinamaan siya nito ng tingin ngunit agad din itong nawala. "But now I can see that you're despirate to make things right."

"You're right Dad. I should do that too."

His father sighed and nodded his head twice. "That's my son. You're already a grown up."

Napangiti siya. He needs a plan to woo her girl.

Inagahan niya ang gising para pumasok sa trabaho pero hindi sa kanyang kompanya. He's currently driving his way to MGC. With a bouquet of flowers in his hand, he walk towards the elevator with a wide grin plastered in his face.

He's tapping his foot on the floor while waiting for the door to open. Na-eexcite siya na makita si Sapphire at the same kumakabog ang dibdib niya na parang nangangarerang kabayo.

The elevator dinged. He stepped out with a wide smile ngunit agad itong napawi nang makita ang isang 'di kaaya-ayang tanawin sa paningin niya. Agad nagsalubong ang kanyang kilay at umigting ang kanyang panga. Gusto niyang manuntok.

In front of him was Sapphire with Warren talking happily. May sinabi pa ang binata na dahilan ng paghalakhak ni Sapphire. Kilala niya ito. Ito ang lalaking kasayaw ni Sapphire noong sa welcome party. He can't deny that the green monster is eating him. Walang pagdadalawang isip siyang humakbang papalapit sa dalawa at pumagitna sa mga ito. Kaharap niya ang nakakunot noong lalaki habang nasa likod niya ang dalaga na halata ang pagkagulat.

"Who are you?" taking tanong ni Warren.

"Ako dapat ang magtanonng sa'yo niyan. Who the hell are you?" madiin niyang balik tanong.

"Didn't you see? I'm talking to Sapphire at ikaw 'tong bigla na lang sumulpot sa harap namin."

"Ako lang naman ang asawa ng babaeng kinakausap mo." walang kaabog-abog niyang saad. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng binata at tumingin kay Sapphire na tila nagtatanong kung totoo ang sinasabi niya. Mula sa sulok ng kanyang mata, nakita niyang nakatulala lang ang dalaga at nakaawang ang bibig nito.

"Husband? I thought she's single?" naguguluhang tanong pa nito.

Nang makabawi si Sapphire sa pagkagulat, akma na sana itong magprotesta ngunit hindi niya ito hinayaan. "No, she's not. Mayroon na siyang asawa at may anak na kami so back off!" sabay hawak niya sa kamay ng dalaga.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon