Piece 11

9 1 0
                                    



Akmang yayakapin sana si Sapphire ng kanyang ina ngunit agad siyang humakbang paatras. Bumakas ang sakit sa mukha nito kaya parang na-guilty siya. Bumuntong hininga naman ang kanyang ama at malambot ang ekspresyon na tumingin sa kanya.

"Can we talk?" untag nito.

Napaiwas siya ng tingin at nag-isip. Hindi pa talaga siya handang harapin ang mga ito o kausapin man lang. Baka kung anu-anong masasama lang ang sabihin ng mga ito sa kanya kaya nagdadalawang-isip siya. Hindi naman siya galit sa mga ito pero nasasaktan naman siya. May karapatan ang mga magulang niya na magalit sa kanya dahil isa siyang suwail na anak at hindi naman niya masisisi ang mga ito. Pero sana kahit kaunting pagdamay at pag-unawa man lang bilang magulang ay nagawa ng mga ito. Yes, it's all her fault. She hurt her parents by ruining her future by being pregnant in such a young age. Ngunit biyaya para sa kanya ang pagdating ng kanyang anak na naging inspirasyon niya para magapatuloy. Gusto niya itong mabigyan ng masaya at payak na pamumuhay kahit hindi sila kumpleto.

Nakabuti rin naman na itinakwil siya dahil natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa at maging malakas, hindi lang para sa sarili kundi para na rin kay Zaffiro. Hindi nga lang naging madali iyon dahil walang magulang na tumulong at umalalay sa kanya lalung-lalo na, walang ama ng bata ang umako sa responsibilidad. Hangggang sa dumating si Mama Grace sa buhay niya.

But it's all fine now. A long time had passed at wala naman sigurong masama at hindi rin makakasakit kung kausapin niya ang kanyang mga magulang.

"Please Sapphire." makaawang sambit naman ng kanyang ina. Kumurap-kurap siya para pigilan ang luhang gustong tumakas sa mata niya tsaka mariing lumunok. Tumingin siya sa mga ito at tumango.

Pinasunod niya ito sa kanyang opisina upang doon mag-usap. Nang makarating, pinaupo niya ang mga magulang sa visitor's couch at inalok ng maiinom ngunit tunmanggi ang mga ito. Bumuntong hininga muna siya bago naupo kaharap ng mga ito.

Sobrang awkward ng pakiramdam niya at hindi niya alam kung paano ba dapat sisimulan ang usapan. Bumuka ang bibig niya par sana magsalita pero naunahan na siya ng ama.

"Sapphire... H-How are you?" tila nakikiramdam ito sa tono ng pagtatanong.

Saglit siyang nag-angat ng tingin sa mga ito pero agad ding nagbaba ng tingin. "I-I'm perfectly fine... Dad." sagot niya. Ang tagal niyang hindi nasambit ang salitang 'yon. "K-Kayo? Kamusta kayo ni Mom?"

Yumuko naman ang kanyang ina na pasimpleng nagpunas ng luha. "A-Ayos naman kami ng Daddy mo. But we badly missed you, anak. Ikaw? K-Kamusta ka na? Ang tagal na rin simula noong huli tayong magkita." napalunok ito na tila pinipigilang mapaiyak.

Mapait siyang napangiti nang maalala araw na pinatagbuyan siya ang mga ito. "I'm fine now Mom. M-Mahirap noong umpisa pero nakaya ko para sa a-anak ko. We're fine and contented. Naibibigay ko ang pangangailangan ng anak ko kahit na wala siyang ama." sabi niya. Mukha man na ipinapamukha niya sa mga ito na nakaya niya at malakas siya pero hindi niya iyon intensyon. Inuunahan lang siya ng pride niya bilang babae. Gusto niyang malaman ng mga ito na nag-mature na siya at isa na siyang magulang, hindi na siya isang bata at isang damsel in distress katulad noon. Nananahan pa rin ang sakit sa puso niya sa mga nangyari noon pero nang dahil kay Zaffiro, nakaya niya.

Hindi na napigilan ni Sraphina na mapaiyak. "I'm so sorry, anak. Sobrang nasaktan lang kami ng Dad mo sa mga nangyari noon. Nagsisisi ako na pinagtabuyan at itinakwil ka namin. We should be the one taking care of you noong mga panahon na nangangailangan ka. Isa rin akong ina kaya dapat ay inintindi kita. E 'di sana hindi mo na naranasan pa ang paghiirap. Patawarin mo sana ako anak." humagulgol na ito na agad namang inalo ng kanyang ama.

Mending Sapphire PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon