12:53 na ng tanghali ng magising ako. Sobrang haba ng tulog ko aba. Para kasing ayokong bumangon. I want to sleep here all day until matapos ang walang kwentang engagement party na yon. Ayoko talagang magpakasal sa isang lalaking mysterious. Bakit pa kasi na-imbento ang kasal na yan eh, ayan tuloy nadamay ako!
''Miss Maria Cody Lance, Kailangan nyo na pong magpaganda at magbihis..." sabi ni Cathy. She was just standing at the front of the open door. Parang may kung anong balak ang maid na 'to ah.
"Ugh.. Oh no.. I am sick. I'm terribly sick ehem ehem.." I coughed para maniwala siya.
"..Ehem Te-tell Dad... I.. I can't come... Ehe ehem!" I acted as if I am really sick. Pero parang walang kwenta, hindi man lang ako pinansin. She just smiled.
"Sorry po talaga miss... Pasok na mga maids!" she shouted. Tapos biglang pumasok ang mga sandatahang mga maids sa kwarto ko ang dami nila. May hawak silang mga tali.
"An-anong gagawin nyo sakin???" tanong ko. Bigla silang tumalon sa kama ko at bigla nila akong hinawakan sa aking braso at paa. Tinali nila ako ng sapilitan. Lettuce naman oh! Humanda kayo sakin pag ako nakatakas dito. I kept on struggling pero malalakas ang mga maids, nagawa nila akong itali. (*cry*... *cry*) Tapos tinakpan nila ang ilong ko ng panyo. Meron atang pampatulog, talagang hindi nila ako papatakasin. What the hair!!!
"Humanda kayo sakin... Sisisantihin ko kayong lahat! Mga traydor kayoooo..." hindi ko na nagawa pang magsalita ng kung ano pa. Bigla akong nakaramdam ng antok and my eyes are getting much blurry now. Humanda talaga silang lahat sakin pag-nagising ako. Then everything went black.
PAG-GISING KO... nasa harap na ako ng malaking salamin, sa palagay ko nasa kwarto ako ng mama ko. Napatingin ako sa itsura ko at nagulat. Nilagyan nila ako ng eyeshadow sa aking mga talukap. Lettuce talaga! May eyeliner pa, tapos nilagyan pa ako ng napaka-pulang lipstick. Para na akong clown sa itsura ko. Nakakaasar. Sinuotan din nila ako ng gown, itim sa itaas at puti sa baba. May sing sing at mga alahas pa ako. Kaasar na talaga!
"Muka na akong bakla!" I exclaimed. Ayoko na lumabas ng pintong ito. Ayokong ipahiya ang sarili ko, sobrang pangit ko. Sobra na sila!
"Miss, lumabas na po tayo hinahanap na kayo ng inyong Daddy.." sabi ni Amanda. Siya yung secretary ng daddy ko, para na nga syang tumatayong mommy ko. If I know gusto niya lang huthutan ang daddy ko ng pera. Alam na alam ko na ang tulad niya.
"Ayoko nga... Lumabas ka na nga, sipain kita dyan e" masungit kong sabi. Hindi ko siya pakikinggan. Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko na siya pinansin. Magtiis sila sa labas ng wala ako.
Makailang sandali pa ay biglang may humatak sakin palabas ng kwarto at ipinunta ako sa labas. We headed to the garden kung saan nagaganap ang pinakanakaka-bwiset na party na yon. Lumabas ako at nagtungo sa pwesto ni dad. Pinakilala niya ako sa mga business paartners niya.
''Mr. Roger Ford, this is my daughter Maria Cody Lance" he introduced me to the super mukang model na business partner niya. Wow, walang wala ang tatay ko sa kagwapuhan ng Mr. Ford na ito. Ano kayang gamit nito.
"Nice to meet you. Ikaw pala ang pakakasalan ng anak ko. Hindi siya nagkamali sa pagpili sayo" ano daw? Pagpili? Meaning siya yung tatay ng pakakasalan ko? Woah!!! Pero wait ako? Pinili ng anak niya, impossible. Ganito ba talaga ako kaganda. O my Goood! Hahaha. Pero wala akong pakealam, tatakas ako sa kahit anong paraan.
"Nice to meet you too tito. But please excuse me, I need to go to the powder room" sabi ko sa pinaka-magalang na tone. Tapos nun, I went to crowd, para hindi ako mahalata ng mga guards.
I went to the back yard at inihagis ang sapatos ko sa kabilang pader. Alam ko road na ang likod namin eh. Tapos pinunit ko ang skirt ng damit ko para mas mabilis makaakyat.
"SA WAKAS!!!" I shouted out of happiness with my hands all up.
"Wahhhh" bigla akong na-out of balance at nahulog ako sa kabilang pader. Wahhh paano kung tumama ang aking likod at mabasag ang aking spinal cord edi wala na ako, hindi na ako makakalakad? Paano kung yung muka ko magasgas o maaksidente ang perfect and natural nose ko edi wala na ang puhunan ko? Paano nalang... Ay nako, mahulog sana ako sa malambot.
I waited my self to hit the flooring of the road, napamulat ako ng hindi ko naramdaman ang sakit. Napatitig ako sa isang lalaking mala-adonis ang beauty.
"Are you an angel?" he asked. Hawak niya ako, sinambot ako ng isang lalaking hindi ko kilala... Nasa langit na ba ako para kasing anghel siya. Teka, ba-baka... Wahhh..
"Bitawan mo ko, rapist ka.. Rapist!" sigaw ko. May balak siyang masama kaya niya ako niligtas. Gaya ng ibang nag-tangka sakin na kidnapin ako. Wahh.. Help me!
"Anong rapist. Dyan ka na nga!" sabi nito sabay hulog sakin sa malamig na sahig ng road. Tumama ang likuran ko ang sakit naman. Nakakaasar.
"Tinulungan mo na nga, napagkamalan pa..." bulong nito sabay sakay sa kaniyang motor. He started the engine. Aalis na ata si manong eh.
"Wait!" bigla din akong sumakay sa motor niya at kumapit ng sobrang higpit sa kaniyang waist. This is my opportunity para makaalis na ako sa lugar na 'to.
"What the... Baba... Matapos mo akong sabihan ng masama bigla kang sasakay, talagang... Umalis ka nga!" sabi nito. Hinawakan ang magkabila kong kamay at pilit na inalis ang kamay ako sa kaniyang waist. Pero hindi ako nagpatalo, mas hinigpitan ko pa ang kapit ko.
"Sorry na kasi, please naman... I want to get out of here. I want to be free. Tulungan mo ako..." pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Bakit ba?" he asked. Ay nako ang daming tanong.
"Wag kana magtanong, basta paandarin mo nalang ang motor mo. I-chichismis ko sayo pag nakaalis na tayo sa lugar na 'to dali!" sabi ko. Sinunod naman niya. Pinaandar na niya ng mabilis ang motor. Parang trip to hell ang peg ng bilis ng motor eh. Para akong tatangayin ng hangin nakaka-teket nemen.
"Oh, kwento mo na.." sabi nito at kasabay din nun ang pag-bagal ng konti ng takbo ng motor namin. Chismoso pala ang lalaking 'to. -___________-.
"Ganito kasi, tumakas ako... Ipapakasal kasi ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala at kahit kailan hindi ko pa nakita. Even pictures wala siya. He's so mysterious at sobrang pa-importante. Sabi nila gwapo... pero diba too see is to believe... Kaya para sakin pangit siya at hindi gwapo" chinika ko na sa kaniya.
"Ganon... Edi dapat ibalik pala kita don.. Baka naandoon na ang iyong fiance! Mahirap na baka mapahamak pa ako gawa mo..." sabi niya sabay tawa ng malakas. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at inihilig nalang ang ulo ko sa likod niya. Medyo inaantok ako...
"Ang bango mo... Salamat gatecrasher..." sabi ko at dahan dahang pumikit ang mata ko pero sinigurado kong mahigpit parin ang kapit ko sa kaniyang waist baka mahulog ako eh. Narinig kong may sinabi siya pero hindi ko na masyadong naintindihan, inaantok na talaga ako eh...
to.be.continued....
BINABASA MO ANG
Baby Don't Cry (ongoing)
RomanceWARNING: this is not suitable for young readers. Dahil ang ibang chapters nito ay naglalaman ng pang-matatandang scenes. So bawal po ang bata. Pero pwede po kung open minded kau. ty! Ang pag-ibig ay binubuo ng isang babae, isang lalaki, isang mang-a...