Chapter 10: So Ganun nalang yon?

12 1 0
                                    

LANCE'S POV

Bumabagsak ang ulan sa aking katawan, habang ang luha ko tuloy tuloy na pumatak sa lupa at mas mabilis pa iyon sa ulan. Ewan ko ba, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kahit pala tumakas ako ng tumakas hindi parin ako makakawala sa kasal na yon. Nakakainis, ang isiping wala na akong magawa kung hindi ang magpakasal ay parang isang kutsilyong sumasaksak sa puso ko.

Parte narin ng buhay ko Ross, pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si papa. Ako nalang ang inaasahan niya para hindi bumagsak ang company, wala akong choice kung hindi iwan si Ross at magpakasal sa taong hindi ko naman kilala. 

Habang naglalakad ako, hindi ko namalayan nasa harap na pala ako ng apartment ni Ross. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, sa hindi ko mawaring dahilan parang natatakot akong pumasok sa kaniyang apartment. Hindi ko makakaya kapag nawala siya sakin, pero bilang isang anak hindi ko rin kayang makita si papa na umiiyak at naghihirap sa pagkawala ng company. Ayokong maging dahilan ng kaniyang paghihinagpis ang aking katigasan ng ulo. 

"Lance..." biglang bumukas ang pinto sa harap ko. Nagkatitigan kami, hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang luha ko. Nang makita ko siya para bang puro lungkot ang nadarama ko. Ang sakit sakit sa puso, hindi ako makahinga. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 

"Lance... Basang basa ka... Halika pumasok ka at magpalit..." sabi nito sabay hila sa kamay ko. Nagpatianod nalang ako sa kaniya. Pinaupo niya ako sa couch at saka siya pumasok sa loob ng kwarto. Sana masabi ko, sana hindi siya masaktan, sana maintindihan niya. Sana rin, sa dami ngsana ko may matupad kahit isa.

Makaraan ang ilang saglit, bumalik na siya at umupo sa aking tabi. Iniabot niya ang damit sa akin sabay ngiti. I will miss his smiles, that innocent smile. Napatungo ako, hindi ko kayang makita pa ang ngiti niyang iyon, mas lalo akong nahihirapang sabihin sa kaniya.

"May problema ba?" tanong nito. Napaka-lambing ng kaniyang tinig at halos durugin nun yung puso ko. Ang selfish ko, ang sama sama kong girlfriend. Hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban kay papa. Pero kasi, kung ipaglalaban ko siya, baka masaktan naman ang papa ko at hindi ko rin iyon kakayanin.

''Ross... K-kasi..." nanginginig ang boses ko, nabablanko na rin ang utak ko. Gustong gusto ko ng sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung paano. 

"Ano yun?" hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon upang magsalubong ang aming mga mata. Pero napaiwas ako ng tingin, mas lalo akong napatungo at mas lalong lumakas ang pagdaloy ng aking luha. 

"Ross, ikakasal na ako!" nilakasan ko na ang loob ko. Napatakip ako ng muka, ayokong makita ang magiging reaction niya. Ayokong makita ang pagluha ng taong mahal ko. Kahit hindi man kami ganoon katagal nagsama, masasabi ko parin na nagmahal ako ng totoo. 

"Good..." sabi nito at may halo pang saya. Masaya siya? He was happy because I'm getting married? Ganoon... Masaya pa siya samantalang ako halos madurog ang puso ko dahil iiwan ko siya. Wow, totoo ba ito? Napatingin ako sa kaniya, medyo may ngiti sa labi nito. 

"Good? Ayos lang sayo na magpapakasal ang girlfriend mo?" tanong ko habang nagpipigil ng galit. Biglang napalitan ang emosyon ko, kung kanina halos madurog ako sa sobrang lungkot ngayon halos madurog ako sa sobrang galit. 

"It's okay, alam ko magiging masaya ka. Ikakasal ka sa lalaking gwapo at mayaman. Hindi ba ang saya ng ganoon?" ngumiti pa siya na para bang gustong gusto pa niya ang nangyare. Ganon? Mas masakit palang makita na masaya ang mahal mo dahil ikakasal kana sa iba. Hindi nga siya lumuha, ngumiti naman siya. 

"Ganon nalang yon? Masaya ka dahil ikakasal na ako. Kung ikaw masaya pwes ako sobrang nasasaktan..."  napatayo ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ewan ko, naghahalo na lahat ng emosyon sa dib-dib ko. Ayoko ng makasama pa siya dito, nagagalit ako sa kaniya. Ganoon nalang ba kadali para sa kaniya ang mawala ako? 

"Hey..." sabi niya sabay hila sa kamay ko pero binawi ko din agad iyon at tinalikuran na siya. Aalis na ako sa apartment na to. Natutuwa pala siya eh, fine! Magpapakasal ako bukas na bukas din!

"Yung nangyare satin nung gabing yon? Ano yun sayo... Wala lang? I am your girlfriend... Pero parang lumalabas na hindi naman talaga. Tapatin mo nga ako, isa lang ba ako sa mga babae mo. Isang bedwarmer, pampatulog mo sa gabi, pang-aliw. Alin don?" sigaw ko habang nakatalikod parin sa kaniya. Ayokong makita niya akong umiiyak, baka pagtawanan niya lang ako. I hate it. 

"Like I said a while ago, masaya ako para sayo... Kaya niyang ibigay lahat ng kailangan mo. Mayaman, matalino at gwapo... Ano pa bang hahanapin mo. Wala siyang katulad, wala pang taong mas nakakahigit sa kaniya. Naiintindihan mo na ba?" kung magsalita siya parang kilalang kilala niya yung lalake. Pero bakit ganon siya, hindi man lang ba niya ako ipaglalaban? Hindi man lang ba niya sasabihin na itatanan kita? Yung kagaya sa mga movies, novels, asian novelas... Itinatakas dahil mahal nila. Eh bakit siya, natutuwa pa.

''Oo, naiintindihan ko na. Ayaw mo na sakin kasi nakuha mo na ang gusto mo. Okay! Good bye!" sabi ko sabay labas ng pinto at isinara iyon ng pabagsak. 

Napahinto ako sa tapat ng pinto niya, I found my self waiting, hinihintay ko siyang lumabas para habulin ako. Pero halos isang minuto na akong nakatayo roon, walang Ross ang lumabas para habulin ako. Napaiyak na naman ako, wala na atang katapusan ang luha kong ito eh. Nakakainis na talaga, gusto kong magalit sa kaniya, gusto ko siyang sampalin pero wala. Hindi ko magawang magalit. Pakiramdam ko, sobrang hina ko. Sobrang hina ko para magalit sa taong minamahal ko. At naiinis ako sa sarili ko! 

Tumakbo na ako papunta sa labas ng building at nagtungo sa car ko para lumisan na sa lugar na ito. Tutal, wala na din namang naghihintay sakin dito. So bakit kailangan ko pang magstay, kahit nasasaktan ako I must accept the fact that he didn't love me just like the other girls out there.

to.be.continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby Don't Cry (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon