Chapter 9:Expect the Unexpected

17 2 0
                                    

ROSS' POV

"Uuwi na ako..." sabi niya habang nakatulala sa t.v. Nakaupo kasi kami sa couch at nanonood ng walang kwentang palabas sa t.v. Nang marinig ko sa kaniya yon, parang nakakainis na may halong kaba. Nako, oo nga pala... Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na ako yung dapat niyang pakakasalan. Eh pano kung malaman niya? Magagalit kaya siya? Hays... Nakakainis.

"Huy, nakikinig ka ba?" napatingin ako sa kaniya at napangiti ng peke.

"Oo naman. Hmmm... Uuwi ka na ba talaga?" gusto ko sana dito lang siya. Gusto ko sana hindi siya umuwi, baka kasi hindi na siya bumalik. Hmm... 

"Oo... Sasabihin ko kay papa ang tungkol sa atin..." napalunok ako sa sinabi niya. Natatakot talaga ako sa mga mangyayare. Ayoko siyang mawala ano, after nung nangyare samin bigla siyang mawawala sakin. Ayoko nga, mahal ko na siya ano. Sobra pa. Pero, hindi rin pala ako sigurado kung girlfriend ko na siya.

"...Pero ipangako mo, babalik ka talaga... Kahit na anong malaman mo, babalik ka sakin ha?!" kinuha ko ang kamay niya at mariing hinalikan ang palad niya.

"Syempre naman... Ikaw talaga..." tumawa lang siya. 

"Promise me!" gusto ko ipangako niya, gusto kong marinig mula sa kaniyang nangangako siya.

"Promise..." she whispered. Kahit gusto kong paniwalaan ang sinabi niyang yon, yung pangako niyang iyon, hindi parin ako naniniwala. Eh pano kung magalit nga siya? Paano kung malaman niya ang kasinungalingan ko, eh di magbabago ang isip niya at iiwan niya ako. Hayyyyyy!!! 

"Uy, bakit ba parang takot kang mawala ako, may kasalanan ka ano... Umamin ka..." she cupped my face with her hands, tumingin siya sakin ng diretso sa mga mata. 

''W-wala... Ayoko lang talagang mawala ka sakin..." sabi ko sabay iwas ng tingin. Bakit sa ibang babae kaya kong tumingin ng diretso habang nagsisinungaling samantalang sa kaniya hindi ako makatingin. Ano ba naman yan.

"Hahaha... Ang sweet mo talaga... Pero teka Ross... May gusto lang akong linawin..." sabi nito habang hinahaplos ang cheeks ko. Napatingin ulit ako sa kaniya.

"Ano yun?" ano naman kaya yun?

"Sakin ka na ba? Girlfriend mo na ba ako? Boyfriend na ba kita?" she asked seriously. Hindi ako makasagot sa kaniya. Kami na nga ba? If I say yes... She's mine. Pero if no, mawawala siya sakin. So obviously sa i'll say yes.

"Yes, I'm absolutely yours, and you're absolutely mine..." I touched my lips on hers pero sandali lang. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, mapunta pa kami sa kwarto. 

"Teka, kailan ka pala uuwi?" tanong ko. 

"Ngayon..." What? Ngayon talaga! Ang bilis naman nakaka-shock ha!

"Ngayon na talaga? Hindi ba pwedeng bukas na lang..." ang bilis naman.

"Hay, ganon talaga. Don't worry uuwi ako mamayang gabi... Okay! So get up na, ihahatid mo na ako sa bahay... Kaya maligo na tayo.." she said tapping my nose.  Wala na akong magagawa kaya okay, sige. Tumayo na ako at binuhat ko siya papunta sa c.r. I'll enjoy the bath session with her nalang.

LANCE'S POV

Nasa mansyon na ako, halos walang pinagbago. Isang buwan din akong nawala ah. Pumasok ako sa loob, may ilang maids ang sumasalubong pero ni isa walang nagsasalita. Ang tahimik ng buong bahay. Nasaan na ba si Papa? 

"Maria, is that you?" napalingon ako sa may itaas. Nakita ko si Lola na nakangiti sa akin. Para akong bata na tumatakbo papunta sa kaniya. I miss her so much, ang tagal din kasi niyang nawala eh. 

"Grandma, kailan pa kayo bumalik?" tanong ko habang nakayakap sa kaniya. 

"Kahapon lang... Ikaw na bata ka, saan ka ba nagsusu-suot, tingnan mo yang damit mo ang panget, at mukang namayat ka. Totoo bang tumakas ka sa engagement mo?"  napaka-manlalait talaga ng lola kong ito eh. Anyway, wala na akong pakealam doon. 

"Totoo yun Grandma... At naging masaya ako sa pag-takas ko. Nakilala ko ang mahal ko!" I said proudly. Biglang nag-iba ang muka ni Lola. Natakot tuloy ako, napaatras ako sa kinatatayuan ko.

"Hay, Maria... Naaawa ako sayo. Wala ka ng choice..." nagsalubong ang kilay ko, anong sinasabi ni Lola? Hindi ko maintindihan.

"Bakit?" tanong ko.

"Pumasok ka nalang sa kwarto ng papa mo ng malaman mo. Bilisan mo!" she said sabay tulak sakin palayo. Ano ba naman si Lola, nagpapaka-misteryoso pa. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Papa. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakahiga sa kama at parang nanghihina. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. 

"Papa, naandito na po ako..." sabi ko sabay hawak sa kaniyang kamay. He opened his eyes and looked at me. Maluha-luha siyang tumingin sakin. Nawala lang ako, nagkasakit na siya. Kasalanan ko ata.

"Maria... Mabuti naman at ligtas ka, akala ko'y nawala ka na ng tuluyan sa akin gaya ng mama mo... Wag muna ulit gagawin ang ginawa mo ha... Pinag-alala mo ako.." wow papa nagaalala ka pala sakin. Kahit naman hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya, ayoko parin magalit sa kaniya. Syempre mahal ko pa din siya, tatay ko siya eh. Pero ano yung sinasabi niyang 'gaya ni mama'? 

"Papa, bakit? Ano po bang ginawa ni mama?" tanong ko. 

"Naaalala mo ba nung bata ka ang sabi ko sayo, kinuha na ni God si mama mo. But the truth is, iniwan niya talaga tayo at sumama siya sa ibang lalaki. Iniwan ka niya sakin dahil hindi ka daw niya kayang alagaan. Pinagkasundo lang kami ng magulang namin for some business purposes. Pero akala ko mamahalin niya ako pero akala lang yun. Hindi ko na siya hinabol pa kahit mahal na mahal ko siya dahil mas pinili ko ang ikaliligaya niya..." kwento ni papa. Medyo naiiyak ako... Mahal na mahal pala ni papa si mama pero hindi siya nagawang mahalin ng mama ko. Kawawa naman si papa. 

"Kaya nga papa, ayoko din ng arrange marriage... Baka mangyare lang ang nangyare sa inyo..." sabi ko. Ayokong sa huli, iiwan ko ang isang lalaki na minamahal ako dahil ayoko sa kaniya. Ayokong isang araw magising nalang ako na nagsisisi.

"Pero anak... Hinihiling ko sana na magpakasal ka sa anak ni Mr. Ford. Nagmamakaawa na ako sayo..." he pleaded at crying silently. Hindi ko siya kayang tingnan ng ganito, umiiyak sa harap ko habang nagmamakaawa kaya pumikit ako at tinakpan ko ang muka ko ng mga palad ko. 

"Papa naman eh... Gusto kong maging masaya..." kontra ko. 

"Anak... Patawarin mo ako pero kasi... Unti unti ng bumabagsak ang company natin, sila nalang ang tanging pag-asa ng natin. Alam ko hindi ka magiging masaya pero anak, sana pakinggan mo naman ako. Itinayo ko ang company ng mag-isa ako kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ito sakin... Pakiusap anak..." he pleaded again. 

Ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal at isa pa, paano si Ross? Papaano ko siya haharapin? Paano ko sasabihin sa kaniya. Mahal na mahal ko siya, I want to marry him, I want to be with him pero paano si papa. Sino bang pipiliin ko? Sino ba? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. 

Baby Don't Cry (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon