**kinabukasan**
Jean's P. O. V.
Tulad kahapon, nagbike lang ako papuntang school, may sasakyan naman kami kaso mas gusto kong lumanghap ng sariwang hangin tuwing umaga.Maaga akong nakarating sa school pero wala pa rin talagang makakatalo kay Mr. Smith the coldman.
Naupo ako sa pwesto ko, pagkaupo ko biglang dumating si Xander.
"Uy aga mo ah", sabi nya sa akin.
"Ngayon lang toh, sinisipag pa akong mag aral eh", sabi ko
"So pagtinamad ka, lagi ka ng magpapalate? ", tanong nya sa akin.
"Mas malala, linggo linggo akong aabsent", sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman, pero parang gusto ko ring gawin yun", sabi nya sa akin
"Ang dali mo pa lang impluwensyahan", sabi ko.
"Lower down youre voice Morales", mahina pero maowtoridad nyang sinabi.
Nanahimik naman ako kasi parang may dalaw ang lolo nyo ngayon at sobrang init ng ulo baka mayamaya wala na akong hininga.
Sabay ng pananahimik ko nanahimik na rin si Xander at pinaglaruan ang rubics nya.
Pinapanood ko syang magrubics at di ko maiwasang mamangha. Ang galing ng movements ng kamay nya, sa totoo lang dun ako naamaze. Mas humanga pko ng nabuo nya ito sa loob ng dalawang minuto lamang.
Habang pinapanood ko sya bigla namang dumating sila Yin at Zeike.
Nginitian ko sila at binati naman nila ako.
"A VERY NICE MORNING TO ALL OF YOU GUYS!!!! ", pasigaw nyang bati sa amin.
"Hi Xander, Hi Ste--, Hi Jean, oh my gosh namiss kita", sabi nya sa akin
"Hello, namiss rin kita", tugon ko sa kanya.
Siguro nagtataka kayo kung bakit close na kami ngayon.
Ganito kasi yan......
Flashback
Ding dong ding dong
Sa sobrang inip ko, lumabas ako ng kwarto at naabutan ko namang may nagdodoorbell.
"Yaya, pakitingin nga kung sino yun", utos ng ate ko sa katulong ko.
Naiinis talaga ako sa presensya nya ngayon, nakadagdag inis pa yung panyo na diko mahanap kung sino yung may ari.
"Wala ka bang paa ate at ang pagbukas ng pinto para sa bisita ay iaatas mo pa sa katulong?", inis na sabi ko sa kanya at tuloy tuloy lang akong naglakad papunta sa pinto.
"Hey, whats your problem? ", narinig kong tanong ng ate ko ng malampasan ko sya
"None of your bussiness", sagot ko sa kanya bago ko buksan yung pinto.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang dalawang babae.
"Jean/Zeike!!?? " , sabay naming sabi ni Zeike.
Di ko inaasahan na siya pala ang kakatok sa bahay namin.
"Ayy magkakilala na pala kayo ng anak ko iha? ", tanong sa akin ng kasama nyang nasa mid 40's ang itsura.
"Ay opo, magkaklase po kami ng anak nyo", tugon ko sa kanya ng may paggalang.
"Ayy nga pala iha carbonara nga pala, tanggapin mo yan bilang pagwelcome namin sa inyo dito, at saka mahilig talaga akong magbigay ng mga niluluto kong pagkain sa mga kapitbahay kaya sana tanggapin mo ito. Pasensya na rin sa pang iistorbo", mahaba nitong paliwanag.
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers
Fiksi RemajaAng storyang ito ay tungkol sa magkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan. Kaibigan na lagi mong sinsandalan sa oras ng pangangailangan ay ang kaibigang magbibigay sayo ng kahalagahan. Kaibigan mong kasama sa lahat ng kolokohan ay ang kaibigan mong sas...