Kabanata 3

191 15 8
                                    




Amanda's POV

Napabuntong hininga na lamang ako, isang Linggo na since umuwi sina Mama at Papa, nandito ako ngayon sa kwarto ni Lola, maganda kasi ang room niya, puro pang vintage ang mga gamit, yung kama ang laki-laki, kasya ata limang tao, kaya minsan tumatabi ako noon kay Lola kapag natutulog noong bata pa ako.

Napadako ang tingin ko sa isang maliit na pintuan katabi ng closet ni Lola, ever since hindi pa ako nakakapasok doon, hindi dahil sa ayaw ko, well ayaw ko rin kasi nakakatakot, but ayaw ni Lola na pumasok ako roon, I don't know why pero guso kong alamin, unti-unti akong lumakad papunta roon, at sa pagtigil ko sa harapan ng pintuan ay dahan dahan kong pinihit ang door knob, at nakita ko ang isang painting ng lalaki, isang gwapong lalaki, makisig at halatang galing sa mayayamang pamilya.

Lumaki ang mga mata ko at sinabing...

"Pacifico...."

Doon napatigil ang lahat, sa hindi malamang dahilan, ako ay naluha at muling tinitigan ang lalaki sa painting, hindi ko maintindihan kung bakit ako nakaramdam ng kakaibang pagkasabik, lungkot at pagmamahal, hindi ko mawari kung anong nangyayari sakin.

Pero sandali, sino si Pacifico? At bakit ko siya tinawag na Pacifico? Bakit pamilyar siya sa akin, parang nakita ko na siya somewhere pero di ko matandaan. Dali-dali kong pinahid ang mga luha at muling sinara ang pintuan, at sa paglingon ko ay nakita ko si Lola na nakatayo at nakangit.

"Hija, kilala mo si Lolo Pacifico?"

Umiling ako at ngumiti.

"Hindi Lola, pero pamilyar siya..."

"Pero apo, kani-kanina lang ay tinawag mo siyang Pacifico? Sa pagkakalam ko ay wala naman pangalan ang nakaukit sa painting?"

Lumingon ako at muling binuksan ang pinto at tinitigan muli ang painting, wala nga, isang signature lang ang nakaukit pero hindi ko iyon maintindihan. Pero paano ko nalaman na siya si Pacifico? Weird.

"Ho? Hindi naman Lola ah?" Pagtanggi ko, hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag lahat ng nararamdaman ko, kakaiba, ang weird.

"Hay nako, at baka nabibingi nanaman ako, at kung anu-ano nanaman naririnig ko, ay sige at diyan ka muna apo, at baka—"

"L-Lola? Pwede bang kwentuhan mo ako tungkol kay Paci—Lolo Pacifico pala."

Ngumiti si Lola at unti-unting tumango at sinabing "Halika Amanda, sa baba na lang tayo magkwentuhan tungkol sa aking angkan."

At doon ako nakaramdam ng pagkasabik at tuwa, at hindi ko mawari kung ano ang dahilan, ngunit masaya ako na malalaman ko na kung sino talaga si Pacifico.

---

Hinigop ko ang hot chocolate na gawa ni Lola, masarap talagang magtimpla ng tea, coffee or even hot chocolate si Lola, talagang hinahaluan niya ng pagmamahal.

"Gusto mo ba talaga malaman apo?"

Unti-unti akong tumango at tumayo si Lola at may hinanap siya sa may maliit na cabinet at may isang lumang papel siyang kinuha at nakita kong napangiti siya, at bumalik siya sa kanyang upuan at sinabing

"Amanda, basahin mo muna ito."

Hindi ko mainindihan kung bakit ako nanginginig na abutin ang isang papel, para bang may kuryente akong naramdaman ng mahawakan ko iyon, gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit, bumuntong hininga ako at unti-unting binasa ang nakasulat doon.

Mahal,

Naaalala mo pa ba? Nung magkita tayo sa ilalim ng punong Nara, ika'y umiiyak at ako'y naroroon upang pasayahin ka. Ngunit alam kong hindi ko kaya dahil kamamatay lamang ng iyong pinakamamahal na Ina. Nalulungkot ako sa iyong sinapit Mahal, alam kong pinilit mo lang ngumiti kahit alam kong ang lungkot lungkot mo na, Mahal napahanga mo ako sa iyong katatagan ng loob.

Ang Munting AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon