Kabanata 5

212 17 16
                                        

Amanda

Pag mulat ng aking mga mata ay nasilayan ang kanyang mga labi, na di ko mawari kung anong dahilan. Noong una, mabagal lamang ang pagtibok ng aking puso ngunit ngayon ay mas mabilis pa sa pagtakbo ng isang kuneho, dahan dahan niyang hinawakan ang aking kamay, sa ilalim ng puno ng Nara kung saan una kong naramdaman na siya na nga.

"Amara..."

Sa bawat pagbigkas niya ng aking pangalan ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaibang saya, sa bawat pagbigkas, sa bawat haplos na galing sa kanya ay nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari, na para bang sa paghawak niya ng aking kamay ay ayoko nang bumitaw pa, at alam kong hindi na ako makakabitaw pa.

"Pacifico..."

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon, ngunit alam ko sa sarili ko na siya na nga, mahal ko na nga siya.


"Amanda? Apo gising, napasarap ata ng tulog mo." Narinig kong bigkas ni Lola sa akin, napamulat ako at napatingin sa kanya, hindi ko inaakala na mapapaginipan ko nanaman si Pacifico, pero sa pagkakatanda ko eh wala namang kinwento si Lola tungkol sa puno ng Nara pero ano yung napaginipan ko?

"Lola, anong oras na ba?"

"Hay nako Amanda, alas-otso na ng gabi, at alam kong mahihirapan kang matulog niyan sa gabi kaya ito, dinalhan kita ng hapunan, paborito mong ulam ang niluto ko, nilaga." Sambit ni Lola, bigla akong napangiti at hinigop ang mainip na sabaw.

"Salamat Lola, tyaka 'La pwede po ba tayong umalis bukas? Ipasyal mo naman ako sa palayan diyan na tabi ng mansion ninyo." Pakiusap ko, ilang araw na kasi akong nakakulong dito sa bahay, kung hindi nagbabasa, naseselpon ako, kung hindi naman cellphone, natutulog.

"Sige ba apo, basta't gumising ka ng maaga bukas, nagkakaintindihan ba tayo apo?" Sabi ni Lola, agad naman akong tumango at napangiti naman si Lola.

"Sige apo at ako'y matutulog na--"

"L-Lola? Pwede ho ba akong tumabi sa inyo ngayon? Kahit ngayon lang." Pakiusap ko, para ba kasing natatakot akong mag-isa, tuwing naaalala ko si Pacifico eh natatakot ako, yung madalas ko palang mapaginipan eh matagal ng patay, jusko.

"Pwede naman apo, mabuti't malawak ang aking kama, kasyang-kasya tayong dalawa." Nakangiting sabi ni Lola kaya dinala ko ang kumot at iilang unan.

Kaya dali-dali akong sumunod sa kanya at humiga na katabi ni Lola, hinalikan niya ako sa noo bago matulog, parang bumalik ako sa pagkabata kahit magbe-bente anyos na ako sa susunod na mga buwan, iba parin ang pagmamahal ng isang Lola.

---

"Apo gising na, hindi ba't aalis at mamamasyal pa tayo?"

Napangiti ako at tumango bago bumangon sa kama, inayos ko na rin ang mga susuotin ko at naligo na rin habang si Lola ay nagpeprepare ng breakfast sa baba, kanina pa pala siya nakaayos, habang natutulog ako kaya eto ako, nagmamadaling mag-ayos, pressure is real.

Pagkatapos kong mag-ayos ay napako ako sa isang pintuan, ito yung kwartong maliit na nakalagay ang painting ni Pacifico, dahan-dahan akong tumungo roon at binuksan ko ulit, medyo madilim ang kwarto kaya't binuksan ko ang maliit na ilaw doon at doon bumungad sa akin ang painting ni Pacifico, totoo nga, totoong gwapo nga siya, kung ngayon siya nabuhay sa panahong ito baka sigurong maraming babaeng nagkakandarapa rito.

"Apo? Matagal ka pa ba diyan? Nakahanda na ang almusal!"

Narinig ko ang boses ni Lola kaya dali-dali kong pinatay ang ilaw at sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang painting at sinara ang pinto.

"Ano ba naman yan Amanda, ang tagal-tagal mong maligo't magbihis?"

"Sorry Lola, h-hehe uhm, masyadong malamig ang tubig sa cr kaya mabagal muna akong nagbuhos, magpalagay kasi kayo ng shower Lola at ang hirap kaya kapag malamig."

"Nako, ganun din apo at hindi ko magagamit, mas sanay akong makalumang gamit ang aking gagamitin, oh siya at kumain na tayo para maabutan mo ang sunrise sa palayan, magandang akita iyon tuwing madaling araw." Masayang sambit ni Lola sa akin kaya dali-dali akong kumain at tumungo na sa palayan.

--

Pinagmasdan ko ang sunrise dito sa bukid, hindi ko mapigilang ngumiti habang tinititigan iyon hindi ko alam kng bakit pero biglang bumigat ang pakiramdam ko para bang may mga alaala akong guston aalalahanin pero di ko matandaan.

"Ang ganda L-Lola, napakaganda." Sambit ko at napatingin kay Lola at tumango siya ng mabagal at nilapitan ako at hinawakan ang aking mga braso.

"Huwag kang mag-alala apo, kung ano mang pinagdaraanan mo ngayon ay mapapawi at lahat ng mga tanong walang kasagutan ay malapit ng masagot basta't huwag kang susuko apo."

Biglang napawi ang mga ngiti ko at tinignan muli si Lola.

"L-Lola, ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko at nakita ko ang mga mata ni Lola na para bang naiiyak at sinabing

"K-Kalimutan mo ang mga sinabi ko sayo apo, baka nadadala lang ako ng emosyon."

"S-Sige po..."

At tinitigan ko muli ang sunrise at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at napapikit ng mariin, may mga alaala nanaman akong naalala, at dagdag nanamn ito sa mga tanong hindi ko maisagot.


"Amara?" Tinignan ko ang lalaking katabi ko ngayon, si Pacifico.

"Bakit Pacifico? Hindi ka ba namamangha? Tignan mo ang pagsikat ng araw, napakaganda." Nakangiti kong tugon at tumango-tango si Pacifico.

"Oo nga, napakaganda."

Ngunit hindi siya nakatingin sa araw, kundi sa akin, sa akin siya nakatingin.


"Apo? Maaari mo ba akong samahan mamaya sa palengke?"

Doon ako napabalikwas at pagtingin ko sa araw ay sumikat na ito, at napabaling ako kay Lola muli at tumango.

"A-Ah sige L-Lola, sasamahan kita." Napangiti naman si Lola at nauna ng umalis sa bukid at naiwan ako doon at napailing na lamang

--

"Apo, kung gusto mo ng umuwi ay mauna ka na at baka madumihan ka pa."

"P-Po? Hindi kita iiwan  dito Lola, at nakakatuwa nga dito eh." Sabi ko at napangiti naman si Lola at pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya at muli siyang napahinto at sinabing...

"Apo, dito ka muna at papasok ako sa loob, ayokong matalsikan ka ng dugo galing sa mga karne." Sabi ni Lola

"P-Pero L-Lola--"

"Mabilis lang 'to Apo." Sabi niya at tuluyan akong iniwan sa gitna ng palengke at sa hindi inaasahang pangyayari.

"Escuse me! A-Ah s-shit!"

napatumba ako at nakita kong may skateboard na nakatumba malapit sa ulo ko at may isang lalaking bumangga sa akin, ang galing, sobrang galing!

"I'm sorry, Miss, I'm really sorry--"

"Okay lang--"

At doon napatigil ako, napabilis ang tibok ng aking puso, pagsabay ng panginginig ng aking mga kamay, ang lalaking di ako inaasahang makikita ko, ang lalaking palaging nasa aking panaginip.

"A-Amara..."

Sa pagsambit niya ng Amara ay mas lalo akong kinabahan, naiiyak, hindi ko maintindihan pero alam ko sa sarili ko na siya ito, nandito siya, kaharap ko.

"P-Pacifico..."

Si Pacifico, nandito si Pacifico...

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Munting AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon