Mahal,
Naaalala mo pa ba? Nung magkita tayo sa ilalim ng punong Nara, ika'y umiiyak at ako'y naroroon upang pasayahin ka. Ngunit alam kong hindi ko kaya dahil kamamatay lamang ng iyong pinakamamahal na Ina. Nalulungkot ako sa iyong sinapit Mahal, alam kong pinilit mo lang ngumiti kahit alam kong ang lungkot lungkot mo na, Mahal napahanga mo ako sa iyong katatagan ng loob.
At isa yan sa mga dahilan kung bakit kita nagustuhan, hindi pa ba halata Mahal? Ito ang dahilan upang kaibiganin kita, dahil simula't sapul ay napahanga mo na ako, Naalala mo pa ba noong kaarawan ng iyong Ama? Nandoon ang aming pamilya dahil imbitado kami sa kanyang kaarawan, matalik na magkaibigan ang ating mga magulang at alam kong paminsan-minsan mo lamang ako makita, sana'y matagal na tayong nagkakilala, at isa yan sa aking pinagsisihin noon pa man.
Naaalala ko pa noon mahal ang pinaka unang beses nating magkita, sa hindi inaasahang araw, sa hindi inaasahang oras, at sa hinding inaasahang panahon, namasyal ako sa loob ng inyong mansion dahil namangha ako sa ganda ng inyong tirahan, narinig ko ang mala-anghel mong tinig habang tinutugtog mo ang iyong piano, nakatalikod ka kaya't imposible kong makita ang iyong itsura mahal.
At alam kong natakot ka dahil akala mo ay may multong nagmamasid sa iyo, hindi ko inakala na matatakutin ka pala, at hindi ko rin alam na may anak pala si Don Ignacio na napakagandang dalag na katulad mo. Nagalit ka pa sa akin nun, at akala mo ako ay isang espiya, ngunit hindi mo alam na anak ako ng iyong Ninong Patrimonio - ang aking ama.
At simula ng araw na iyon ay napaglapit tayo ng tadhana, Mahal. Tayo'y napagkasunduang makasal sa lalong madaling panahon ngunit biglaang namatay ang iyong ina mahal kaya't kailangan naming iusod ang kasal at medyo matatagalan ito.
Handa akong maghintay mahal, handa akong maghintay sayo.
Mahal, alam kong mahal mo rin ako, kahit hindi mo sinasabi, ramdam ko sa aking puso na ako ang itinitibok ng iyong puso, hindi ko inakala na makakarating tayo sa ganitong sitwasyon mahal.
Mahal, noong nakaraang buwan, nakaramdam ako ng panghihina, nakaramdam ako ng sakit kaya't kailangan kong magpatingin sa doktor, Mahal patawarin mo ako, nagkaroon ako ng malubhang sakit at sinabi ng doktor na maliit na lamang ang tiyansa na gumaling pa ako, at wala ring kasigaruduhang mabuhay pa ako ng matagal.
Mahal, patawad kung hanggang dito na lamang ako, hanggang dito na lamang ang kaya kong ipaglaban, hanggang dito na lamang ang ating kwento- ang kwento nating dalawa,patawad dahil mahina na ako, mahal patawad kung isa ako sa magpapaluha nanaman sayo, mahal, ayaw na ayaw kitang nakikitang nasasaktan, mahal patawarin mo sana ako.
Mahal, hihintayin kita, huwag kang mag-alala, ika'y babantayan ko, hindi kita pababayaan, ang aking paglisan ay hindi dahil nawala o namatay ang isang tao, ang paglisan ay nangangabuluhang may isang lugar silang pupuntahan na karapatdapat sila'y naroroon simula pa lamang.
At mahal, alam kong nasasabik ka ng marinig ito mula sa aking mga labi ngunit wala akong lakas ng loob upang sabihin ito saiyo, mahal patawad kung hanggang sulat ko na lamang sasabihin ang dapat ko ng ginawa noon pa lang.
Mahal kita Amara
Mahal na mahal kita Amara, simula pa lamang, mula nung marinig ko ang mala-anghel mong tinig, kung papaano mo tugtugin ang instrumentong kinagigiliwan ko, kung paano ka tumawa, kung paano ka umiyak, kung paano ka magalit, at kung paano ka mainis, mahal, lahat ng mga bagay na pinaka ayaw mo tungkol sa sarili mo, lahat yon ay tinanggap at minahal ko.
Mahal, huwag ka sanang umiyak sa aking burol, tanggapin mo na lamang na ipinagtagpo lamang tayo ng tadhana ngunit hindi para sa isa't-isa, alam ko na may darating na mas karapatdapat na lalaki na muling bibihag saiyong puso, at magiging masaya ako para sa inyong dalawa.
muli tayong magkikita Amara...
Hindi pa sa ngayon ngunit nararamdaman ko na sa mga panahong iyon ay hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa, mauulit ang tadhana mahal, mauulit at mauulit muli ang mga bagay.
Malalaman at malalalaman mo kung kailan iyon.
Nagmamahal,
Pacifico
"This letter was written by your Lolo Pacifico, Amanda."
"When?"
"1895--"
"You're kidding me!"
"Hindi ako nagsisinungaling apo, this was written by my own Lolo Pacifico-- kapatid ng aking Lolo Rizaldo."
"This is so romantic Lola! But sadly hindi sila nagkatuluyan ni Amara..."
"Ngunit naniniwala ako sa mga huling pangungusap na inilahad ni Lolo Pacifico."
"Ano naman iyon Lola?"
"Muli tayong magkikita Amara. Hindi pa sa ngayon ngunit nararamdaman ko na sa mga panahong iyon ay hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa, mauulit ang tadhana mahal, mauulit at mauulit muli ang mga bagay. Malalaman at malalalaman mo kung kailan iyon"
At muli akong napatitig sa aking Lola
"At malapit ng mangyari iyon."
Ano kaya ang ibig sabihin ng mga iyon?
BINABASA MO ANG
Ang Munting Alaala
FanficMay mga pangyayari sa ating buhay na hindi maipaliwanag, may mga tanong na hindi maisagot-sagot, may mga oras na gusto mo nang sumuko, ngunit sa hindi inaasahang panahon, hindi ko inaakala na darating siya, at siya pala ang mga kasagutang iyon. Ako...