Kabanata 1

296 25 5
                                        




AMANDA

Napabangon ako sa aking higaan at muling napatingin sa salamin sa may bandang kanan ng aking higaan, nandito ako ngayon nakatira kay Lola Herminia. Dito muna ako maninirahan ng 3 buwan, medyo matagal tagal na rin  hindi ko nakakasama si Lola, me and my parents are eally not in a good terms these days, mula nung nalaman kong maghihiwalay na sina Papa at Mama, and since nagtatrabaho na si Kuya Xander, hindi na niya kailangan makipagtalo kayla attorney kung saan siya papanig, sa pula or sa puti, kay Mama ba or kay Papa.

Pareho lang din naman silang may kasalanan, simula nung nambabae si Papa, naapektuhan talaga si Mama, gabi-gabi siya umiiyak, gusto ko man siyang pasiyahin pero ayaw niya muna akong makita kaya pati rin ako naapektuhan. Naghiganti naman si Mama, nanglalaki din siya, at ipinalit niya ay ang bestfriend ni Papa na si Ninong Harry kaya nagkagulo pa sa bahay last week dahil nahuli ni Papa na may nangyari kay Ninong Harry at Mama. Malaki na ako at naiintindihan ko na ang ipinagdadaanan nila.

Kaya't naglayas muna ako pansamantala, alam ko na ngayon ay ipinaghahanap na ako sa amin, ang alam naman ni Lola na pinayagan ako ni Mama at Papa at hindi rin niya alam na maghihiwalay na sila. Gusto ko munang magpahinga, since bakasyon naman kaya dito muna ako, maganda ang bahay ni Lola na ipinamana sa kanya ni Lolo Rizaldo, paborito kasi siya ni Lolo Rizaldo dahil kaisa-isang apo lamang ang aking Lola Herminia kaya't lahat ng mana ay napunta sa kanya.

"Hayys, mabuti naman at walang signal sa bahay ni Lola, kung meron, siguro tadtad na ako ng flood messages at missedcalls..."

Napabuntong hininga na lamang ako at tinitigan ang mga bituin, malamig din ang simoy ng hangin kaya't napakasarap sa feeling, maganda palang tumira sa probinsya, at sana dito na lang ako lumaki, hindi sa peste kong bahay na puro gulo ang dulot.

"Apo, pwede bang bukas ay samahan mo ako sa palengke, ako'y may bibilin lang, wala kasi si Ising kaya't wala akong mapag-utusan."

"Sure Lola."

Napangiti naman si Lola at lumapit sa akin at hinaplos ang aking mukha at naluluha, iba ang tingin ni Lola sa akin, para bang may ipinapahiwatig, ngunit hindi ko malaman ang dahilan o ang kasagutan.

"Malapit nang mangyari, magtatagpo na rin kayo sa wakas..."

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Lola sa akin, kaya napakuno't noo na lamang ako at sinabing

"Lola, ano huli iyon? Di kita naintindihan eh."

Napangiti na lamang ito.

"Matulog ka nalamang, at siguradong napagod ka sa byahe papunta rito."

"Opo nga Lola, ang ganda diti, para bang matagal na akong nakatira dito, iba rin yung vibe, kasi some people diba, they think na haunted house ito dahil 1800s pa ito napatayo, but for me para bang welcome na welcome yung vibe, salamat Lola dahil pinatira niyo muna ako dito."

"Walang anuman Apo, sige at ako'y matutulog na rin."

Napangiti na lamang ako at hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako...


~

Kinaumagahan ay para bang napakaingay sa baba ng mansion kaya dali-dali akong nag-ayos para makapag-almusal, para bang kami'y may bisita, 6:25 lang pala ng umaga, ang aga kong nagising infairness...

"Apo, bakit hindi mo man lang sinabi na ika'y naglayas? Hindi mo ba alam kung gaano nag-alala ang Papa mo sayo?"

"L-Lola..."

"Alam kong may dahilan kung bakit ka naririto, halika muna sa salas at tayo'y mag-usap."

Napatango na lamang ako, halatang iritado si Lola ngunit hindi niya muna ipinapahalata.

"L-Lola, may mga bagay po kasi hindi niyo pa po nalalaman..."

Napakagat ako ng labi, ayokong umiyak pero naalala ko kasi yung mga nangyari lalo na last week, nung nahuli ni Papa si Mama na may nangyari sa kanila ni Ninong Harry, kaya pati yung mga kaibigan ko na anak ni Ninong, galit sila sa akin ngayon, dahil si Mama ang sumira ng relasyon nilang mag-anak. Kaya ngayon wala akong kakampi, para bang mag-isa na lamang ako sa problemang 'to.

"Maghihiwalay na po sina Mama at Papa..."

Mangiyak-ngiyak kong tugon, pati si Lola ay napatigil sa pag-iiom ng ka dali-dali ko namang pinunasan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Ayokong umiyak sa harapan ni Lola, ayoko siyang mag-alala.

"Ano?! P-Papaano? Apo, bakit hindi mo naman sinabi agad para makausap ko sina Wendy at John,  at apo hindi ba't sinabi ko sayo kapag may problema ay tatawag ka lang sakin, hindi naman sira ang aking telepono, you can call me anytime you want."

"Pero may mas malala pong nangyari bukod sa pambababae ni Papa, si Mama naman po ay..."

"Ay ano apo? Huwag mo naman akong pag-aalahanin."

"Nanglalaki na rin po si Mama bilang ganti kay Papa..."

At nawala na ako, para bang nanglabo ang mga paningin ko at nagsimulang pumatak ang mga luha ko na gustong-gustong kumawala kanina pa.

"ANO?!"

Tumango na lamang ako, gusto ko man huminto ang mga luhang tumulo kaso nga lang imposibleng mangyari ang mga iyon, hinang-hina na ako, gustong-gusto ko na sabihin ang matagal kong dapat sinabi.

"Matagal na po palang may relasyon si Mama at si Ninong Harry, ang tatay po ni Lily, yung bestfriend ko po since elementary..."

"Si H-Harry na matalik na kaibigan ng iyong Papa?"

"O-Opo..."

At humagulgol na ako at naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni Lola at pilit na pinapatahan, matagal na dapat akong sumuko, matagal na dapat akong wala dito, kung hindi lang dahil sa binatilyong sumagip sa akin noong araw na iyon, siguradong wala na ako ngayon sa mundong ito.

"Tumahan ka na Amanda..."

At para bang lumabo ang mga paningin ko at may nalala ako, may isang lalaking nakatayo sa aking harapan at nakangiti siya, ngiting malungkot, para bang kilala ko na siya matagal na...

"Amara, mahal k--"

"A-Apo? A-Ayos ka lang ba?"

"P-Po? O-Opo, punta lang po ako sa kwarto."

"Maputla ka hija, magpahinga ka muna."

Napatango na lamang ako kay Lola, napaisip ako, sino yung lalaking naalala ko, sa aking pagkakaalam ay wala naman akong naging karelasyon. Napailing na lamang ako at humiga sa aking kama, maya-maya ay mamalengke na kami ni Lola.


Itutuloy...

Ang Munting AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon