AMANDA
Naglalakad ako sa isang magandang bukid, may mga bumabati sa akin at ako naman ay ngumiti ng pabalik, may isang batang lalaki na lumapit s aakin at sinabing...
"Binibining Amara, may pinapabigay daw ho si Ginoong Pacifico sa inyo."
"Ano naman iyon Anghelito?"
"Ang mga bulaklak na ito Binibini, napagtanto niya ang mga ganyan klaseng bulaklak ay inyong paborito."
"Siya'y tama, Anghelito, ngunit nasaan siya?"
"Sikreto."
Tumawa na lamang ito at umupo ako sa upuan at kitang-kita ang lawak ng bukid, puro pananim ito at may sariwang hangin, oras na ng siesta kaya't kokoonti a lamang ang tao sa bukid.
"Amara--"
"Amanda? Apo! Gising!"
Agad akong napabangon at nakita ko si Lola na mukhang nag-aalala, napakunot noo na lamang ako at nagtanong kung bakit niya ako ginising.
"Lola, mamamalengke na ba tayo?"
"H-Hindi, ngunit nandiyan na sila...nalaman nila na nandirito na."
"H-Ho? Sinong sila Lola? Hindi po kita maintindihan?"
"Ang Mama at Papa mo, Amanda..."
Napabaliwas ako at napatayo sa kama at nauntog ako sa may isang kamoy na nakausli sa kama, medyo luma na rin ito, kaya't napadaing ako, papaano nilang nalaman na nandito ako? Eh wala naman akong pinagsabihan?
~
*PAAK*
Malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Papa, napayuko na lamang ako, kaya ayokong-ayoko silang nakikita dahil puro pasakit na lang ang pinaparamdam nila sa akin...
"Susmaryosep anak! Huwag mo namang saktan ang anak mo!"
"Nay! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan si Mandie, kinukunsinti niyo pa itong sutil na ito!"
"Walang kasalanan si Lola dito."
Malamig kong tugon, mukhang sasabat pa si Papa kaya't inunahan ko na siya, gusto ko ng matapos ang gulong ito. Pinandilatan naman ako ng tingin ni Papa.
"Kusa akong nagpunta dito, pati si Lola ay nasurpresa nung dumalaw ako, at bakit naman Papa? Ano bang masamang pumunta rito?"
"Pinag-alala mo kaming bata ka! What were you thinking Mandie? Tumatanda kang paurong!"
Sabat ni Mama na halatang galit rin sa akin, makapagsalita sila akala mo ke-lilinis ng mga budhi, pare-pareho lang naman silang mga manloloko, sila rin naman nagbibigay ng dahilan upang lumaki akong sutil, sila rin nagbibigay ng rason kung bakit ako nagagalit sa kanila.
"Kayo rin naman ah? Kayo rin naman nagbibigay ng dahilan upang lumayas ako sa impyerno na yon! At kayo rin naman nagbibigay ng rason kung bakit ayoko na kayong balikan pa!"
"Wala kang kwenta!"
Sasampalin sana ako ng Papa ulit pero napigilan siya ng Mama, nanggagalaiti ako sa galit kaya umalis muna ako at pumunta sa may likod ng mansion ni Lola, nagpahangin na lang muna ako, mabuti naman at hindi na nila ako sinundan pa.
At unti-unting nanglalabo nanaman ang mga mata ko at may isang munting alaala nanaman ang pumasok sa isipan ko...
"Amara? Mukhang ika'y malungkot..."
Tinitigan ko siya at ngumiti, napasandal na lamang ako sa kanyang balikat at pinatong naman niya ang kanyang ulo sa aking ulo.
"Hindi Pacifico, may iniisip lamang ako..."
"Kaibigan mo ako Amara, ako'y may karapatang malaman ang mga malalaim mong iniisip, dali na at sabihin mo sa akin..."
"Pacifico, papaano na tayo pagtapos ng ating kasal? Sa mga susunod na Linggo na rin iyon at ubod akong nag-aalala--"
"Amara, nangako na ako sa iyong Ama na aalagaan kita, ang mag-asawa ay kinasal upang magmahalan at alagaan ang isa't-isa..."
Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin kay Pacifico.
"Ngunit hindi naman tayo nagmamahalan Pacifico, ika'y matalik kong kaibigan noon pa man, alam kong hindi ako ang tinitibok ng iyong puso--"
"Sino bang nagsabing hindi ikaw, Amara?"
"Mandie? Anak? Gising! John dali, kumuha ka ng tubig!"
"M-Mama..."
Nakita ko na nakahiga ako sa malaking sofa ni Lola, nakatingin din siya at mukhang nag-aalala rin, napaisip ako, ano ba ang huli kong ginawa? Naalala ko na nasa likod ako ng mansion at unti-unting lumabo ang mga mata ko at may alaala na pumasok sa aking isipan...
Sino si Pacifico?
At sino siya sa buhay ko?
"Mandie, nahimatay ka kanina, natagpuan ka na lamang ng Papa mo nung sundan ka niya..."
Napatingin naman ako kay Papa na dali-daling iabot ang mga tubig, kinuha ko ito at ininum, para bang uhaw na uhaw ako sa sobrang pagod, hindi ko alam kung may sakit na din ako, huwag naman sana...
"Ano pong nangyari?"
"Anak, may sakit ka ba? Gusto mo bang iuwi ka na namin sa Manila para mapatignan ka namin sa doktor?"
"Huwag na Mama, sa totoo nga ay mas gusto ko na dito, mga 3-4 buwan lang naman, gusto ko rin maranasan ang buhay sa probinsya."
Kahit malaki man ang galit ko sa kanila, magulang ko parin sila at hindi na mababago yun.
"Are you sure anak?"
"I'm sure 'Ma."
Dahil nararamdaman ko na dito masasagot lahat ng katanungan na hindi masagot-sagot.
Kung sino ba talaga ako
Sino si Amara?
At sino si Pacifico sa buhay ko
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Ang Munting Alaala
FanfictionMay mga pangyayari sa ating buhay na hindi maipaliwanag, may mga tanong na hindi maisagot-sagot, may mga oras na gusto mo nang sumuko, ngunit sa hindi inaasahang panahon, hindi ko inaakala na darating siya, at siya pala ang mga kasagutang iyon. Ako...