Kabanata 4

144 13 6
                                        




Amanda

"P-Pacifico..."

Iyak ng iyak, hindi alam ang gagawin, hindi pwedeng mangyari 'to, hindi. Alam kong hindi niya gagawin ang mga bagay na matagal ko nang kinakatakutan. Hindi, mahal niya ako, mahal ako ni Pacifico.

"Hindi kita minahal, Amara."

Ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay kasabay sa pag wasak ng aking puso, unti-unti. Para bang hindi ako makahinga, na sobrang sakit, hindi ko mapigilang umiyak at niyakap siya.

"Ikamamatay ko Pacifico, ikamamatay ko! Nagmamakaawa ako sayo, huwag mo akong iwan..."

Ngunit iniwan niya parin ako...

At totoo nga, ikamamatay ko nga ito--


"Amanda? Ayos ka lang ba apo?"

Napabalikwas ako, hawak ko parin ang sulat, pero napansin ko na tumutulo na pala ang mga luha ko, pinahid ko ito at tiniklop ang sulat at muling binalik kay Lola.

"Apo? Gusto mo bang ikuwento ko ang pag-iibigan ni Pacifico at ni Amara? O ipagbubukas na lang natin?"

"H-Hindi na Lola, ayos na ako. Ipagpatuloy niyo ang pagkukwento, gusto kong malaman ang love story nila..."

Napangiti si Lola at tumango, bago siya mag kuwento ay may hinanap siya ulit na bagay mula sa may drawer at may nakita ako, isang necklace, at may nakaukit doon na pangalan.

"Ang necklace na ito ay regalo ni Pacifico kay Amara bago sila mamanhikan. Napakaganda, gawa ito sa ginto, hija. Kaya't huwag na huwag mong isasanla ito at baka multuhin ka ni Pacifico."

Tumawa na lamang ako at hinawakan ang mga iyon, mabigat at napakaganda, kahit sobrang luma na nito ay hindi parin matatago ang ganda nito, para bang gusto kong suotin.

"Pwede ko ho bang suotin Lola?"

"P-Pwede naman apo..."

Pagkasuot nito ay napatingin ako kay Lola, naiiyak siya na hindi ko mawari. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit walang lumalabas sa kanyang mga bibig. Kaya't hinawakan ko ang kamay ni Lola sabay tingin sa salamin.

"Lola, bagay ho ba sa akin?"

"K-Kamukha mo siya..."

"H-Ho? Ano po ulit yun Lola?"

"W-Wala apo, ang sinabi ko ay napakaganda, bagay sayo apo."

Ngumiti ako at muling tumingin sa salamin, bagay nga. Araw araw ko na ito susuotin.

"Lola, kwentuhan ninyo na ulit ako."

Bumuntong hininga si Lola at ngumiti muli, napapansin ko, palagi siyang ngumingiti, eh noong bata ako, napaka sungit ni Lola, akala ko nga ayaw niya sakin eh.

"Ang pag-iibigan ni Pacifico at ni Amara ay typical lang, pero may aral na mapupulot, si Patrimonio ang ama ni Pacifico ay may matalik na kaibigan na si Ignacio, ang ama ni Amara. Simula't pagkabata ay magkaibigan na si Patrimonio at Ignacio, hanggang sa nagkaroon sila ng mga kanya-kanyang pamilya, nagkaroon ng tatlong anak ni Patrimonio, si Pacifico, si Soledad at si Rizaldo-- ang aking Lolo. Habang si Ignacio naman ay nagkaroon ng dalawang anak, si Danilo at si Amara."

"L-Lola, papaano niyo nalaman ang kwento na ito?"

"Kinwento sa akin ng aking Lolo Rizaldo at nakasulat ang kanilang pag-iibigan sa isang munting papel, ngunit hindi ko na alam kung nasaan na iyon."

tumango na lamang ako at pinagpatuloy ni Lola ang kwento.

"Nangako ang dalawang magkaibigan na ang kanilang mga anak ay ipagkakasundo upang mas lalong maging makapangyarihan ang kanilang pamilya dahil noong araw ay ang pamilya ni Patrimonio at Ignacio ay napakayaman, dahil may mga negosyo silang kilalang-kilala sa Maynila."

Ang Munting AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon