Tuks POV.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang haplos ng hangin na dumadampi sa aking katawan habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na buwan. Iba na ang prisensiya nito para sa akin kung ihahalintulad ko noon.
Ang presensya noong musmos
pa lamang ako, at di pa natutuklasan ang totoong takbo ng buhay sa mundo.Sinimulan kong ipikit ang mga matang nangungusap sa buwan at sinariwa ang mga alaala ng aking kamusmosan.
Unti-unting bumuo sa aking iisipan ang masasayang larawan.
Kita ko ang maamo at inosente mukha ng isang batang lalaki, pala ngiti at may mga matang puno ng saya.
Kaligayahan na parang wala nang katapusan na nararamdaman niya sa sarili habang malaya niyang dinadama ang ihip ng hanging dumadampi sa kanya na sinasalubong niya ito sa daan.
"kalayaan! Woooooh haha!" iyan ang binabanggit niya sa mga panahong iyon.
"Napakagandang larawan" bulong ko sa sarili habang naka ngiti.
Habang sinasariwa ko ang mga alaalang iyon, unti-unti itong napapalitan ng mga alaalang pilit kong kinakalimutan, alaalang bangungot para sa akin.
Papalit-palit ang mga ito na tila nag aagawan na estasyon, hanggang sa tuluyan na rin itong nilalamon ng kadiliman.
" Napakadilim " sa isip ko.
Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata para ibalik ang sarili sa kasalukayan.
Hanggang sa hindi ko na nasisilayan ang liwanag ng buwan na ngayo'y binabalutan na ito ng maiitim na ulap.
Bumangon ako sa aking pagkakahiga para umupo na lamang at hinayaan muna ang sarili na pakiramdaman ang prisensiya ng hangin.
"Ang sama'," bulong ko sa sarili.
Napahilamos ako sa mukha at nagpakawala ng malalim na paghinga hangang sa na isipan ko nang bumaba sa taas ng bubong.
Na tigilan ako saglit nang makita ko siya sa ibaba na nakatingala sa kinaroroonan ko at
sandali kaming nagkatitigan.Alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa titig niyang nakakapangilabot, pero ginantihan ko siya ng isang matipid na ngiti na di niya inaasahang ipinakita ko na walang bahid ng takot at tila naghahamon sa aninong iyon.
Itinuloy ko na ang pagbaba, at nang makababa na ako ay hindi ko na inabala ito at nauna na ako sa paglakad habang nakasunod ito.
Napatigil na naman ako nang maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko.
Dinukot ko ito sa kanang bulsa ko at agad binuksan at tumungo sa messanger.~Kimp~
Pre na saan kna susunduin na ba kita?
Nag pakawala ako ng malalim na paghinga pagkatapos ko itong gantihan ng mensahe.
Dinukot ko ulit ang kanang bulsa ko para kunin ang buhol buhol at lumang earphone. Putol ang kabila nito na ako rin mismo ang may gawa dahil hindi narin iyon gumagana kaya isang mini speaker nalang ang mayroon ito.
Ikinabit ko ito sa cellphone ko at isiniksik sa kanang tenga ang nag iisang mini speaker ng earphone.
Tumungo ako sa Play Music Application, hinahanap ang isa sa mga musika na gusto ko at pinatugtug ito nang naka full volume.
Kinagawian ko na ito pag nakakaramdam ako ng kakaiba sa sarili, pinapagaan at pinapalakas nito ang loob ko.
BINABASA MO ANG
TUKS ( The shadow of my past )
Mystery / ThrillerWe all know what the boundaries of our lives, but we can't tell how, where and when it'll happens. It is destiny that we will never escape. This is the story of the man who concentrated misery and suffering experienced in life and raise himself to t...