Chapter9 ~ Still alive~(Day2)

15 2 0
                                    

Someone's POV.

Pagtapos kong gawin ang itinuro sa akin ng yumao kong lola kung paano pumasok sa mundo ng mga kaluluwa ay puro pinto ang bumungad sa akin.

Kulay pula ang silbing liwanag na bumabalot sa maliit na espasyo at ang bawat pinto ay magkakaharap, halos magkapareho lang na kulay itim at disenyo nito. Samo't saring boses ang naririnig ko sa likod ng mga pintong iyon at ang nakakapangilabot pa nun ay humihiyaw ang mga ito, humihingi ng tulong, may umiiyak at sumisigaw na parang gustong maghiganti. Ayon sa ikinwento ng aking yumaong lola base sa kanyang mga karanasan, ito daw ang mga kaluluwang di matahimik na nakakulong sa bawat pinto.

Sinimulan ko nang maglakad upang hanapin ang liwanag ng aking kwintas na tumutukoy sa pinto kung saan doon ko siya matatagpuan, kailangan ko nang magmadali at halos tumatakbo na ako. At kung iisipin ko ang ginagawa kong pagtakbo ngayon ay sumagi sa isip ko ang tumatakbong oras sa kabilang mundo. Hindi man tumatakbo ang oras sa mundo ng mga kaluluwa pero ang oras sa mundo ng mga buhay ay mabilis pa sa kisapmata.

Sa hindi kalayuan ay natagpuan ko na ang liwanag ng aking kwintas, binilasan ko pa ang pagtakbo at nakarating din ako sa pinto. Agad kong dinakma ang door knob at pinihit upang buksan ang pinto nang natigilan ako bigla. Kakaibang kilabot ang nararamdaman ko, isang kilabot na pati ako, na kaluluwa na ngayon ay na apektuhan nito. Napapikit ako, ramdam ko na bumibilis ang kabog ng aking dib-dib. "Pero paano?"
Na alala ko ang isang paalala ng aking lola na palagi nitong itinatanim sa iisip ko na kahit maghiwalay ang kaluluwa sa kanyang katawan na hindi naman ito sadyang namatay ay maituturin parin itong buhay at ingatan ang tali ng iyong buhay.

"Na loko na!" na padilat ako bigla ng maalala ko ito. Binitiwan ko ang door knob at tumalikod sa pinto. Dali-dali kong hinanap kung saan ang tali at na tagpuan ko iyon sa aking dib-dib, parang isang awra na puti ito na parang isang mahabang sinulid. Dahan-dahang sinusuyod ng aking paningin ang haba nito at habang ginagawa ko iyon ay lumalakas rin ang kaba sa aking dib-dib hanggang sa makarating ang paningin ko sa isang pinto na nasa harap ko. Na pako ang tingin ko sa pintong iyon, hindi ko na maipalawanag ang kilabot na nararamdaman ko at unti-unti na rin akong nabibingi sa kaba at ang kakaiba pa sa pintong na sa harapan ko ay napansin ko itong tahimik, walang kahit na anong ingay tulad na naririnig ko sa iba pang pinto.

Napasigaw nalang ako nang biglang yumanig ang pinto, walang tigil itong kumakalabog na parang tambol at parang gusto nitong sirain. Hindi parin ako humihinto sa pagsigaw dahil hindi ito tumitigil sa ginagawa niya. Na pasandal ako sa pintong na sa likuran ko at napaupo, pumikit uli ako at tinakpan ang mga tenga para hindi marinig ang ingay na ginagawa ng na sa loob nito. Natigilan ako sa pagsisisigaw ng humupa ang kalabog.
Dinilat ko ang mga mata at dahan-dahang lumingon sa pintong iyon, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pinto na nakaawang ng kaunti at mas lalo akong na nginig sa takot dahil sa isang imahe ng mukha na nakita ko sa loob ng pinto sa kadiliman. Ngumiti ito ng nakakapangilabot, hindi ko alam kung kaluluwa pa itong nakikita ko ngayon dahil mas nakakatakot at nakakapangilabot ang dinadala nito kumpara sa mga parati kong nakikita at nakakasalamuha. At ang mga titig nito, puno ng paghihiganti. Dahan-dahang nag iba ang direksyon ng kanyang mga mata at tinitigan nito ang na sa dib-dib ko, mas lalong lumaki ang ngiti nitong nakakapangilabot nang makita niya ang bahagi ng tali sa labas ng pinto niya at abot kamay na niya lamang ito.

Nang mapagtanto ko kung ano ang balak nitong gawin ay nilabanan ko ang takot, nilakasan ko ang loob ko at buong tapang kong sinigawan ito.
"HINDI PWEDEEEE!!!"
Bago pa man niya hablutin ang tali ay na unahan ko na ito, nagwala at nagsisisigaw ito sa galit, hampas niyang binuksan ng tuluyan ang pinto at susugurin ako ngunit bago pa ako nito ma abot ay bigla nalang itong tumalsik pabalik sa pinanggalingan nito sabay ng malakas na impact na pagsarado ng pinto.

TUKS ( The shadow of my past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon