Isang cheep at hindi kalakihan na resto bar ang bar rocks.
Sa loob nito ay may iilang lamesa at upuan lang ang naroon na yari rin sa kawayan at ang nag iisang main attraction ng bar ay ang karaoke.
May maririnig ka na nagkakantahan at malakas na halakhak ng mga customers.
Ilang taon na rin ang lumipas bago ulit nakatungtung sa lugar na ito na isinumpa ko sa sarili na hindi ko na babalikan.
"May pasumpa-sumpa ka pang nalalaman, Tsk!" sa isip ko.
Kahit papaano ay may na pansin rin akong pagbabago sa loob ng main ng bar, hindi na ito tulad ng dati na makalat.
Ang hindi lang nagkaroon ng pagbabago sa paningin ko ay ang karaoke na nasa dati parin nitong posisyon.
Sa labas naman na katabi lang nito at ilang hakbang lang ang pagitan ay may maliit na extension na sakop ng counter part at sa dakong iyon naroon si Kimp, kasama ang mga naghihintay umano sa pagdating ko.
Sa bandang kanan na katabi ni Kimp ay pamilyar sa akin ang mukha nito.
Hindi ko inaasahan na ang taong makakasalamuha ko ngayong gabi ay isa sa anak ng nagpapatakbo ng restobar.
Si Veg.
Sandali pa ay inilipat ko ang atensyon sa taong nakaupo na ka harap ni Kimp, lamesa lamang ang pumapagitan sa kanila.
Kahit na nakatalikod ay nakikilala ko ito, iisang lang naman kasi ang dugo na nanalaytay sa mga ugat namin dahil pang tatlo siya sa aming apat na magkakapatid.
Si Ced.
"Tignan mo nga naman, hindi niya yata kasama yung dalawang LOL gamer at dito siya na pad-pad" sa isip ko.
Papalapit na ako sa kanila habang sa taong nakatalikod ang tingin.
Kitang-kita ni Kimp na hindi umaalis ang titig ko sa taong kaharap niya, hanggang sa nag papalit-palit na ito ng tingin.
Nang marating ko na ang kinaroroonan nila ay na natili muna akong nakatayo sa likod ng taong nakatalikod, natawa na lamang si Kimp.
" Welcome back to bar rocks, old brother" bati ni Ced.
Hindi na inabala pa ang sarili nitong lumingon sa kinatatayuan ko dahil busy sa paglalaro ng online games sa cellphone niya.
Kahit hindi ko makita ang expression sa kanyang mukha, alam kong nakangiti ito na may gusto ipahiwatig.
Kahit hindi na niya abalahin pa ang sarili na ipa alala ang tunkol sa pangyayaring iyon ilang taon na ang nakakaraan.
"Oo, hinding hindi ko makakalimutan ang lahat sa lugar na ito at ng taong iyon" sa isip ko.
" Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mong iyan? Kung hindi sa computer, sa cellphone." sagot ko na lamang sa kanya.
" Saan pa ba ako mag mamana? , tulad nga ng kasabihan, blood is thicker than water or were in the same feathers and here we are flocks together" pang aalaska nito.
BINABASA MO ANG
TUKS ( The shadow of my past )
Mysterie / ThrillerWe all know what the boundaries of our lives, but we can't tell how, where and when it'll happens. It is destiny that we will never escape. This is the story of the man who concentrated misery and suffering experienced in life and raise himself to t...