White turns black,
Light turns into a darkness.
Powerful star can destroy the darkness and revealed the words of his brightness. ~ ¹²cab⁴⅞~Athea's Pov.
( Reminiscing 2 )
Iilang metro nalang ang lalakarin ko patungo sa bahay, abut tanaw ko na kasi ang maliit na tindahan na nasa gilid ng kalsada.
Sa mga oras na iyon, wala na akong nakitang tumatambay sa daan o kahit sa maliit na tindahan ni Aling Ding.Nang lumapas na ako ng ka unti sa tindahan ay may biglang tumawag sa akin, hindi ko siya agad na pansin dahil sa pagmamadali.
Na pahinto ako saglit at lumingon sa likuran.Lumitaw siya sa gilid ng tindahan na nakadikit ang cellphone sa kanang tenga nito. Ibinaba niya rin iyon at sinuksok sa tagiliran ng short niyang pang basketball.
" Oh, bakit? Nagmamadali ako" pinangunahan ko na ito.
" Bakit ginabi ka na sa pag-uwi?" tanong nito.
" At kailan ka pa nagkaroon ng care?" pang babara ko.
Na pa buntong hininga na lamang ito, halatang pinipigilan ang sarili na uminit ang ulo. Sinindihan nito ang sigarilyo na hawak niya at hinithit iyon at sabay buga sa usok nito bago magsalita.
" Umalis ka na sa harapan ko" sa mahinahon nitong boses at tumalikod ito.
Agad na rin akong naglakad papalayo sa kanya, hindi ko mapigilang ma inis dahil wala talaga siyang kwentang kausap.
Hindi pa ako na kakalayo ay narinig ko na naman ang boses nito." Hoy! Kanina ka pa Pala hinihintay ni mama'!" sigaw nito pero hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Tumingala ako saglit sa itaas, medyo makulim-lim ang kalangitan at maiitim na ulap ang natatanaw ko na sumasabay sa ihip ng hanging dumaraan sa mukha ng buwan.
Sumagi sa isip ko ang balitang narinig ko kanina sa Radio App ng cellphone ng kaklase ko habang kumakain ako sa canteen. Isang bagyo ang paparating at dadaan mismo ito sa Visayas provinces." Buwan ng Mayo na kasi kaya tag-ulan na, hay naku siguradong araw-araw na naman ako magdadala ng payong at maiwawala." bulong ko sa sarili.
Binalik ko ang tingin sa daan at na malayan kong papalapit na ako sa gate ng aming bahay.
Nang mailapat ko ang palad sa malamig na bakal ng gate ay bigla nalang lumakas ang hangin, mas malamig ito kung ikukumpara kanina at parang may kakaiba. Tuloy-tuloy ang pagbukas ko ng gate at papasok na sana sa loob nang natigilan ako, may napansin akong kakaibang anino sa lupa.
Sa unang tingin akala ko ay ulap lang ito dahil sumusunod ito sa ihip ng hangin na parang sumasayaw, ngunit hindi ito tinatangay ng hangin tulad ng mga ulap.
BINABASA MO ANG
TUKS ( The shadow of my past )
Mystery / ThrillerWe all know what the boundaries of our lives, but we can't tell how, where and when it'll happens. It is destiny that we will never escape. This is the story of the man who concentrated misery and suffering experienced in life and raise himself to t...