Chapter 6 ~ Vision ~ ( Day 2 )

33 1 0
                                    

Cedric POV

" Opo, pauwi na po kami" sagot ko sa kabilang linya. Pinutol ko ito matapos ang pag uusap namin sa cellphone. Nadaanan na namin ang plaza, palatandaan na malapit na kami sa distrito namin. Hindi naman ganun kalayo ang resto nila Veg dahil isang distrito lang naman ang basehan ng layo nito.

City of BALSI, simple at tahimik lang ang mga pamumuhay ng mga tao sa siyudad na ito. Kahit hindi naman ganun ka unlad gaya ng mga malalaking siyudad ay hindi rin naman ito nahuhuli sa ekonomiya ng bansa.
Ito ay pinapatakbo ng isang mayor na tinulungan mismu ng mga kilalang pamilya at mamamayan para makaupo sa trono na iyon.

Nang malampasan na ang plaza ay lumiko kami sa may kaliwang kanto, ilang bahay pa ang nadaanan bago pa makarating sa isa pang kanto kung saan ay may maliit na tindahan, palatandaan na malapit na kami sa bahay.

Naging marahan ang takbo ng motorsiklo , isang kilometro pa mula sa tindahan ang tinakbo nito hanggang sa huminto na kami sa tapat ng gate ng bahay.

Nasa unahan namin sina Kimp, unang bumaba ang babae na naka alalay kay kuya, bumaba na rin ako at nagtungo sa kinaroroonan nila. Dahan dahan kong ibinaba ang walang malay kung kapatid at binuhat ito.

" Pre babalik na ako sa resto, balitaan mo nalang ako." si Veg.

" Ok sige, pag nagising na ito tatawagan agad kita, ingat " pina andar niya ang makina ng motorsiklo nito at humarurot paalis.

" Pre' uuwi na rin ako, tutal na ihatid ko na rin kayo " si Kimp.

" Duwag " ang babae, na pailing nalang ito habang pinagmamasdan ang bahay na nasa harapan nito.

Nice one, sa isip ko.

" Haha!" natawa nalang ako sa narinig.

" Aba't sumosobra ka na babae ka ha! Naku.... Kung hindi ka lang babae kanina pa kit--"

" Cedric kayo na ba iyan?"

naputol nalang ang sasabihin ni Kimp nang may isang boses ng babae ang biglang sumingit.

" Opo!" sagot ko rito.

Biglang nag bukas ang pinto, iniluwa nito ang maliit na babae na nasa 4O's na ang edad. Dali-dali itong tumungo sa gate para pagbuksan kami nito, sandali pa napatigil ito nang makita ang babaeng kasama ko, kaagad din itong binawi ang atensiyon nito sa kanya at itinuloy ang pagbubukas ng gate.

" Pasok na kayo, dahan dahan lang at wag kayo masyadong mag-ingay, baka kasi magising ang papa mo " babala nito.

" Good evening po tita " bati ni Kimp na mahina lang ang boses.
Tumango lang ito bilang tugon.
Nang makapasok na kami ay sinara na nito agad ang gate at na unang pumasok sa loob ng bahay, sumunod narin kami sa kanya.

" Maiwan ko nalang kayo dito, babalik na ako sa taas, dios ko kailan ba matatapos ang pagpapahirap ng kapatid mo sa sarili niya " tinakpan nito ang bibig para pigilan ang sarili na maiyak, alam ko kung gaano ka sakit para sa ina ang makita ang kanyang anak sa ganun ang sitwasyon.

TUKS ( The shadow of my past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon