Chapter 2 ~BAR ROCKS~ ( Day 1 )

61 2 0
                                    

Tuks POV.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Kimp ng motorsiklo habang tinatahak namin ang daan patungo sa lugar kung saan kami magkikita kita ng iba pa, tahimik lang ako sa likuran nitong naka angkas habang pinagmamasdan ang mga bituing natatanaw ko sa kalangitan. Isa ito sa kinagawian ko habang bumabyahe, hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina at yung nilalang na gustong umangkin sa kaluluwa ko. Maraming katanungan na namuo sa pag-iisip ko na alam kong siya lamang ang makakasagot, pero mukhang malabo ko nang malaman ito dahil hindi ko na nararamdaman ang prisensiya ng kanyang enerhiya. Inisip ko na lamang na baka hanggang ngayon ay naglalaban pa ang dalawa doon mismo sa tinatawag na impyerno.

Good for me kung ganoon, sa isip ko.

"pre'?" si Kimp.
Hindi na siguro nito matiis na hindi kami nag uusap, nagsawa na siguro sa ingay ng makina ng minamaneho niya.
Pero hindi na ako nag abala pa na lumingon dito dahil na aliw ako sa mga bituing natatanaw ko, pinapagaan nito ang pakiramdam ko.

"Ano pre'?" sagot ko lamang sa kanya.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino sino ang makakasama natin ngayong gabi?" na atat nitong tanong, na paisip na rin ako kung sino sino ang mga iyon.

"bakit? may babae ba doon?" pabiro kong balik sa mga tanong niya. Wala talagang ideya na pumapasok sa isip ko kung sino ang mga ito. Nag isip pa ako ng ilang minuto hanggang sa may isang tao na sumagi sa isipan ko.

Maaring posible at imposible, pero sa mga oras na ito busy yun sa paglalaro sa internet shop. Ang sarap naman ng buhay niya,tsk!. sa isip ko.

"hahahaha babae talaga pre? Sana nga may mga babaeng naligaw doon" at tuwang tuwa pa ito.

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang pinag uusapan namin. Muli ay nangibabaw na naman ang ingay ng makina sa pagitan naming dalawa.
Naramdaman ko na lamang na unti-unting bumagal ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo, sinyales na papalapit na kami sa pupuntahan namin.

Sa di kalayuan ay nakakarinig na ako ng isang boses ng lalaki na kumakanta, ibinaling ko ang paningin sa daan at maya maya pa ay tumigil na ang motorsiklo sa harapan ng maliit na gate na yari lamang sa kawayan.

"Nandito na tayo pre'" si Kimp.

" Pansin ko nga" na hindi makapaniwala. Natawa na lamang ito sa nakita niyang ekspresyon sa aking mukha.

Sa maliit at yari sa kawayang gate na iyon ay makikita ang
isang tarpaulin sa taas na may nakasulat na pangalang BAR ROCKS kung saan ay nakatunganga na ako roon.

"Kung minamalas ka nga naman". sa isip ko.

Pamilyar sa akin ang lugar, hindi lang basta pamilyar, memorable pa.

Sobra.

Napangiti na lamang ako, isang matipid na ngiti dahil hindi makapaniwala na babalik ako sa lugar na ito at kung bakit ito pa ang napili nilang venue.

TUKS ( The shadow of my past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon