Chapter 10 ~ The Death of Death is a lie ~ (Day 2)

47 0 1
                                    

Tuks POV.

Halos  nakatunganga na ako sa taas ng makita ang napakalaking karit na may tangkad na 5'11" feet kung ikukumpara sa akin na 5'5" lamang ang tangkad, hindi lang ito ang dahilan kung bakit na panganga ako habang pinagmamasdan ko ito, kung sa lapad ng talim ay daig pa nito ang isang papag ng isang single bed, may kapal na mahahalintulad sa bakal na 50 (mm) at 40 inches ang haba. Kung ordinaryong tao ang bubuhat nito kahit sampo o higit pa ay di kakayanin pwera nalang kung instruction vehicle tulad ng crane ang gagamitin nila.
Pero kung hindi parin kaya ay aba! eh mala hammer ni Thor itong karit ni kamatayan. Napahilamos nalang ako ng mukha sa mga na iisip ko, saan na kaya yun?

" Thor este Death! Na iwan mo yung hammer mo este yung karit mo! Narito na ako ano na naman bang gimik to ha?!"

"GIMIK? iyan lang ba talaga laman ng kokote nyong mga mababang uri na nilalang?"

Isang boses na galing sa ilalim ng lupa umalingawngaw kasabay ng biglang lumamig lalo at ang medyong makulimlim na liwanag na bumabalot sa lugar ay tila naging pula. Tuliro kong hinahanap ang boses kung saan nangagaling ngunit hindi ko ito matukoy, nagpatuloy ang boses sa pagsasalita.

" Yaman, pera, luho,kapangyarihan tsk', tsk',tsk' mga sakim!"

At tumigil ang mundo ko nang maibalik ko ang paningin sa karit. Isang nanlilisik na mata ang kanina pa pala na nakamasid sa akin mula sa likod ng karit at nakangiti na nakakapangilabot, ngiti na masasabi kong sila lamang ang meron nito. Lumabas ito ng tuluyan mula sa likod ng karit at sumadal ito doon na hindi manlang nag abalang putulin ang pagkakatitig sa akin. Kalbo ito at may peklat sa kaliwang mata na tila hiniwa pahaba sa pisngi nito, naka black fitted toxido at black baston sloxs at black pointed leather shoes. Men in Black?

Pinilit kong ibalik ang sarili sa pagkabila, tinanggal ko ang takot at nilakasan ko ang loob upang makapagbitiw ng salita. Kung ikukumpara ito sa multo, iba ang isang ito dahil sobrang negatibo ang nararamdaman ko sa kanya. At ngayon napagtanto ko na isa ito sa mga nilalang sa ilalim ng lupa.

"Oo, tama ka mababang uri na nilalang, so are you afraid now? WAHAHAHAHAHA!"

At of course nakakabasa pala ito ng isip, meaning isa sa mga mataas na uri o hierarchy ng kanilang uri.

" Fact na fact! At correction, hindi ako basta Men in Black lang Wahahahaha! "

Ok stop!

"Buti naman magsasalita ka na"

" Sino ka naman?"

" Human sucks, ang dali mo naman makalimot"

Umalis ito sa pagkakasandal at biglang nag apoy, biglang akong napaluhod sa kinatatayuan ko dahil sa malakas at negatibong enerhiy. Sa hindi malaman ang dahilan ay bigla akong lumutang. Kahit anong pagpupumiglas ko ay wala akong magawa. Isang nakakapangilabot na halakhak ang muling umalingawngaw sa aking pandinig. Napatingin ako sa nilalang na ngayo'y pamilyar na sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TUKS ( The shadow of my past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon