PROLOGUE

73 12 5
                                    


"Ano ba ang kahulugan ng buhay?"

"Ito ba ang ang dahilan kung bakit ako narito sa mundong ito?"

"Ang masaktan?"

"Ang pahirapan?"

"Ang madurog?"

"Ang magdusa?"

"Ang hina ko, napaka hina ko."

"Gusto kong maging malakas, gusto kong maging malakas."

Paulit ulit nitong sinasabi habang ikinukulong nito ang sarili sa madilim at walang kahit na anong liwanag sa kwartong iyon. Hanggang sa,

"Hayaan mong tulungan kita"

"Hali ka,
Yakapin mo ako."

"Hahahahahahahahahaha!"

Hahahahahahahaha!

Sinakop na siya nito ng tuluyan.

***
Hospital

Nagkakagulo na sa E.R dahil sa isang pasyente na kritikal ang kundisyon at nag aagaw buhay, habang ang ina nito ay nagpapanic na sa sobrang pag aalala nito sa anak.

" Tuks! Tuks anak! gumising ka!" hiyaw ng Ina nito.

"Nurse! Eh check mo yung vital signs niya! At kabitan agad ng oxygen" utos ng doktor sa nurse na agad naman itong sumunod.

" Ok doc"

" Tuks! Anak!"
Hindi na nito makayanan ang nangyayari sa anak, nanghihina ito at muntik na matumba sa kinatatayuan.

"Nurse Jine! Ilabas nyo na muna ang nanay dito sa loob!" utos nito sa isa pang nurse.

Sumunod naman kaagad ang nurse at inalalayan ang ina ng pasyente palabas ng E.R.

" Doc, tignan nyo po ito" bulalas ng isang nurse. Agad lumapit ang doktor sa pasyente at laking gulat niya ng makitang maraming sugat ito sa magkabilang pulso.

" Ihanda nyo na agad ang operating room madali!" utos ng doktor.

"Ano ba ang nangyayari sa mundong ito? " sa isip ng doctor.

.***
Sa labas ng O.R.

Mahigit sampong oras na naghihintay sa labas ng Operating Room ang ina ng pasenyente, hindi mapakali at umiiyak. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas ang doktor mula sa loob ng O.R.

TUKS ( The shadow of my past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon