Chapter Twelve

63.3K 1K 20
                                    

---

-Gavin-

“Oh? Anong ginagawa ng bagong kasal na lalaki dito?” ito ang bungad na tanong ni Gerone sa akin. Ningisian ko lang naman ito,

“Ano pa ba, ede makiki celebrate sa inyo!” natatawang sagot ko at umupo sa bakanteng stool.

“Tsk iniwan mo asawa mo?” nakakunot noong tanong ni Grin.nakangiting tumango ako bago ako nag salin ng alak sa baso. Langya lambanog pa ang natripang inumin ng mga ito, kaya pala may mga tama na eh.

 “Brooo---ang sama mo!” lasing na sabi ni Gerone na agad na ikinakunot noo ko

“At bakit naman ako naging masama?”takang tanong ko bago ko ininom yung alak.

“Iniwan mo asawa mo ng mag isa!Dapat sinamahan at mag kasama kayong dalawa ngayon!Ang lamig pa naman ngayun!”-Gerone

Inisang lagok ko yung lambanog

“Pshh Alam mo kambal Gerone,mas gusto ko pang mag lasing dito at kasama na ang mga nakakasawang mga pag mumukha niyo kesa makasama ko yung masungit,maldita,brat,mahangin,mayabang na sing lamig ng bloke ng yelo na asawa ko!”
sabi ko sabay lagok ulit sa Lambanog

“So di pa kayo okay?Akala ko okay na kayo?”-Drenz

“Huh?At paano mo naman nasabi?”
sabi ko sabay lagok ulit

“Ang sweet niyo kaya kanina”-Gerone

“Lalo na yung dance”-Drei

“At yung kiss!”-Drin

Napapa iling na lang ako. Lumagok na lang ulit ako ng alak kesa mag salita.

“Brod,tama na yan,malasing kapa niyan ehh,lakas pa man din ng iniinom mo ngayun”-Grin

Hindi ko siya pinakingan at tinuloy tuloy ko lang nag pag inom.

Bahala na kung malasing ako,kaya ko naman alagaan sarili ko ehh.

* * *

-Mjeille-

Napapailing na lang ako habang dahang dahang naglakad palayo. Hindi ko ma intindihan ang sarili ko kung bakit pinuntahan ko ang g*gong ito ngayon dito. ah oo nga pala gusto kong kausapin ito tungkol sa magiging set up namin. Unexpected ang pagtira namin dito sa Hacienda Andrano. at isa lang ang ibig sabihin non.

Mag sasama kami sa iisang kwarto at magtatabi sa iisang kama.

Sh.t lang oh. Pero mukhang hindi ko ito makakausap ngayon. Paano heto ang nag papakalasing tsk bahala siya sa buhay niya. Matulog siya sa sahig kung gusto niya!

Napapailing na pumasok ako sa kwarto niya. Maluwang nga yun parang master bedroom na din.

So ito ang kwarto niya nong binata pa siya?

Eh ano naman ngayon sayo Mjeille?

Kahit kailan epal ka talaga brain!

Inikot ko yung kwarto. May mga picture sila ng kambal niya kasama ng mga pinsan niya. Kita ko ang pagkakaiba ng mga ito. Ang kambal nitong si Grin ay seryoso ang mukha at may suot na salamin. Si Gerone naman ay may pagkakulot ang buhok. Samantalang si Gavin ay bagsak ang buhok nito.  napako ang tingin ko sa portrait nilang tatlong kambal. Kitang kita mo ang pag kakahawig ng mga ito pero sabi ko nga kanina may pag kakaiba ang mga ito. Napako ang atensyon ko sa mukha ni Gavin.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon