Chapter Twenty Seven

50.5K 682 11
                                    

--

-Mjeille-

Pagkagising ko kinabukasan wala na si Gavin sa tabi ko. Agad akong nag taka. Dahil pag nagising ito ay ginigising na din niya ako.

Tumayo siya sa kama nila at tinungo ang pinto ng banyo pero wala siyang narinig na lagalas ng tubig mula doon. Binuksan niya iyon at wala siyang nakitang tao. Pumunta siya sa walk in closet at wala din ito doon.

Nag disisyon siyang bumaba na ng bahay dahil baka nag luluto na iyon ng agahan nila. Siguro gusto talaga nitong bumawi kaya inunahan siya sa pag luluto. Alternate ang schedule nila sa pag luluto pero sa dinner lang iyon. Tulungan sila sa pag luto ng agahan nila para mas mabilis at ng maaga silang maka pasok sa office.

Tutunguhin na sana niya ang pinto ng biglang bumukas iyon at iniluwa non si Gavin na may dala dalang tray.

"Good morning! Breakfast in bed!" Gavin beamed at her. Tinaasan niya lang ito ng kilay pero deep inside kinikilig siya sa ginawa ng hinayupak

"Good morning" bati niya pabalik dito. Umupo siya sa couch na naroroon. Lumapit naman ito sa kanya at inilagay yung tray sa coffee table na naroroon. Tapsilog ang niready nitong breakfast.

Akala niya ay sasamahan siya nitong kumain pero nagulat na lang siya ng may marinig siyang nag s-strum ng gitara. Pag angat niya ng tingin nakita niya si Gavin na may hawak ng gitara at may kagat kagat pang red tullips ang loko!

Inabot niya ang Tullips mula sa bibig nito. ngumiti naman ito sa kanya. Pero napanganga siya sa sunod na ginawa nito!

Good morning, beautiful, how was your night?

Mine was wonderful with you by my side

And when I open my eyes to see your sweet face

It's a good morning, beautiful day

Is he really singing?! Dapak Mjeille! Naririnig mo na nga ang boses niya eh! Hindi ko in-expect na maganda ang boses ni Gavin. Siguro nasa lahi na nila iyon dahil maganda naman ang boses ng mga kapatid at pinsan nito dahil sila ang kumanta nong kasal namin!

"Don't just look at me sweetbabe. Kumain ka na habang kinakantahan kita" nakangiting sabi nito. sinasabi nito iyon habang patuloy pa din ito sa pag strum ng gitara.

Wala sa sarili na sinunod niya ito.

I couldn't see the light, I didn't know day from night

I had no reason to care

Well, since you've came along, I can face the dawn

'Cause I know, you'll be there

Best morning ever! May masarap na siyang almusal may nang haharana pa sa kanya!

-Gavin-

Mukhang kahit paano nabawasan na ang galit sa akin ni Mjeille. Siguro nag tatampo na lang ito. Effective ang advice sa akin ni Gerone. Si Gerone sa kanilang anim siya ang maraming alam na strategy para mapaamo ang isang babae. Eh naknakan ng pagka playboy si Gerone eh!

Pagkahatid ko kay Mjeille sa opisina nito, ay hindi na ako pumasok sa opisina ko. Ito ay para planuhin ko ang second move ko para mapatawad na ako ni Mjeille.

"Tsk ano ba kasing ginawa mo at nagalit sayo asawa mo?" yamot na tanong sa kanya ni Drin. Nandito kaming lima ngayon sa isa sa mga restaurant ni Gerone para pag planuhan namin ang surprise ko kay Mjeille.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon