Chapter Thirty Six

47.4K 719 13
                                    

—-

-Gavin-

Naningkit ang mga mata ko sa nakita ko. Si Mjeille nga ang babaeng katitigan ko ngayon. Lumapit ako sa mesa na kinaroroonan nito at lalong naningkit ang mga mata ko ng may makitang may kasama ito.

And worst lalaki pa

Napsimangot ako

Sino ang panget na pokemon na ito?

Walang imik na umupo ako sa tabi ng asawa ko at tumingin sa lalaking kasama nito. Tsk gwapo ang lalaki. Pero sino ito at kasama nito ang asawa ko

"Who is he?" tanong ko kay Mjeille habang nakatingin pa din ako sa lalaki na ngayon ay nakangisi na.

"Who is me? Tsk boy should I be the one asking who are you?"  nakangising tanong nito na lalong nakapag inis sa akin. Tumingin na ako kay Mjeille ng wala akong makuhang sagot mula dito.

"Sweetbabe..." panimula ko pero tinignan lang ako nito ng masama.

"BAkit nandito ka Gavin? Balikan mo na ang ka date mo doon"  tumingin si Mjeille sa mesa na okupado namin kanina ni Clarise

Nandun pa din si Clarise at base sa nakikita ko, mukhang galit na galit na ito ngayon. Tumingin ulit ako kay Mjeille

"Were not dating" matigas na sabi ko pero umirap lang ito

"Don't fool me Gavin. Do not think that I am a fool because I am not." Napabuntong hininga ako.

"Were not dating. Nag usap lang kami" paliwanag ko pero hindi ito sumagot. Binaling ko ang tingin ko sa lalaki na kaharap namin at nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa. TInaasan ko ito ng kilay

"Ikaw. Sino ka ba huh?" tanong ko dito

"Jason" tipid na sagot nito. kumunot ang noo ko

"Jason?" patanong na sabi ko, asking for his last name. Mas lumawak ang pagkakangiti nito

"Chrisova" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito. C-Chrisova?!

Maang na nag palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Mjeille.

"K-kapatid mo?" gulat na tanong ko dito pero narinig kong tumawa ng pagkalakas lakas si Jason. Tinignan ko ito at agad ko itong sinamaan ng tingin.

"Ganyan mo ba talaga hindi kakilala si Mjeille at hindi mo alam na dalawa lang silang magkapatid?" pinaningkitan ko ito ng mga mata

"Of course I know my wife!" na blanko lang ang isip ko. Siyempre kung maririnig mong ka apelyido nito ang unang papasok sa isip mo ay kapatid niya ito.

"So I guess pinsan ka lang niya"  natawa na naman ito. Bakit ba tawa ng tawa tong lalaking ito? Tsk nakakabanas na ah!

"Lang? Huh baka kung sabihin ko sayo kung gaano kami ka close ay uminit ang ulo mo" ngingising ngising sabi nito. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito

"And why is that? Bakit gaano ba kayo ka close ng asawa ko?" pang hahamon ko dito. Ngumisi na naman ito at umiling iling

"Well aside from we grew up together... went to same school and University... we used to tell our secrets to each other... "

"Yun lang? ang babaw mo naman!" hindi ito nag patinag.

"Baka kung sabihin ko sayo ang panghuli ay masapak mo na ako. Knowing how possessive an Andrano can be" napakunot noo ako.

"Try me" panghahamon ko

"Since mapilit ka... I'll tell you. Sabay lang naman kaming maligo" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Parang bomba ang sinabi nito at ang lakas ng impact sa akin ng pag sabog ng bombang iyon. Pero parang wala lang ito sa tukmol na ito!

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon