Chapter Thirteen

63.8K 966 26
                                    

(Body Heat)

---

-Mjeille-

*Sniff sniff sniff*

Nagising ako na may mabigat na kung anong mainit na nakapalibot sa hita at sa bewang ko… isama mo pa ang mainit na hiningang pumapaypay sa may leeg ko… at ang mahinang pag hilik na ang dating sa aking mga tenga ay nag mimistulang musika…

“Ughh” napa ungol ako. Dahan dahan akong nag mulat ng mga mata ko at humikab. Lumingon ako sa kabilang side ko para mag unat na sana pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ko magawang sumigaw dahil parang nalunok ko ang dila ko.

Ilang saglit pa ay nakita ko ang pagkunot ng noo nito at dahan dahan itong nag mulat ng mga mata nito. Agad naman na nag tama ang mga mata namin at nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito. Napasinghap na lang ako ng bigla ako nitong hilain papalapit sa kanya at nag sumiksik sa leeg ko.

“Good morning sweetbabe.” Agad na nag sitaasan ang balahibo ko sa katawan ng maramdam ang init ng hininga nito sa leeg ko. Dagdag pa na nag salita ito. Nakaramdam ako ng kiliti.

“A-anong ginagawa mo dito?!” mataray na tanong ko. I felt his lips twitch.

“Hmm lying down here in a bed with my wife”  he said in his bedroom voice. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Kumalas ako sa pagkakayapos nito sa akin but he won’t budge.

“Ano ba Gavin, pakawalan mo nga ako! Ang bigat bigat mo! Esh” irita kong sabi at pilit itong tinutulak palayo sa akin pero umungol lang ito at mas siniksik pa ang sarili sa akin.

“Sweetbabe naman ngayon ka lang nabigatan sa akin? Eh kagabi naman you won’t mind even if I am on top of you” namula na naman ako ng maalala ang nangyari kagabi.

“Pero masakit pagkakasapak mo sa akin grabe lang. Balak mo ata akong gawing battered husband” hindi ko maiwasang mapairap.

“Ang manyakis mo kasi! Sino ba kasing nag sabing halikan mo ako huh?!” irita kong tanong.

“Eh hanggang kiss lang naman ako ah. Wala akong balak makipag make love sayo kagabi baka mapitpit sila baby”

“Heh! Baka nakakalimutan mo Mr. Andrano may kontrata tayo!”  bigla namang sumeryoso yung mukha nito. Napalis ang mga ngiti nito sa labi at ang kanilang maaliwalas na mukha ay napalitan ng galit. Sa wakas ay humiwalay na ito sa akin pero bakit parang may pag tutol sa loob loob ko ng umalis ito sa pag kakayakap sa akin?

What the heck are you saying Mjeille?! Get a grip!

“Yeah right. Meron nga pala tayong kontrata. A fxcking contract!” seryosong sabi nito. Bumangon na ito at doon ko lang nakita na boxer short at sando lang ang suot nito. Napalunok ako ng laway ko.

Pinag nanasaan ko na ba ang lalaking to?! Geez of course not!

“Mauna ka na sa baba. Maliligo lang ako, wife” and with that pumasok na ito sa banyo at naiwan ako doon na nakatanga.

Galit ba yun sa akin?

* * *

-Gavin-

Sa ilalim ng malamig na tubig ibinuhos ni Gavin ang nararamdamang frustrations.

Damn it! I have a wife but it seems like I don’t have.

She is fxcking cold! She won’t let me touch her, kiss her make love to her or at least hug and hold her! Damn it nakaka frustrate!

Well what do you expect? Isa lang naman itong arrange marriage. At sa malas, sa kanilang tatlong magkakapatid siya ang malas na nakatadhana para dito. He doesn’t even know the fxcking reason! Pwede naman si Gerone pwede naman si Grin but why him?!

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon