Chapter Four

86.6K 1.5K 21
                                    

Edited Version

(Misery)

---

-Mjeille-

I feel contented being wrapped on his arms. I feel happy to feel his warm against my skin. Nakakakiliti ang mainit na hininga nito na pumapaypay sa leeg ko. Nagising akong naka unan sa dibdib at nakakulong sa mga bisig ng isang estrangherong lalaki. Ibinigay ko ang puri ko sa lalaking di ko kilala, maliban sa unang pangalan nito.

Gavin

Ang sarap sa pakiramdam na banggitin ang pangalan nito. hindi ko mapagmasdan ang mukha nito dahil naka siksik ang mukha nito sa leeg ko. Mahigpit ang pag kakayakap nito sa akin na parang takot itong pakawalan ako.

Sleep. We’re going to talk about us first thing in the morning

Na alala ko ang sinabi nito bago ako ginupo ng matinding antok. We are going to talk he said. Napangiti ako pero dagling napalis iyon ng ma alala ang rason kung bakit kinakailangan kong gawin ang bagay na ito. Dasal kong sana mag tagumpay ako sa plano ko na ito. Dahil kapag nangyari iyon, pwede ko pa siyang balikan. Dahil ramdam ko, na unti unting nag kakaroon ng puwang sa puso ko ang lalaking naka yakap sa akin ngayon.

Pero hindi ito ang tamang panahon.

MAsakit man, kinalas ko ang mga bisig nito na nakayakap sa akin. Gamuntik na itong magising ng pinilit kong makawala.

Ayaw mo ba talaga akong pakawalan?

Unti unti, nag situluan ang mga luha ko.

Pero hindi pwede. May kailangan pa akong ayusin na problema ng buhay ko. Sana, sana sa pag babalik ko may puwang pa rin ako sayo.

Bumuntong hininga ako. Dahan dahan kong inialis ang mga braso nito sa akin. Nag tagumpay akong makawala. Kinuha ko ang mga damit ko at nag simulang mag bihis.

Tinapunan ko ito ng tingin magkatapos kong mag bihis.

See you soon Gavin. Wait for me please

* * *

-Gavin-

”Good morning sir” bati sa akin ng mga empleyado kong nakakasalubong ko. Tinatanguan ko lang naman ang mga ito at nilalagpasan ng lakad.

“Ano kayang nang yari kay sir Gavin?”

“Oo nga eh. Mainit ang ulo niya nitong mga nakaraang linggo”

“Hmm hindi naman ganyan dati si sir eh. Ang laki ng pinag bago niya ngayon”

“Tama dati rati pag pasok pa lang niyan ay nakangiti na ito pero ngayon. Sambukol ang pag mumukha nito”

“Tama”

Napakunot noo ako sa mga naririnig kong bulungan ng mga empleyado ko. Nilingon ko ang mga ito at agad naman na nag siyukuan ang mga ito at umiwas ng tingin sa akin.

“Ikaw kasi eh.”

“Anong ako”

“Shh tara na nga. Baka sesantihin pa tayo ng wala sa oras” at umalis na ang mga ito. Napabuntong hininga ako. Inip na inip akong nag hintay sa pag bukas ng elevator, ng bumukas iyon ay agad akong pumasok. Tumingin ako sa mga empleyado ko. Napakunot noo ako.

“Hindi ba kayo papasok?” tanong ko sa mga ito. Tumalima naman ang mga ito at pumasok ang iba sa kanila. Nakatingin ang mga ito sa akin.

“What?” irita kong tanong.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon