Chapter Thirty Seven

53.8K 725 12
                                    

—-

-Gavin-

Naayos ko na ang gusto sa pagitan namin ni Mjeille. Ang mga sumunod na araw sa buhay naming mag asawa ay naging normal ang takbo. yung nag uusap, sabay kumain, sabay pumasok ng kanya kangyang office, magkatabing matulog, kwentuhan at walang ilagan. Habol pa din ng habol sa akin si Clarise pero iniiwasan ko na ito dahil ayaw kong pagdudahan ako ni Mjeille.

Ang hirap pa man ding amuin ng asawa ko. Lalo na at buntis ito, ang lakas ng hormones at hindi mo na minsan maintindihan.

Ngayon ay nandito ako sa opisina niya para sunduin. Binati ako ng mga nakakasalubong kong mga empleyado niya at ginagantihan ang mga ito ng ngiti. Sumaludo lang ako sa secretary nito para mag pa alam na papasok ako sa pinaka opisina ng asawa ko.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita kong inaayos na nito ang mesa. Napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Hi" tipid na sabi nito. Ginantihan ko ito ng ngiti at lumapit ako dito para mahalikan ito ng mabilisan sa kanyang labi. Namula naman ang mukha nito pagkatapos. Natawa na lang ako. Ang cute talaga niya pag nag ba-blush.

"Tara na?" anyaya ko dito. Kinuha ko ang laptop bag nito at shoulder bag. Hinawakan ko ang kamay nito at sabay kaming lumabas ng opisina nito.

"How's your day?" tanong ko habang bumabyahe na kami pauwi.

"Okay lang. Medyo nakakapagod"

"Sabi ko naman kasi sayo mag maternity leave ka na" nakasimangot na sabi ko.

"At sinabi ko din sayo na pag seven months na lang ako mag ma-maternity leave"

"Pero kambal ang dinadala mo. Kaya I suggest mag maternity leave ka na ngayon"

"Gavin pag tatalunan na naman ba natin ito?" natahimik ako sa sinabi nito. Isa ito sa lagi naming pinag tatalunan. Ayaw niya kasing mag maternity leave eh ang laki na ng tiyan niya. Baka mapano pa sila ng mga bata.

"Fine" saglit akong napatingin dito.

"Last week ko na ito sa office then mag le-leave na ako sa trabaho. Okay na ba sayo yun Mr. Andrano?" napangiti ako sa sinabi nito.

"Okay na okay Mrs. Andrano"

"Tsk..." tumahimik na ito pagkatapos. Umidlip na siguro. Pinabayaan ko na lang at hindi na dumaldal pa. Ng makapasok na ang sasakyan ko sa village ay nagising ito bigla.

"Hey Gavin ihinto mo saglit" kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Basta! Ihinto mo na!" pag pupumilit nito. sinunod ko na lang ang utos nito dahil may pagka amazona ito pag di nasunod ang gusto.

Bumaba naman ito ng sasakyan kaya gad ko itong sinundan.

"Wait Mjeille where are you going?" habol ko dito. Di ako nito sinagot bagkus ay lumapit sa isang lalaki na may dala dalang basket.

"Manong pabili!" rinig kong sabi ni Mjeille sa mam babalot ng makalapit ako. Ngumiti naman sa kanya yung mam babalot.

"Ay ma'am ilan po?" napangiwi ako ng marinig ko yung boses nito. Boses pa lang alam ko ng bakla ito.

"Isa lang." sabi naman ni Mjeille.

"Make it two" pag singit ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin at kita ko kung panu manlaki ang mga mata nung mambabalot.

"Oh me ged! Sino tong Adonis na to ma'am?" nag niningning ang mga mata na tanong nong mambabalot sa asawa ko.

"Asawa ko?" patanong naman na sagot ni Mjeille.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon