Chapter Twenty Nine

47.2K 678 8
                                    

—-

-Mjeille-

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Ngayon mag ta-tatlong buwan na kaming kasal ni Gavin. So far, hindi na kami nag karoon ng maliit na pag aaway. Mas naging sweet ito sa akin at wala ng mintis ang paghatid nito sa akin.

Feeling ko kami ang una sa listahan ng priority niya. Kasi everytime na may checkup ako sa OB ko ay lagi nitong kina-cancel ang mga appointments niya para masamahan lang ako.

"Hey sweetbabe" malambing na tawag sa akin ni Gerone bago niya ako niyakap mula sa likod. Sa mag ta-tatlong buwan na pagsasama namin, marami na akong nakasanayan pag nangan si Gavin. Tulad na lang ng may bigla biglang yayakap sa likuran ko, hahalik sa pisngi ko, mag tatakip sa mga mata ko minsan, breakfast in bed, ang pag tawag sa akin nito ng sweetbabe at ang pagiging malambing nito.

I found out na sa kanilang tatlo, si Gavin ang pinaka malambing. Well pinaka loko loko na si Gerone at seryoso naman si Grin.

"Labas tayo" parang tinatamad na sabi nito. hindi ko ito magawang lingunin dahil as usual, naka baon na naman ang mukha nito sa leeg ko.

"Sunday naman eh. Come, mag libot libot tayo tapos tingin tingin na din tayo ng mga gamit nila baby"

"Mga gamit? Eh hindi pa naman natin alama ang gender eh"

"Tsk sigurado akong tatlong barako ang nasa loob ng tiyan mo misis" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"T-tatlo?!" feeling ko tinakasan ako ng kulay ng marinig iyon.

"Ahuh tatlo. Aware ka naman na may lahi kaming mga kambal right?"

"O-oo nga. Pero di ba pwedeng kambal lang? or kahit isa lang?" napalunok ako ng laway ko. Ito ang first time kong mag buntis, at tatlo agad ang ilalabas ko?! Parang gusto ko na atang himatayin!

"Tsk three months na tong tiyan mo pero mukha nang five months. I'm pretty sure, kambal yang anak natin" parang wala lang dito ang sinasabi nito eh buti sana kung siya ang manganganak!

"Oo nga pala. Checkup mo ngayon sa OB mo. Anong oras ang appointment mo sa kanya?"

"e-eleven o'clock" kumalas ito sa akin at tumingin ito sa relong pambisig nito.

"Hmm ten na. Mag prepare ka na para maaga tayong makapunta" nakangiting sabi nito.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ito. By exactly eleven o'clock ay nasa ospital na kami. Nakasalubong pa namin si Grin. Nag kamustahan saglit ang magkapatid bago kami tumuloy sa clinic.

"So Doc, are we having a twins or a triplets?" excited na tanong ni Gavin. Tsk confident talaga ang loko na kambal or triplets ang dala ko ah?! Pero sabagay ang laki nan g tiyan ko compared sa mga ibang buntis na nakakasabayan namin ni Gavin s checkup. Payat pa ako sa lagay na ito.

"Congratulations Mr and Mrs. Andrano. I can hear two heartbeats!" masayang balita sa amin ng doctor.

"Two heartbeats?! Does that mean were having a twin?!" masayang tanong ni Gavin sa Ob Gyne ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko.

K-kambal?! Agad agad?!

Napalunok ako ng laway ko,

Kaya ko kayang ilabas ang dalawang batang nasa sinapupunan ko pag nanganak na ako?!

-Gavin-

Mukhang na shock si Mjeille sa nalaman na mag kakaroon kami ng kambal. Sa akin hindi na kataka taka iyon. Nasa lahi na namin ang mga kambal... pero may mga pinsan din naman kaming mga hindi kambal. It's just that, mas madami ang mga kambal.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon