Chapter Thirty Nine

52.7K 721 6
                                    

—-

-Mjeille-

Nanghihinang iminulat ko ang mga mata ko. Oh god. Anong nangyari? Sinubukan kong gumalaw pero nakagapos pala ako. Kinabahan ako ng maalala ang mga nangyari kagabi. May mga kumidnap sa akin.

Hindi ko maiwasang mapahagulgol sa iyak. Natatakot ako... natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa mga anak ko na nasa sinapupunan ko. Gavin nasan ka ba kasi?

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun si Clarise. Tass noo itong pumasok sa kwarto na kinalalagyan ko.

"Oh gising ka na pala" mataray na sabi nito.

"Buti naman dahil gusto kong masaksihan mo kung paano ko makukuha ulit ang asawa mo mula sayo"

"B-bakit mo to ginagawa?" tanong ko pero sa halip na sagutin nito ang tanong ko ay tumawa ito ng malademonyong tawa.

"Oh god! Hindi ko alam na ganyan ka ka-slow! Kakasabi ko lang diba? Kukunin ko na sayo ang asawa mo." ngumisi ito pagkatapos nito iyong sabihin.

"And I need you para magtagumpay ang plano ko. Gagamitin kita para mapirmahan ni Gavin ang annulment paper niyo" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito.

"No" mahinang sabi ko pero narinig pa rin nito.

"Haha anong no? Mahal na mahal ka ni Gavin and I'm sure na gagawin niya ang lahat mailigtas ka lang. At wala na siyang magagawa kundi pirmahan ang mga ito dahil kung hindi sama sama tayong mamamatay sa pamamahay na ito"

"You fiend" tinignan ko ito ng masama. Lumapit naman ito sa akin.

"Haha wrong move" napasinghap ako ng bigla nitong sampalin ang pisngi ko.

"Wag na wag kang umakto ng ganyan.Baka nakakalimutan mo na hawak ko ang buhay mo?" tatawang tawang sabi nito.

"Oh see!" tinuro nito ang monitor na naroroon. Nakita ko si Gavin na nakatayo sa gate.

"Nandito na ang asawa mo para iligtas ka sa villain. Ang sweet naman. Oh siya i-enjoy mo lang ang panunuod mo riyan dahil ito na ang huling beses na makikita mo si Gavin. Dahil pagkatapos nito ay ilalayo ko na siya dito"  tumatawa ito habang paalis ng kwarto. Napatingin ulit ako sa monitor. Kita ko ang pagbaba ng hagdan ni Clarise at pinapasok nito sa loob si Gavin.

Gavin anong gagawin mo?

-Gavin-

Pinag buksan ako ng pinto ni Clarise. Nakangiti pa ito. Agad ko itong pinaningkitan ng mga mata ko.

"Where's my wife?" agad kong tanong dito pero tumawa lang ito.

"Easy Gavin... makikita mo din siya mamaya pag nag pa alam ka na sa kanya. Now come with me" tinitigan ko ito pero sumunod lang naman ako. Umakyat kami sa second floor ng bahay at binuksan ang pinto... akala ko nandun si Mjeille pero mukhang libray ang pinasukan namin,

"Look. There is your wife! Aww mukha naman siyang kawawa" naikuyom ko ang kamao ko na makita ko sa monitor si Mjeille at nakagapos ito doon.

"Pakawalan mo ang asawa ko! Can't you see na buntis siya?! Wala kang awa!" sigaw ko dito. Bigla naman itong sumeryoso

"Oo wala akon awa. Lalong lalo na sa babaeng umagaw sa lalaking mahal ko"

"Clarise napag usapan na naitin ito! Hindi mo na maibabalik ang kung anong meron sa atin dati! Mahal ko ang asawa ko at—"

"Isa pang beses na sasabihin mo yan sa harapan ko Gavin... nasisiguro ko na pasasabugin ko na ang baahay na ito" naitikom ko ang bibig ko.

"That's better. Now let's get down to business" nakangiting sabi nito.

The bachelor arrange marriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon