Kaibigan Lang

22 2 0
                                    

Dito na lang ba ang hangganan ng kwentong ito ?
Hanggang dito na lang ba talaga ?
Wala na bang magbabago ?
Hahayaan ko na lang
Na wala kang alam
Ako lang ang nakakaalam
Nakakaramdam
Tatanggapin ko nalang
Hanggang kaibigan lang
Kaibigan lang ako

Natatandaan mo pa ba nung una tayong magkakilala
Nakilala kita ng dahil sa isang problema
Problemang dulot niya
Naging magkaibigan tayo
At naging komportable sa isa't isa

Masaya kang kausap
Yung kahit walang matinong pinag uusapan
Ay tuloy pa rin ang usapan
Yung tipong kahit tinatamad na
Ay hindi pa rin matapos ang kwentuhan

Nasanay ako sa ganito
Nasanay ako sa lahat ng ating nasimulan
Noong una ay wala lang
Ngunit dahil nasanay ako
Ay nakaramdam ako ng kakaiba
Karamdamang di maipaliwanag
Nagustuhan na yata kita
Ay mali!
Nagustuhan na nga kita
Ngunit ayokong sabihin sayo
Dahil gusto ko ganito lang tayo
Kailan ko lang kasi ito naramdaman at di pa ako sigurado

Gustuhin ko mang ikaw ay maging akin ay ayaw ng tadhana natin
May iba kang gusto
Alam ko
Umamin ka at nasaktan ako
Nasaktan ako dahil hindi pweding maging tayo
Gusto kong sabihing gusto kita
Akin ka nalang
Gusto kong sabihing wag kang manligaw sa kanya
Sasaktan ka lang niyan
Ngunit wala akong karapatan
Dahil hanggang kaibigan lang ako

Hahayaan ko nalang na ganito tayo
Mas mabuti na ang ganito tayo
Yung wala kang alam
Habang ako ay umaasang mapapansin mo

Bes,
Sana'y wag ka niyang sasaktan
Mahalin ka sana niya ng walang kulang
Alagaan ka sana niya at wag iwan
Susuportahan nalang kita
Dahil ...

Kaibigan ako na laging nasa tabi mo
Kaibigan ako na pagsasabihan mo ng problema mo
Kaibigan ako na masasandalan mo
Kaibigan ako na makikinig sa mga kwento at drama mo
Kaibigan ako na lihim na may pagtingin sayo

Hindi ka man maging akin
Maging masaya ka lang
Kuntento na ako
Hayaan mo
Mawawala din 'to
Sisikapin kong mawala itong pagtingin ko sayo
Dahil alam ko
Tanggap ko
Kaibigan lang ang lugar ko diyan sa puso mo
Kaibigan lang ang tingin mo sa tulad ko
Kaibigan mo lang ako ...

-Nems Ecaldre

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now