Bakit Mahal Pa Rin Kita ?

17 0 0
                                    

Mahal ?
Bakit ganun ?
Iniwan mo na ako't sinaktan
Ay minamahal pa rin kita
Hanggang ngayon

Naisin ko mang ala-ala natin ay kalimutan
Ngunit ang puso ko'y pinipilit balikan ang ating nakaraan
Naisin ko mang iwaglit ka sa aking isipan
Ngunit sa tuwing naiisip ko ang ating napagdaanan
Ay mas lalo kong ninanais na tayo'y magkabalikan
Naisin ko mang ibalik ang dati
Ibalik ang mga panahong ikaw at ako
Ibalik ang tayo
Ngunit hindi maaari
Dahil may iba nang nagmamay-ari sa puso mo

Ayaw pa ring tanggapin ng puso ko
Na wala nang tayo
Na tinapos mo na ang ating kwento
Na kumawala ka na sa yakap ko
Na tinalikuran mo na ako

Nasaktan mo ako
Ngunit bakit ganito ?
Ikaw pa rin ang iniisip ko
Ikaw pa rin ang ina-alala ko
Ikaw pa rin ang minamahal ko
At ikaw pa rin ang hinahanap kong puso ko

Bakit ba ganito ang epekto mo ?
Bakit ayaw kang kalimutan ng isip ko ?
Bakit ayaw kang talikuran ng puso ko ?
Bakit minamahal pa rin kita ?
Kahit nasaktan mo na ako ?

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now