Mahal ?
Ano na ?
Masaya ka pa ba ?
Sabihin mo lang kung hindi na
Dahil handa na akong palayain kaPapalayain kita
Hindi dahil sa ayoko na
At gusto ko nang maging malaya
Kundi dahil alam kong doon ka sasayaMahal,
Tapatin mo nga ako
Totoo pa ba ang lahat ng ito ?
Totoo pa ba ang pagmamahal mo ?
Dahil kung hindi na
Sumuko na tayo
Wag na tayong magkunwari pa
Dahil pagod na akong sabihing
"Masaya ako" at
"Hindi ako nasasaktan"Kahit pansin kong may nagbago na
Kahit pansin kong nanlamig ka na
Kahit pansin kong nais mo nang kumawala
Sa kadenang nagdudugtong sa ating dalawaAyoko na nang ganito
Tama na ang pagsisinungaling mo
Ayoko nang ipangalandakang mahal mo ako
Ayoko nang isiksik ang sarili ko
Dahil pagod na akong marinig mula sa bibig mo ang mga katagang "Mahal kita"
Kahit hindi na talaga
Pagod na akong lumaban para lang maisalba ang ilang taon nating pagsasama
Gusto ko nang magpahingaMahal,
Sana'y maging patas ka
Kung may iba na
Kung may nahanap ka na
Kung doon ka na masaya
Kung wala na talagang pag-asa
Sabihin mo na
Hindi yung pinagmumukha mo akong tangaHanda na akong marinig ang mga salitang
"Tama na"
"Ayoko na"
"Tapos na"
"Paalam na"
Basta't sabihin mo lang
At wala kang maririnig na panunumbat
Kusang lalakad ang aking paa
palayo sayo
Hindi mo ako makikitang umiiyak
Dahil ubos na ang luha ko para sayo
Hindi mo na makikitang lilingon pa ako
Dahil sa mga oras na sabihin mong ayaw mo na
Tanggap ko na sa sarili ko
Na nagwakas na ang kwentong sabay nating binuo
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is a compilation of my written works of Spoken Word Poetry :)