Paano Na ?

10 0 0
                                    

Paano ako uusad
Kung ginawa kitang mundo ?
Paano ako magpapatuloy
Kung iniwan mo na ako ?
Paano ako hahakbang
Kung wala ka na sa tabi ko ?
Paano na ako ?

Akala ko habang buhay yung pangakong binitawan mo
Yung mga salitang akala ko'y tutuparin mo
Akala ko wala nang wakas ang pag-iibigan nating ito
Ngunit mali ako
Nagkamali ako
Nagwakas ng hindi inaasahan
Nawala ng biglaan
Naglaho ng walang nakakaalam
Umasa sa akalang lagi aking binibigo
Sa tuwing aasa'y laging sakit ang dulot nito

Gumuho ang mundo ko
Nang iwan mo ako sa ilalim ng buwan at mga bituing saksi sa pagkawala mo
Yung buwan at bituing naging saksi rin ng simula ng ikaw at ako
Nawasak ang puso ko nang bitawan mo ang mga salitang "ayoko na, itigil na natin 'to"
Ayaw tanggapin ng puso't isip ko
Kasi nakagapos ako sa paniniwalang
Hindi na matatapos ang pagmamahalan nating ito
Ngunit namulat ako  ng makita kang naglalakad palayo
Ano baang dapat na gawin ko ?
Nalilito ako
Tatakbo ba ako
Upang habulin ka't makiusap na manatili sa buhay ko
O tatakbo ba ako palayo sayo
Upang kalimutan ang mga pangako at pagmamahal mo

Ngunit paano ako hahakbang kung ayaw tanggapin ng puso't isip ko
Na wala ka ba
Na wala na tayo
Na ayaw mo na
Na sumuko ka na
Iniwan mo na ako
At pinili mo nang maging masaya na hindi ako kasama

Wala na ba talaga ?
Kakalimutan ko na ba ang mga ala-ala nating dalawa ?
Kakalimuta ko na ba ang saya na dulot ng pag-ibig mo sinta ?
Kakayanin ko bang wala ka ?
Sa ngayon kasi nahihirapan ang puso kong hinahanap ka

Nasaan ka na ba ?
Babalik ka pa ba ?
Aasa pa ba ?
O uusad na ?
Mahal, sabihin mo kung ano ang dapat gawin ng pusong nangungulila
Dahil ang isinisigaw nito ay MAHAL PA RIN KITA
At gusto kong bumalik ka pa

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now