Mahal Sinaliksik

13 0 0
                                    

Mahal,
Ikaw ang nagsilbing sagot sa panalangin ko
Ikaw ang biyayang biglaang dumating sa buhay ko
Ikaw ang nagpabago sa mundong nakasanayan ko
Mahal,
Ikaw ang konklusyon sa tesis ko
Handa akong ilaan ang lahat ng meron ako para lang makuha kita
Kailangan kitang ipaglaban kahit tutulan pa nila
Dahil ikaw ang nagsilbing lakas ko
Sa mga panahong wala na akong makapitan pa
Sa mga panahong ang hira hirap na
Ngunit anung nangyari?
Mahal, ba't mo ako iniwan sa ere?
Ba't ka biglaang nawala sa tabi ko?
Alam mo namang hindi ko kaya ng wala ka sa piling ko
Ngunut bakit pinili mo pa ring talikuran ako?

Mahal,
Napakahalaga mo
Dahil ikaw ay parang wika
Na kung wala ako nito
Ay hindi kita makakasalamuha
Hindi mo ako makukuha

Alam kong kaya mong pag-aralan na mahalin ako
Gaya ng kapareha mo sa pananaliksik
Na kahit mainit na ang ulo mo'y pinipilit mo paring intindihin
Dahil kailagan mo
Para matapos ang pananaliksik na ito
Kailangan mo
Upang maipasa mo ang asignaturang ito
Kunhg hindi mo na kaya pang saliksikin ang mga dahilan
Kung bakit mamahalin mo pa ako
Sasabayan kita
Sabay nating tuklasin ang mga bagay
Na ikaw't ako lang ang makakaalam
Mahal, pwedi ba ?

Ngunit ang tanga tanga ko na siguro ng sobra
Dahil hindi ko matanggap na masaya ka na
Masaya ka na sa piling niya
Ako nalang pala ang nakahawak sa tayo
Binitawan mo na pala ang ako
At ipinalit ang siya sa buhay mo

Mahal pasensiya na kung ang kulit kulit ko
Ipinipilit ko ang mali
Inuulit ko ng inuulit ang mali
Ngunit hindi ko maitama ang lahat ng mali
Kahit ilang beses ko ng rebisahin ang tesis na ito
Ay hindi pa rin tinatanggap
Dahil paulit ulit ang mali
Kailang ko ba mahahanap ang tama?
Sana'y sinabayan mo ako sa pananaliksik sa tama
Dahil ang hurap mag-isa
Lalo na kapag sobrang antok mo na
Ngunit kailangan mo itong ipasa bukas ng umaga

Sige mahal,
Susukuan na kita
Hindi ko na isisiksik pa ang sarili ko
Ngunit pasensya na hindi ko aalisin ang halaga mo sa buhay ko
Nang dahil sayo ay nalaman ko ang mga pagkakamali ko
Nang dahil sayo natuto ako
Kaya mahal salamat sa lahat
Kagaya ng pagtapos ko sa tesis ko
Lalagyan ko na rin ng tuldok ang ating kwento

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now