Paalam na
Mga salitang hindi ko masabi sayo
Pero buo na sa sarili ko na tapos na tayoTapos na tayo kase bibitaw na ako
Bibitaw na ako sa mga pangako ko sayo
Tapos na tayo kase susuko na ako
Susuko na ako sa paglaban para sa pagmamahalan nating ito
Tapos na tayo kase aalis na ako sa buhay mo
Aalis ako dahil gusto ko nang maging malaya
Malaya sa sakit na dinudulot mo sa puso ko
Tapos na tayo kase masyado na akong nasasaktan ng dahil sayo
Nasasaktan ako
Napapansin mo ba ?
Sobra na akong nasasaktan ng dahil sayo
Tapos na tayo kase sawa na akong baliwalain mo
Tapos na tayo kase ayoko nang magpatuloy pa ang ating kwento
Ang ating kwentong hindi ko alam kung kasama pa kita sa pagdugtong sa bawat pahina ng ating libro
Tapos na tayo kase pinipili ko nang maging masaya
Maging masaya hindi sa piling ng iba kundi maging masaya dahil malaya naPagod na akong magmahal sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko
Pagod na akong intindihin ang taong kailanman ay hindi nakita ang halaga ko
Pagod na akong lumaban para sa taong matagal na akong sinukuan
Pagod na akong kumapit sa pagmamahalan nating matagal mo nang binitawan
Pagod na akong maghintay na balang araw magbabago ang lahatNa balang araw mamahalin mo ako ng tapat
Na balang araw papahalagahan mo ang tulad ko
Na balang araw sasabihin mo na hindi ako sumuko dahil handa kang ipaglaban akoNakakasawa
Nakakapagod
Ayoko na nang ganitoAyoko nang masaktan ng dahil sayo
Ayoko nang umiyak ng dahil sayo
Ayoko nang kumbinsihin ang sarili ko na huwag munang sumuko
Ayoko nang maghintay pa na makita mo ang halaga ko
Ayoko nang magdrama
Ayoko nang magpakatanga
Ayoko nang mahalin pa ang tulad mo
Kaya heto ako nagsasabing tapos na tayo-Nems Ecaldre
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PuisiThis is a compilation of my written works of Spoken Word Poetry :)