Patuloy Kang Minamahal Kahit Masakit Na

25 1 0
                                    

Akala ko habang buhay tayo
Akala ko hanggang dulo
Akala ko walang hanggan
Akala ko walang dulo
Ngunit bakit ka nagbago?
Bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang nakakapit?
Bakit ka sumuko na parang ikaw lang ang lumalaban?
Bakit mo ako iniwan na parang wala lang?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako iniwan ng walang dahilan?

Naalala mo?
Nung unang taong pinatitibay natin ang relasyong 'to
Masaya na malungkot na masakit na masarap na ewan ko
Hindi ko maipiliwanag
Mahirap ipaliwanag
Ang tanging alam ko ay mahal mo ako
Ang tanging ramdam ko ay mahal mo ako
Pinaniwala ko ang sarili ko sa mga salitang "mahal mo ako"
Dahil dumating sa punto na hindi ko na alam at hindi ko na ramdam na mahalaga pa ako
Na mahal mo pa ako

Naalala ko
Nakipaghiwalay ka sa'kin
Dahil sabi mo naiirita ka na sa laging pagseselos ko
Hindi mo ba ramdam na dahil yun sa hindi ko na maramdaman ang pagpapahalaga mo
Na hindi ko na ramdam na mahal mo pa ako
Dahil sa totoo lang sa mga panahong yun
Ramdam ko na gusto ko nang sumuko
Handa na akong bumitaw
Ngunit nangibabaw ang pagmamahal ko sayo
Pagmamahal ko sayo na higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko

Hindi ako pumayag sa kagustuhan mong maghiwalay tao
Oo, martir ako
Oo, tanga ako
Ngunit ito ang kagustuhan ng puso ko
Ang hindi ka bitawan kahit ang hirap na
Ang hindi sumuko kahit wala nang laban
Ang hindi ka iwan kahit nais mo na akong lumisan
Ang patuloy kang mahalin kahit nasasaktan

Lumipas ang araw at napagpasiyahan kong ibigay sayo ang kalayaan mo
Kahit na dinudurog ng desisyon kong ito ang puso ko
Masakit
Sobrang sakit
Na hindi ko na alam kung paano ilalabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko
Hindi ako umiiyak
Hindi ko alam kung bakit
Kung bakit hindi ako naiiyak
Kung bakit gustomg tumira lang ng sakit na aking nararamdaman sa loob ng puso ko
Kung bakit ayaw kumawala ng sakit na ito sa puso ko
Hindi ko alam kung bakit

Lumipas ang dalawang buwan
Na pinipilit ko pa ring kalimutan ka
Hirap akong kalimutan ka
Dahil minahal kita ng higit pa sa sobra
At ito ka muling nagbabalik
Muling iniaalay ang pagmamahal no
Hindi ko alam kung bakit tinanggap ko ulit ito
Na kahit alam kong maaaring saktan mo lang ulit ako
Na kahit alam kong maaaring lumuha ulit ako nang dahil sayo
Tinanggap ulit kita
Dahil mahal kita
Kahit nasaktan mo na ako
At kahit patuloy mo parin akong nasasaktan

Napapansin mo bang nasasaktan na ako?
Napapansin mo bang napapagod na ako?
Napapansin mo bang gusto ko nang bumitaw?
Napapansin mo bang gusto ko nang sumuko?
Napapansin mo ba ang sobrang pagpapahalaga ko sayo?
Napapansin mo ba na higit pa sa sobra ang pagmamahal ko sayo?
Na kahit masakit na ay pinipili ko pa ring manatili
Dahil mahal kita
At patuloy kitang mamahalin kahit masakit na

-Nems Ecaldre

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now