Bigla mo nalang kinalimutan ang lahat
Tinalikuran
Pinagwalang bahala
Sinarado mo ang pinto
Patungo sa buhay mo
Kinandado mo ito
Siniguradong landas nati'y di na muling magtatagpoNaguguluhan ang isip ko
Maraming tanong ang gustong kumawala sa bibig ko
Hindi ko alam kung bakit mo ginawa ang lahat ng ito
Wala naman akong kasalanan sayo
Tatanggapin ko naman
Na ayaw mo na
Na sumuko ka na
Na may mahal ka nang iba
Hindi naman ako magpupumilit pa
Kung wala na talagang pag-asaAlam kong hindi ka na masaya
Pero pinili ko pa ring magpakatanga
Dahil mahal kita
At ayokong mawala ka
Nagbakasakali akong
Pipiliin mong manatili
Pipiliin mong ipagpatuloy ang ating kwento
Kakalimutan ang lahat ng bumabagabag sayo
Akala ko pagsubok lamang ito
Akala ko kaya nating lagpasan ang problemang ito
Oo, akala ko
Akala ko magkasama tayo hanggang duloNgunit tumakbo ka palayo
Kinalimutan mo kung saan tayo nagsimula
Kinalimutan mo ang mga pangarap na binuo nating magkasama
Kinalimutan mo ang lahat ng ating ala-ala
Iniwan mo akong nag-iisa
Tulala
Walang nagawaMahal,
Pakakawalan naman talaga kita
Pero sa ngayon hindi ko pa kaya
Ngunit nagpumiglas ka
Kumawala ka sa aking yakap
Sinikap mong mabura ako sa buhay mo
Ginawa mo ang lahat mawala lamang ako sayo
Pinili mong maging masaya
Habang ako'y umaasang babalik ka pa-Nems Ecaldre
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is a compilation of my written works of Spoken Word Poetry :)