Simula at Huli

43 7 0
                                    


Tatlong tuldok

Short Story

10162017

May mga bagay sa mundo na di pwede, katulad ng asin sa kape. O kaya flash drive na may virus sa laptop mong may thesis.

So ano nga bang gusto ko palabasin? Wala naman actually.

Simulan na natin, para matapos narin – alam mo yun, katulad natin.

Ikaw si Ren Ramirez, isang senior sa paaralan kung saan ako pumapasok. So kuya pala kita no?

Ikaw yung lalaking saktong tangkad, saktong katawan, saktong utak, saktong sakto – ganun lang kasi yung mga tipo ko.

Ayyhie, bawal ma-overwhelmed. Masasaktan kalang sa huli.

Pero alam mo kung ano yung cool? Ang tahimik mo.

So anong cool sa pagiging tahimik? Wala naman, ang amazing lang na kahit gano kapa katahimik naririnig parin kita.

Tapos nagkakatagpo yung mga mata na tila parang mag-kausap. Tapos kukurba na yung labi patungo sa isang ngiti.

So ang cute ng college life ko hano? Im crushing over you kuya.

Pero di tayo pwede. Diko na sasabihin kung bakit. Pero alam mo, at alam ko naman kung bakit.

Hayaan mona kuya, kuntento namana tayo sa paguusap sa mata, at pagbibigay ngiti sa isat isa diba?

Dipa man nagsisimula natapos na.

Pero para sayo talaga tong istorya na ito. Noong isang araw kasi nanaginip ako.

Ikaw at ako, for the first time dun sa panaganip ko merong tayo.

Pero bago ko simulan bigyan natin ng intro. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na meron na akong lalaking gusto. Tapos ganun kanarin hano? Meron naring ibang babae na nakakapagpasaya sayo.

. . .

Tatlong tuldok para sa mga bagay na diko nasabi – simulan na natin to.

Sa panaginip kung saan kakagising ko, bumangon ako para tignan ang mukha ko sa salamin.

So san galing ang mga mantika na to? May factory ba ng oil sa mukha ko habang tulog ako? Kaya naman bumangon na ako para maligo.

Gumayak na ako at bumaba sa kwarto ko, kumain ng bahagya tapos nagpaalam na ko na aalis na ko.

Pag alis ko ng bahay wala akong masakyan, kahit si Benz wala pa, ah si Benz, sya yung lalaking gusto ko. Pero di naman yan yung storya so balik tayo.

Naglakad lakad ako hanggang sa malaman ko na walang pasok pala, sa sobrang inis ko na gumayak gayak pa ako, naginarte ako sa daan hanggang sa may bumusina.

"ANO BA—uy." Sa paglingon ko tyaka ko napagtanto na ikaw pala yan kuya.

"Papasok kanaba?" Tanong mo sakin habang nakangiti.

Di ako nakasagot, tumango lang ako.

"Sabay kana—oh may susundo ba sayo?"

Ah. Oo nga naman pala. Alam mong may iba na ako, at alam ko rin na may iba kana.

"Wala naman." Matipid kong sagot.

"Ganun ba? Sabay na kita." Sabay ngiti mo uli.

"Ano, wag na, nakakahiya."

Nagbugtong hininga ka, at binuksan ang pinto ng kotse sa loob; "Sakay na." sabay ngiti mo nanaman.

Wala nako nagawa at sumakay nalang.

Tatlong TuldokWhere stories live. Discover now