Chapter 3

10.2K 161 6
                                    

Chapter 3

"Gusto kong magpahangin muna, Josef." Sabi ko kay Josef. Iniliko niya ang sasakyan at nag-iba ng rota. Siya ang ipinagmaneho ko sa aking sasakyan. I need some fresh air tonight. 35 minutes passed 11 PM na at hindi na magulo ang highway.

Lumiko na naman kami sa isang 24-hour na food chain.

"Drive-thru lang tayo. We'll buy drinks." Aniya at tumango ako.

Hindi ko nakita ang reaksyon niya kanina dahil hindi na ako tumingin sa gawi nila pero ramdam ko doon ang matutulis nilang titig sa akin. Kumain lang ako ng ice cream at nakikinig lang ako sa kwento ni Josef tungkol sa kanyang experience sa negosyo. Nang medyo hindi na ako makahinga dahil sa kaalamang nasa malapitan lang si Mike ay ako na ang kusang tumayo at lumabas ng restaurant. Wala din akong narinig na tanong mula kay Josef kung bakit ako nag walk-out. Siguro kasi nakita na din niya sa Mike kanina nung napansin kong bahagya siyang lumingon at tumahimik.

Hindi naman talaga sila magkakilala at hindi alam ni Mike na pinsan ko si Josef kaya may hula na ako kung ano man ang iisipin niya ngayon.

Napalingon ako sa kanya at bigla kaming huminto sa harapan ng unibersidad na tinuturuan ko. Bumaba siya at sumunod ako.

Napayakap ako sa aking sarili sa malamig na ihip ng hangin. Madilim ang unibersidad nang tingnan ko ito at tanging ang malaking school seal lang ang may ilaw sa ibabaw at ang malaking bill board sa gilid nito.

Binigyan niya ako ng coke float na agad kong tinanggap.

"Kung hindi ka na makahinga Jullian, dumistansya ka na." aniya na may ibang kahulugan. Napatitig na lang ako sa hawak kong coke float.

"Hindi din naman kasi tama na manatili ka sa isang relasyong hindi ka na masaya." Dagdag pa niya.

Believe me, I have tried. Pero kung aalis ako, malalaman nila Mommy at Daddy. Ayoko nang gulo. I always wanted my life to be at peace and quiet.

Kahit din naman ganito na kami ka komplikado ay hindi pa din mawawala sa akin ang protektahan siya. He was the only guy I've been with at mahirap walain ang nakasanayan. Isa pa, hindi din tama na umalis na lang ako dahil panigurado, isa lang ang ibig sabihin nun, talo ako. I don't want him to win at kung ayaw na niya akong makita ay mas lalo kong gugustuhin na manatili sa tabi niya. I want him mad and destructed. I want him to suffer and make him feel my pain. I want to ruin him by staying by his side. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya at gusto kong maghigante. Maghigante sa pamamaraang gagalaw ako ng tahimik, mananatili sa tabi niya at deadmahin lang siya. Alam kong malakas ang impact nun sa kalaban. I have watched so many movies na mas lalong nagagalit ang kalaban kapag dinideadma lang ito ng bida. And I thought it would be applicable in my life. Ako ang bida, siya ang kalaban. That's how it goes.

"I've tried." Sabi ko habang nakatingin na sa tahimik na highway.

"Julls, ayokong pangunahan ka pero I am really worried. Alam ko namang mahal na mahal mo pa siya kasi hindi naman iyon basta nawawala. Pero hanggang saan ito? Itong deadmahan niyo?" Napatahimik ako at napaisip. No. no!

"Hindi ko alam."

"Alam kong alam mo, Jullian. Pero hanggang saan nga? Lintek na pride kasi iyan e. Naghihintayan lang ata kayong dalawa kung sino ang unang susuko. Pero paano kapag wala talaga siyang plano ng sumuko at hinihintay lang din niya na sumuko ka. Paano kapag naghintayan lang pala kayo?"

"Hindi ko alam."

"It's because you still love him."

"Hindi ko na siya mahal." Matigas kong sabi.

"I am trying to believe you."

"I'm fine."

"Then get an annulment!" Napatingin ako sa kanya. "Kung nakamoved-on ka na at tanggap mo na ang kinahihinat-an ng kasal niyo, get an annulment! Why prolong the agony? You see, don't make problems if there are really none."

"You don't know what you are talking!"

"Really? O baka naman totoo ang sinasabi ko at umaasa ka pa din na maaayos kayong dalawa kaya ayaw mong umalis?" natigilan ako sa sinabi niya at napapikit.

"Iuwi mo na ako, Josef." Kasi hindi ko na kaya ito.

"Okay. I tell you, Jullian. Its never too late for a new start. Sige, magdeadmahan kayo. Buhay niyo naman iyan pero hindi na healthy."

Umiling na lang ako sa sinabi niya. Easier said than done. Annulment? Annulment nga ba ang solusyon nito? Malalaman nila Mama! Hindi ko kaya. I love them so much and I don't want to disappoint them. Iyan ang dahilan kaya hindi ko naisip ang annulment.

**

Nakatitig siya sa akin nang makapasok ako sa condo niya. Kita ko ang galit sa mata niya at nakita ko ding nakakuyom ang mga palad niya.

"Saan ka galing?" aniya.

"Bakit?" sinara ko ang pintuan at tumayo ng maayos sa harapan  niya.

"Anong bakit? Saan ka dinala ng lalaki mo?" Nanatili ang matamlay kong tingin sa tanong niya. So, lalaki ko na pala ngayon si Josef?

"Can you tell me why should I tell you where I went and what we've done, Mike? Because I am kind of lost in this situation. Kasi hindi ba sabi mo walang pakialaman?" I said in low tone. Nanatili ang masama niyang tingin sa akin.

Nang hindi siya kumibo, bumuntong hininga na lang ako sa harapan niya at iniwan siya sa sala.

Diretso akong pumasok sa silid ko at siniguradong lock ang pinto ko.

Akala ko ba walang pakialaman? Tapos ngayon, magtatanong siya kung saan ako galing? Napailing na lang ako.

Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Napakunot noo ako habang nakatingin dito.

"Jullian!" it's Mike! Ano ba ang kailangan niya? We are done talking for heaven sake! Itinikom ko na lang ang bibig ko. Ilang katok pa ang ginawa niya bago tumahimik. Bahagya akong lumapit sa pinto at niramdam kung may tao pa ba sa labas.

Nang maramdaman kong wala na ay saka ako nakahinga ng maluwag. Anong nangyari doon? Napailing na lang ako at ipinatay ko na lang ang ilaw. 

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon