Chapter 4

9.8K 166 7
                                    

Chapter 4


"Would it be too much to ask kapag hihingin ko sa iyong dapat ako lang?" seryoso niyang sabi sa akin. Nasa sofa kami sa sala nila. Sabado na ng hapon at pareho pa kaming may hangover sa graduation namin kahapon. Nasa labas ang mga magulang namin at nag-uusap. Napalingon ako kay Mike dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung saan niya hinugot ang tanong na iyan. Napangiti na lang ako sa seryosong mukha niya.

"Walang iba." Sabi ko sabay haplos sa mukha niyang perpekto. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Good. Dapat lang Julli ha? Mahal na mahal kita at ikaw lang talaga sa buhay ko at walang iba." Nangilid ang luha ko sa aking mata sa bawat salitang binibitiwan niya ngayon na ramdam kong napakasinsiro. Hindi ko alam pero ang sarap sa pandinig. Iba kasi ang nagagawa ng assurance. Pwede kang mag assume na iyon talaga kasi binigyan ka ng salita para maniwala.

"Someday, we will grow and going to build our own family. I want us happy like how you make me a happy man. Noong ipinakilala kita kina Mama at Papa at ipinakilala mo ako sa iyong Mommy at Daddy, you're already my responsibility. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan at hindi ko makakayang magmahal ng iba. I will make you happy with all I can."  Hindi ko na talaga napigilan at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"Kahit ano pa ang gawin mo, masama man o tama, mamahalin pa din kita." dagdag pa niya. Isiniksik ko na lang ang sarili sa kanyang gilid at ramdam kong pumalibot naman ang braso siya sa akin. Masyadong malalim ang mga salita niya at wala akong kahit na anong salitang maibalik sa kanya.


Napaupo ako agad sa aking napanaginipan. Kinapa ko ang aking mukha at basa ito. Damn! Umiiyak na naman ako sa panaginip. Bakit ba ang hirap kalimutan ng nakaraan? Napahawak na lang ako sa aking noo at pilit iwinala ang mga alaala ng nakaraan. Ramdam ko ang mga ugat sa aking ulo na parang nagbabanggaan at umaapoy sa loob.

What is really with memories why we fought so hard to forget them? Okay na ako. I have never been better. Okay na ako. Bakit ba may ganito pa ding nangyayari sa akin? Kainis! I hate it. May rehab ba sa mga memories dito? Gusto kong magmura, magwala at magwala nang magwala. Damn it, Mike! Ang sarap mong bugbugin. Tumayo ako at nakita kong ala- una pa lang ng madaling araw.

Pinunasan ko ang aking mukha saka ko bunuksan ang pinto. Dumiretso agad akong kusina at kumuha ng malamig na tubig. Maybe, this will help.

I sighed. Pagkatapos kong uminom, bumalik ulit ako sa aking dinaanan. Napatingin ako sa kwarto niyang bukas ang pintuan at bukas ang ilaw.

He is still awake? Dahil sa kuryusidad, bahagya akong pumunta sa dati naming kwarto na ngayon ay kwarto na lang niya at sumilip.

Napakunot-noo ako agad nang masilayan ang nagkakalat na papel sa kanyang sahig at mga damit. Nakita kong nakahiga siya sa kanyang kama na walang soot na pang-itaas. I took another step. Ilang buwan ko nang hindi na kita ang loob ng kwarto naming ito a.

Nanlaki ang mata kong makita ang wedding picture namin sa dati niyang lugar. Wow. Iyon na lang nasabi ko at napalunok ako. Akala ko binasag na niya iyan a.

Binawi ko ang aking paningin at nagsimulang lumakad pabalik sa aking kwarto.

Siniguro kong lock at pinto at umupo ako sa kama.

Really? Nakakapagtakang andoon pa din iyon.

Maybe I could tell him na itago na lang niya iyon para hindi na niya makita. Yeah maybe I could.

*

Nagising ako kalaunan at nagluto ako ng aking agahan. Nakita ko siyang umupo sa kitchen counter at nagsalin ng kape na inihanda ko sa coffee brewer. Kumain ako ng tahimik at hindi siya pinansin. Hindi ko din siya ipaghanda ng kanyang makakain dahil alam kong may kamay naman siya at kaya niyang magluto para sa sarili niya. Nang matapos akong kumain, natapos din siya sa pag-inom ng kanyang kape. Una akong umalis sa kusina at bumalik sa aking silid.  Ganito ang nangyayari sa amin araw-araw. Deadma lang kami sa isa't isa. Imagine, umabot kami ng anim na buwan na ganito? Kaya siguro nasabi ni Josef kagabi na 'why prolong the agony?' Bahala na.

Dahil day-off ko sa kompanya niya, on-duty naman ako sa unibersidad na aking tinuturuan at alam niya iyon. Mabuti na lang at hindi niya pinapakialam ang buhay-guro kong ito.

Tumunog ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan nang makarating ako sa kwarto at agad ko itong kinuha. May nakita akong text at agad ko itong binuksan.

Claire:

Outing tayo. Sa anniversary namin. I'll text you kapag fix na and schedule. Please ready your vacation leave.

Napangiti na lang ako sa mensahe ng asawa ng pinsan ni Mike na si Jake. Outing? Kung makapagsabi naman siya akala mo teenagers na walang ibang iniisip kundi kasiyahan lamang. Napailing ako. Hindi ako mahilig sa mga gatherings ng kaibigan niya pero lagi nila akong pinipilit. Nahihiya ako sa sira naming pagsasama ni Mike.

Lahat sila, alam nilang hindi na kami katulad ni Mike noong dati. Tuwing nagkakasama kami sa mga birthdays at gatherings, alam kong napapansin din nilang hindi kami nagpapansinan ni Mike noon.

Naalala ko tuloy ang araw na nakipagkita ako sa kanila at kinausap ko silang lahat sa bahay nila Claire. Nagmakaawa ako sa kanila na wag na lang kaming pansinin ni Mike. Noong una, nagtaka sila medyo nagalit din pero sa huli, napatahimik din sila. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari at sinabihan ko din sila na hindi ko alam kung bakit bigla na lang kaming naging ganito. So I ask for their cooperation and they obliged. Kasi naisip ko noon, problema namin ito at dapat hindi na sila dadagdag pa. Mabuti na lang at naintindihan nila ang pakikiusap ko noon, at ngayon nanatili pa din silang hands-off sa aming dalawa.

Naligo ako at nagbihis. Napangiti akong suotin ang uniporme ko bilang professor. Kinuha ko ang silver high heeled sandal ko. Nasiyahan akong tingnan ang sarili ko sa full length mirror. No one in the school will ever think na sira ang marriage life ko.

I thank mom and dad for giving me a pretty face na kahit papaano ay hindi nahahalata ng mga tao na may tinatago akong hindi magandang experience. Nag light make up din ako na para presentable. I missed my students and how they look kapag naguluhan sa lessons.

Kinuha ko ang aking bag at ipinasok ko ang inihanda kong exam sa kanila mamaya. Just a short assessment to know na may natutunan sila sa lesson namin noong nakaraan. 

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon