Chapter 8
"Sino 'yong kasama mo kanina?" bungad sa akin ni Mike nang makapasok ako. Natigilan ako sa tanong niya. Lumapit siya sa akin at naamoy ko kaagad ang sigarilyo sa kanyang hininga.
Napatingin ako sa kanyang mukha. Hindi ko maintindihan ang galit sa kanyang mukha at ang pagkunot ng kanyang noo. Napakunot noo din ako habang iniisip ang nagawa ko ngayong araw. Nang matapos akong mag-isip at walang naalala, ay bumuntong hininga ako sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya kaya hinayaan ko na lang siya. Patay malisya akong dumaan sa gilid niya at bigla na lang niyang hinablot ang braso ko at hinawakan ito ng mahigpit.
Naningkit ang mata ko ginawa niya at napatingin ako sa kanyang mata. Kita ko pa din ang galit dito na hindi ko alam kung bakit.
"Hindi ka ba marunong mahiya? Ang daming nakakita sa iyong nakipaglandian sa labas. Asawa kita! Ano na lang ang iisipin ng mga tao?!" napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya.
Wow!
Wait... what?
Siya pa talaga ang may ganang magsabi sa akin ng ganyan?
Bakit di niya isampal sa sarili niya ang mga salitang iyan ha?
Ako? Nakipaglandian? Saan?
Ngayon lang pumasok sa isipan ko si Josef. Magkasama nga kami at... palihim akong napangiti. Gusto ko sanang tanungin kung sino ang nagsabi sa kanya kaya lang wala nga pala kaming pakialaman.
Oo, aaminin ko, pumasok sa isip ko ang magloko katulad ni Mike pero that's it, hanggang plano lang ako dahil hindi ko kaya. At isa pa, hindi ko hahayaang bumaba pa sa mababaw dahil lamang sa pinanggagawa niya sa akin pero kahit kailan hindi siya naging asawa sa akin kaya wala siyang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan!
Bigla niyang hinawakan ang makabilang balikat ko at nanlaki ang mata ko. Napapigil hininga ako nang bigla na lang niya akong hinalikan ng marahas. Natauhan ako agad sa sakit ng naging halik niya sa akin na para na niyang masisira ang labi ko.
Naitulak ko siya agad at napaatras ako . Ngumilid ang mga luha sa aking mata sa kanyang ginawa.
Walang hiya! Gusto ko siyang saktan! Wala siyang karapatan na ganituhin ako.
"Sino 'yong kasama mo sa mall ha? Yun ba iyong gago?" nag-iba ang tono ng boses niya na parang hindi man lang siya natinag sa ginawa niya sa akin.
"What are you talking about?" sigaw ko pabalik sa kanya habang pinipigilang sabunutan siya.
"Asawa mo ako at alam iyon ng mga tao." Hindi ko na napigilang sampalin siya sa naging sagot niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita. "Ang kapal! Oo, alam iyon ng mga tao at hanggang doon lang ang alam nila! Stop acting like as if you care. Ano bang nangyari saiyo? Bakit bigla ka na lang naging ganito? Sa ilang buwan mong patay-malisya sa akin, ngayon ka pa gumaganito?" Hindi ko napigilan ang pagbuhos damdamin ko sa harapan niya. Nanggagalaiti na ako sa galit. "At Ikaw na mismo ang nagsabi na walang pakialaman. Hindi na kita pinakialaman kaya dapat magpasalamat ka. Oo, kasal tayo. Alam ko iyon. Pero kahit kailan Mike, di ko naramdamang kasal tayo at kahit kailan di ko hiningi sa iyo 'yon." Naiiyak kong sabi dahil sa panggigil kong naramdaman sa kanya. Naikuyom ko na lang ang aking mga palad. Sa halip na saktan siya, iniwan ko na lang siya sa kanyang kinatatayuan.
Nanginginig ang kamay ko sa naging sampal ko sa kanya. Ngayon ko lang ata siya nasampal at ngayon lang kami nagkausap ng ganito.
Sana naman maalala na niya ang sinabi niya sa akin noon dahil mukhang nakalimutan niya. Dapat na pala akong maglagay ng reminder sa labas ng kwarto niya para araw-araw niyang maalala iyon.
Napaupo na lang ako sa kama at ikinakalma ang sarili ko.
Ang katawag ni Mike. Ang ginawa niya kay Josef. Ano ba ang nangyayari sa kanya? At ito pa, ang pangingialam niya sa akin!
Dahil na din sa pagkabigla ko sa inasta ni Mike kagabi, naisipan kong umalis muna ng maaga sa bahay at umaabsent sa kompanya. Una sa lahat, sobra akong naguluhan. Sa loob ng ilang buwan, kagabi lang siya biglang nangialam sa buhay ko. Hindi mawala sa isipan ko ang reaksyon ng mukha niya at kung paano siya nagalit. I'd like to think that he was jealous o hindi kaya baka nainsulto siya sa kanyang nalaman. Baka hindi niya matanggap na may kasama akong iba sa mall.
Dala ko ang aking kotse at wala sa isip kong nakarating ako sa simbahan. May nakikita akong matatandang mga babae ang nagrorosaryo sa gitna. Pumwesto ako sa may pinakahuling upuan at hindi maiwasang isipin ulit ang nangyari sa amin sa nakaraan.
Nagising ako sa kalabog na aking narinig. Agad kong kinapa ang katabi ko at naramdamang wala si Mike sa aking tabi. Napahawak agad ako sa aking dibdib. Hindi pa siya nakauwi? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan sa aking gilid at nakitang alas dos na ng umaga.
May kumlabog ulit sa labas. Napatayo ako agad at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang nagkakalat ng mga basag ng bote sa sahig namin. Nanlaki ang mata ko at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko sa kaba.
May narinig ulit akong nabasag na bote at napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog.
Nakita si Mike sa sala na puno ng dugo ang kanyang kamay at basag ang mukha. Napahawak ako sa ako sa aking bibig. Ngumilid agad ang luha ko sa aking nakita.
"Mike?" dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Huwag mo akong lapitan!" nanlaki ang mata ko sa sinabi. "Napakawalang hiya mo!" dagdag pa niya.
Napahinga ako nang malalim at pinipigilang tumulo ang mga luha ko sa kanyang sinabi.
"Ano ba ang nangyari sa... iyo?" mahina kong sabi sa kanya. Halos pumiyok na ang boses ko. Nanginginig ang mga tuhod ko nang makita ko ang pagkuyom ng mga palad niya. Galit siya. Galit na galit. At hindi ko alam kung bakit.
"Akala ko... akala ko." Bigla siyang huminto at napahawak ulit ako sa aking dibdib sa kaba at takot. Ano ba ang iniisip niya? Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Bawat hiningang pinakakawalan niya, tila sakit na pilit kong iniiwasan. Tiningnan ko siya nang marahan pero umiiwas siya sa tingin ko. "Wala kang kwenta!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Simula ngayon, 'wag mo na akong hahawakan. Huwag mo na akong kakausapin at 'wag mo nang pakikialaman ang buhay ko. Wala kang hiya!" Pagkatapos niyon ay umalis siya sa harap ako at marahas na lumabas ng bahay. Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Isa-isa na silang pumatak. Ano ba ang nagawa ko?
Naiwan na lang akong umiiyak sa sala at pilit na inaalala ang mga pangyayari sa aking buhay.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)
Romance(WARNING: Mature Contents. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk. TY) Jullian had a bad marriage with Mike Antonnish that led her with many changes. Sobra siyang nasaktan at dumating ito sa punto na hindi na niya ki...