Chapter 10

9.3K 133 6
                                    

Chapter 10 (Flashback 2)



Siniguro kong hindi na namamaga ang mga mata ko nang humarap ako sa kanya. Aniya, kailangan daw niya ng sekretarya at ako ang napili niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong maging sekretarya. He is messing with me and it is hurting me! At dahil mahal ko siya, nagtagumpay siyang guluhin ang puso ko. Gusto kong magtanong pero feeling ko oras na magsalita ako sa harapan niya ay bubuhos ang mga luha ko kaya nanatili na lang akong tahimik.

Iniisip kong mahal pa niya ako dahil hindi naman ganoon kadali mawala ang pagmamahal di ba? Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bigla siyang naging ganito at nakayanan niya akong balewalain. Naglaho na ba talaga ang pagmamahal niya sa akin?

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari pero handa na ako. Tama nga si Andrea, laro nga ang gusto niya.

Andrea was my teacher. She taught me some skills while I was at her place. Pero dahil practical exam na ito, nanginginig na ako. Hindi ko alam kung makakaya ko bang makipagplastikan dito.

Sabi niya di ko siya pakikialaman. Okay. Kahit masakit, susubukan ko.

Kumatok ako.

"Pasok." Napalunok ako. Miss na miss ko na boses niya at ang mukha niya.

Pumasok ako at nakita ko siyang nakatayo at nakatalikod sa akin.

"May folder sa mesa ko. Iyan lahat ang gagawin mo bilang sekretarya ko. You can search on google about your job description. I don't have time to teach you nor answer your question. You can leave. Your table will be outside my office beside my door." Huminga ako at nagmamadaling kinuha ang folder na kanyang sinabi. Lumabas ako agad at bumuhos na lang ang luha sa aking mata. Hindi na nga niya ako mahal? Gusto ko siyang tanungin kung bakit... pero hindi ko magawa.

Tumayo ako ng maayos at ikinalma ang sarili. Bigyan siya ng laro. Gayahin siya. Makakaya ko. At mahal na mahal ko siya.


Naging mabilis ang araw at isang buwan na akong nagtatrabaho sa kanya. Nalaman ko din na ang kapatid niyang si Jane ay nasa sales team. Nalaman din nila Mama na nagtatrabaho na ako kay Mike bilang sekretarya niya at nagulat akong nasiyahan sila sa sinabi ko. Sabi ni Mommy, dapat tulungan ko daw ng maigi si Mike sa trabaho dahil mag-asawa kami. Nangangati na ang akong sabihin kina Mommy ang nangyari sa amin pero nang marinig ko ang kasiyahan sa kanyang boses ay napatahimik na lang ako.

Walang alam sina Mommy sa nangyari sa amin dahil hindi pa sila umuuwi. Nasa New York pa din sila simula nang matapos ang kasal namin. Ganoon din ang nangyari sa Papa at Mama ni Mike, simula nang matapos ang kasal namin, hindi pa sila umuuwi at nasa Maynila pa sila.


Hindi pa din kami nagpapansinan ni Mike. Nakakausap ko lang siya tuwing may meeting at may bisitang darating. Hindi na din kami magkatabing matulog sa bahay at nasa guest room na ako natutulog. Palihim pa din akong umiiyak pero kailangan kong magpakatatag.

Naging palaisipan pa din sa akin ang dahilan kung bakit bigla siyang nagbago. Pero dahil sa mga natutunan ko na, natuto na din akong manahimik na lang.

Lagi niya akong sinisigawan kapag may kapalpakan akong nagawa. Lagi siyang galit sa akin at nanginginig ang mga tuhod ko kapag may mali akong nagawa sa aking trabaho. Tuwing nasa harapan ko siya, nanghihina ako pero hindi ko pinapahalata. Mahal ko pa din siya.

Hindi lang naman sa kompanya namin umiikot ang mundo ko. Ipinagpatuloy ko pa din ang pagtuturo ko at tuwing klase ko sa unibersidad, hindi ako pumapasok sa kompanya ni Mike. Mabuti na lang at walang reklamo si Mike doon.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon